RITA'S POV
Nagulat ako nung may kumulbit sakin habang naglalakad ako papunta sa building namin. Agad akong napalingon sa likod ko at nakita si Harvey.
"Okay ka na ba?" tanong niya dahilan para tumango lang ako ng bahagya at muli nang naglakad. Sinabayan naman niya ko.
Absent ako ng dalawang araw dahil inasikaso ko si Ken. Hindi naging maganda ang lagay ng pasa niya. Nagkalagnat siya at naging mahirap para sa kaniya ang pagmulat dahil sa pamamaga ng pasa niya. Sobra kong nag-alala sa kalagayan niya nung makita kong hindi maganda ang lagay ng pasa niya kaya mas minabuti ko na lang na magstay sa bahay hanggang sa umokay na rin ang pakiramdam niya.
Ang sabi ko kay Harvey may sakit ako kaya akala niya talaga nagkasakit ako kaya ako hindi nakapasok.
Nagulat ako nung bigla niyang idampi ang likod ng palad niya sa noo ko.
"Okay ka na nga. Normal na uli ang temperature mo. Umiinom ka ba ng Vitamins? May sobra ako dito, baka gusto mo." banggit niya at inalis ang kamay niya sa noo ko.
Napangiti naman ako sa binanggit niyang iyon. Mabait talaga ang taong 'to.
"Salamat na lang. Gamitin mo na lang 'yan sa sarili mo." banggit ko at tumingin na uli sa nilalakaran namin.
"Alam mo, gusto ko sanang bisitahin ka nung may sakit ka, kaso naisip ko baka maabutan ako ni Ken. Baka mas makasama pa sayo... Baka kung ano pang isipin ng asawa mo." banggit niya.
Ano namang iisipin nun?
"Wala din namang pakialam 'yun. Di ba nga gusto niyang maghiwalay na kami?" mahinang banggit ko habang patuloy na sa daan nakatingin. Ayokong makita niya ang lungkot sa mga mata ko.
Nung magkasakit si Ken. Lagi lang siyang tulog. Kung hindi man, kausap niya sa phone si Leslie.
"Ikaw naman kasi eh. Hiwalayan mo na kasi. Puro sakit lang naman ang binibigay niya sayo." banggit niya.
Itanggi ko man, may kirot na naman akong nararamdaman sa puso ko. Na kahit ako 'yung kasama niya nung mga oras na yun.. ibang tao pa rin ang mas gusto niyang kausap. Masakit, oo... pero kahit papaano nasasanay na rin naman akong tanggapin na may kahati ako sa kaniya. At least hindi na niya pinagpipilitan ngayon na maghiwalay kaming dalawa. Mas okay na sakin 'yun.
"Pssst, uy! Narinig mo ba ko?" tanong niya nung sikuhin nya ko ng mahina.
"Narinig kita. Nagkausap na rin naman tayo tungkol diyan, 'di ba? Okay lang bang huwag nating pag-usapan ang tungkol doon? Sumasama lang ang pakiramdam ko kapag naaalala ko yun eh." mahinang banggit ko at tinignan siya. "Please, huwag mo na uling babanggitin sakin 'yun." request ko sa kaniya dahilan para matigilan siya saglit at napabuntong-hininga na lang.
Alam kong may gusto siyang sabihin, pero tumahimik na lang siya. Mukhang alam niyang hindi ko magugustuhan ang sasabihin niya kaya hindi na lang niya tinuloy ang dapat na sasabihin niya.
Naging tahimik na ang paglalakad namin hanggang sa may maramdaman ako sa braso ko.
Napatingin ako doon at nakita ang isang chocolate bar na hawak ni Harvey.
BINABASA MO ANG
Until The Last Drop Of Hope
FanfictionMatagal nang pangarap ni Rita na maging ka-apelyido ang long time crush at bestfriend niyang si Ken. Alam niyang parang kapatid lang ang turing nito sa kaniya kaya imposibleng pormahan siya nito. Kaya nung malaman niyang may pinopornahan na ang bina...