Magkalayo man tayo

69 12 1
                                    

Nakakatawa isipin na magkalayo man tayo pero sayo ko nasasabi ang lahat,
Ang lahat ng mga nararamdaman ko na noon ay sinasarili ko..
Nakakatawa isipin na mahirap man tayo makapag usap dahil sa oras na salungat,
Ang salungat na oras ay pilit kong iniisip na wala ito, kaya natin 'to.

Alam mo ba, habang ikaw ay may ginagawang iba,
maaaring ikaw ay nagpipinta,
Tumatakbo ka sa isip ko
Alam mo ba, habang ikaw ay may ginagawang iba,
maaaring ikaw ay nagbabasa,
Tumatakbo ka pa din sa isip ko
Alam mo ba, habang ikaw ay may ginagawang iba,
maaring ikaw ay may kasamang iba,
Tumatakbo ka pa rin sa isip ko.

Ayokong isipin na hanggang ganito na lang tayo
Alam kong hindi ito laro
Ayokong isipin na hanggang dito na lang tayo
Alam kong ito'y totoong totoo

Balang araw, umaasa ako na makakasama kita
Balang araw, umaasa ako na tayo'y magkikita
Balang araw, mayayakap din kita
Balang araw, mahahalikan din kita

Maaaring sa ngayon, hindi tayo magkasama
Maaaring magkagusto ka sa iba
Maaaring magkagusto din ako sa iba

Kakayanin ko pa,
Kakayanin ko pa,
Kahit batid ko na balang araw ay mapupunta ka sa iba
Kakayanin kong makita ka sa piling ng iba,
Kahit anong mangyare ay kakayanin ko pa,
Kahit anong mangyare ay mamahalin pa din kita
Kahit kailan kalimutan ka'y hindi ko magagawa..

My own poemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon