8🌸

1.3K 49 0
                                    

Innocent Seductress







"Manang Felicia sigurado ho ba kayo na aalis na talaga kayo?"

Hindi ko maiwasang malungkot ng mag paalam si manang Felicia na aalis na.

"Kailangan ko ng unahan ang papa Robert mo anak, hindi ko alam kung hanggang kailan niya ako bubuhayin. Ngayong umalis muna siya upang siguraduhing wala pang nalalaman ang mga Del Mundo at Fuego, pagkakataon ko na."

Niyakap ko si manang at tuluyang naluha. Hindi ko sukat akalain na darating ang araw na magkakahiwalay kami.

"Lubos akong humihingi ng tawad dahil sa pagsunod ko sa 'yong ama-amahan Ari. Hindi ako pwedeng bumaliktad sa kaniya sapagkat minahal ko siya. Nanilbihan ako sa lugar niya at inalagaan kita maging ang sekreto niya dahil umaasa akong mamahalin niya ako. Ngunit heto ako, matanda na at patuloy na nagkakasala. Buong buhay ko inalagaan kita, tinuring kitang anak namin ni Robert."

"Manang..." Hindi maalis ang luha ko dahil sa mga binibitawang salita ni manang. Hindi ko kaya, lalo't wala parin si Sancho at sa tingin ko ay hindi niya ako mahahanap lalo pa at sarili niyang uncle ang nagtago saakin.

I miss him so bad. We miss him so bad.

"Eto ang maipapangako ko sa'yo. Pipilitin kong mahanap si mahanap si Sancho upang malaman niya na narito ka lamang sa pribadong resort ni Robertson.

Sana ay mapatawad mo ba ako Ari, maging ang iyong papa Robertson. Malaki ang naging rason ni Robert, alam kong mali, alam kong pagiging gahaman ang rason niya pero sana piliin mo paring magpatawad."

Tumango ako habang pilit na pinupunasan ang mga luhang nagsisibaba saaking mga mata.

"Alagaan mo ang anak niyo ni Sancho." She touch my belly that made me nodded.

Papa Robert doesn't know I'm pregnant. I've been experiencing tremendous morning sickness for the past three weeks. Si manang Felicia ang unang naka alam na buntis ako dahil sa mga sintomas na lumalabas. I'm so afraid for me and my baby, until now I wasn't able to visit an obygne.

"Hindi na ako mag tatagal Ari, baka maabutan ako ng ama mo."

Tumango ako at niyakap siya.

"Mag-iingat ka manang at kapag nagkita kayong ulit nie Sancho, pakisabi naman na mahal ko siya."

Ngumiti si manang kasabay ng pagtulo ng luha nito.

"Masaya ako para sa'yo anak. Sa wakas ay natuto karing mag mahal sa kabila ng pagtago sa'yo ni Robertson. Makakaasa kang makakarating kay Sancho ang 'yong mensahe. Mag-ingat kayo, mahal kita."





Eat&Run: Innocent Seductress ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon