Kabanata 4

15 0 0
                                    

Kabanata 4: Ang Tres Marias

"Ano... Bakit kayo nasa kuwarto ko?" Ang una kong tanong ngayong umaga.

Nagulantang ako.

May tatlong babae sa loob ng kuwarto ko.

Napatingin sila sa akin nung nagtanong ako. Saka sila nagkatinginan sa isa't isa.

"Ahh~ Paano ko ba mae-explain?" Napakamot sa ulo si Mayuri.

"Well, why not start with your purpose of coming into a boy's room, Maruya?" Nakataas ang kilay ng mataray na babae.

"Sabi ko na sa inyo, 'wag na'ting gawin 'to. 'Yan tuloy, naistorbo na'tin siya." Nagsisising sambit naman ng isa kila Mayuri.

"Haa~ Whatever. Good timing, why don't we grill him while we're at it?" Tumingin ulit siya sa aking direksyon at halos pabulong niyang sambit sa dalawa. Para bang isa akong mababang nilalang sa kanyang mga mata.

"A- Pasensya na pero, sino kayo? At bakit kayo nasa kuwarto ko?" Tinanong ko uli sila. (。ŏ_ŏ)

" 'Di pa ba obvious sa 'yo na mga students din kami of this academy, and we're also living in the same dorm?" Napahalukipkip siya sa akin.

Napatikom ako ng bibig.

Hindi ko gusto ang asta niya.

Oo nga, alam kong mga kapwa estudyante kayo at saka naisip ko rin na naninirahan kayo dito sa dormitoryo. Pero kailangan mo bang magsalita ng pabalang? (◐.̃

"Hoy, Dianne Guerrero! Ganyan ka ba dapat magsalita sa kanya? Ang sama ng dating mo grabe!" Saway ni Mayuri kay Dianne.

Huh, Dianne at Mayuri. Sino naman ang isa?

"Tama na girls. Lagi na lang kayo ganito." Mukhang papaiyak na siya sa panga-awat sa dalawa.

"Ah- 'Di kami naga-away! Ganito lang kami magsalita, 'di ka pa ba sanay Car-Car?" Biglang patahan ni Mayuri.

Suminghal naman si Dianne sa isang tabi.

"Uh- O-okay." Pinunasan niya ang mga mata niya saka niya sinuot muli ang kanyang salamin sa mata.

"Okay, we definitely started on the wrong foot here." Nagsisising sambit ni Mayuri.

"Hi! Once again, I'm Mayuri Madrigal. You can just call me Mayu or Maddi, take your pick. Nice to meet you!" Kumaway niyang pagkilala.

"A-ako naman si Caroline Remero. Nice to meet you din." Nahihiya niyang sambit.

" Nahihiya niyang sambit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"A-Ah. Nice to meet you din. Ako nga pala si Michael Pelayo. Mike na lang itawag niyo sa 'kin." Tumango ako sa kanila.

"Yung maldita naman dun sa sulok ay si Dianne Guerrero. Napakataray niya kaya magi-ingat ka, ha?" Paalala ni Mayuri sa akin.

Ang Crush Kong FujoshiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon