RITA'S POV
Maaga akong gumising kinabukasan para ipaghanda ng pagkain si Ken.
Sobrang bigat at sakit ng katawan ko dahil sa nangyari kagabi, pero kailangan kong makapaghanda ng makakain namin. Napapikit ako sa sakit nung makababa ako sa kama. Agad akong kumuha ng tuwalya para mabalot ang katawan ko.
Feeling ko ay nagkapasa ang ilang bahagi ng katawan ko dahil sa mariin na paghawak niya kagabi. Ramdam na ramdam ko talaga ang galit niya sakin sa nangyari samin kagabi.
Bakit nga ba hindi, di ba? Ako ang dahilan kung bakit siya natali sakin. Ako ang dahilan kung bakit kami nasa iisang bahay ngayon. Ako ang dahilan kung bakit hindi niya nagawang pormahan yung babaeng gusto niya.
Napabuntong-hininga na lang ako at lumingon sa kinahihigaan niya. Mukhang mahimbing talaga ang tulog niya dahil ni hindi man lang siya nagising kahit naging magalaw ako kanina pagbaba ko ng kama.
Napangiti ako ng mapait at kinuha na ang mga damit namin na nasa lapag. Maayos kong inilagay ang mga iyon sa laundry basket at dumiretso na papunta sa cr para ayusin ang sarili ko.
Nang makapasok sa cr ay agad akong humarap sa salamin at tinignan ang itsura ko. Matindi ang pamumula ng leeg ko, malamang na dahil yun sa paghawak niya kagabi. Meron din akong kiss mark sa gilid no'n at sugat sa labi ko. Hinawakan ko ang sugat na yun at tila ba ibinalik ako ng isip ko sa nangyari kagabi kaya agad akong napabitaw sa labi ko. Parang biglang bumalik yung sakit na naramdaman ko kagabi... sakit na hindi ko akalaing kayang-kaya pala niyang ipadama sakin.
Pero alam ko naman na ako ang may kasalanan. Ako ang nagsinungaling. Ako ang may pakana ng mga nangyari. Kaya kung eto ang way niya para parusahan ako, tatanggapin ko. Kakayanin kong tiisin ang lahat basta alam kong sa pagsisimula at pagtatapos ng araw... siya pa rin ang kasama ko. Siya ang makikita ko.
Agad na akong nag-ayos ng sarili bago maingat na lumabas para makababa na't makapagluto ng pagkain namin. Maaga ang pasok ni Ken ngayon kaya kailangan na nakahanda na ang breakfast bago siya pumasok.
--------------------
Tapos na ko maghain nung makita ko siyang bumaba sa hagdan. Naka-uniform, at mukhang paalis na.
"Papasok ka na agad? Masyado pang maaga ah." banggit ko habang pababa siya ng hagdan. "Halika, magbreakfast muna tayo, nakapaghain na rin naman ako." sambit ko at lumakad papunta sa hagdan.
"Hindi ako kakain dito. Hindi ko masisikmurang kainin ang mga hinanda mo. Baka mamaya kung ano na naman ang inilagay mo sa mga 'yun." banggit niya na hindi man lang ako tinignan.
Pagbaba niya ay agad siyang dumiretso sa tabi ng tv. Doon niya kasi inilalagay ang susi ng kotse niya.
"Sa susunod, huwag ka nang mag-aksaya ng panahon na paglutuan ako..." banggit niya at galit na tumingin sakin. "Kasi hinding-hindi ko kakainin ang anumang niluto mo. Alam mo kung bakit? Kasi isipin pa lang kita, nasusuka na ko.." mariing banggit niya. "Hindi ko akalaing gagaguhin mo ko para lang sa pansariling kagustuhan mo... Kaya tignan natin kung talaga nga bang ikatutuwa mong naging asawa mo ko." sambit niya at tuluyan nang kinuha ang susi ng kotse bago lumabas ng bahay.
BINABASA MO ANG
Until The Last Drop Of Hope
Fiksi PenggemarMatagal nang pangarap ni Rita na maging ka-apelyido ang long time crush at bestfriend niyang si Ken. Alam niyang parang kapatid lang ang turing nito sa kaniya kaya imposibleng pormahan siya nito. Kaya nung malaman niyang may pinopornahan na ang bina...