Chapter 9

267 35 6
                                    


RITA'S POV


Pag-uwi ko sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto para sana makapagbihis na ng pambahay. Pero bahagya akong nagulat nung makita ko si Ken dito sa kwarto.



Nakaupo siya sa study table niya at busy sa pagta-type sa laptop.






Siguro dahil sa nasanay na rin ako kahit papaano na lagi siyang wala sa bahay ng ganitong oras kaya medyo nagulat ako na maabutan ko siya ngayon.




Agad ko nang ibinaba ang bag ko sa lagayan at dumiretso sa closet para kumuha ng pamalit ko bago dumiretso sa cr para maghilamos at magpalit ng damit. Pagkatapos no'n ay muli akong lumabas at iniwan na si Ken sa kwarto.


Mukhang kanina pa siya doon dahil hindi pa niya nahuhubad ang uniform niya. Baka may deadline sila ngayon kaya sobrang focused niya sa ginagawa niya. Ni hindi nga ata niya napansin na pumasok ako sa kwarto... O baka... Wala lang talaga siyang pakialam.






Dumiretso na lang ako sa kusina para handaan siya kahit papaano ng merienda. Hindi pa ko nakakapag grocery uli pero buti at may mga ingredients pa naman ako para makagawa ng tuna pasta. Ilang minuto lang naman iyon gawin kaya mabilis kong madadala sa kaniya yung merienda niya.



Nang matapos ako sa niluluto ko ay agad akong nag toast ng tinapay para maging kapartner nung niluto ko. Nilagyan ko rin iyon ng kaunting butter para mas maging malasa. Tapos ay nagsalin ako ng juice sa baso para maging inumin niya.





Nang okay na lahat ay agad ko na rin iyong nilagay sa tray at maingat na dinala sa kwarto para maibigay sa kaniya.






Seryoso pa rin talaga siya sa ginagawa niya kaya kahit naglalakad ako dito sa kwarto ay hindi niya ko napapansin.






Napukaw ko lang ang atensyon niya nung ipatong ko sa gilid ng mesa niya 'yung hinanda kong merienda para sa kaniya.




"Kumain ka muna. Mukhang kanina ka pa kasi busy sa ginagawa mo." mahinang banggit ko dahilan para tignan niya yung niluto ko bago ibinalik ang tingin sakin.



Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa tingin niyang 'yun kaya umalis na lang din ako sa tabi niya at kinuha na yung bag ko para kuhanin ang notebook ko't gawin ang assignment namin.






Pero ilang minuto pa lang nung buksan ko iyon ay sinilip ko muli si Ken sa ginagawa niya. Napangiti naman ako dahil hawak-hawak niya sa kaliwang kamay niya 'yung tinapay habang binabasa ang libro niya't may isinusulat doon.




Kinakain niya yung hinanda ko para sa kaniya! Parang sira man pero nakaramdam ako ng kakaibang kilig dahil doon.

Mukhang naramdaman niya na tinititigan ko siya kaya lumingon siya sa gawi ko. Agad naman akong tumungo at umakto na nagsusulat ako. Hinihiling na sana hindi niya ko nahuli na masayang nakatingin sa kaniya habang kinakain yung merienda niya.




Nung muli ko siyang tignan ay nakaharap na siya uli sa laptop niya habang ngumunguya.


Nagustuhan niya kaya 'yung luto ko? Kamusta kaya 'yung lasa? Hindi ko na rin kasi naisipang tikman. Dapat pala tinikman ko muna bago ko binigay sa kaniya, baka mamaya maalat pala.


Pero mukhang okay naman ang lasa kasi matapos niyang lunukin yung pagkain sa bibig niya ay kinuha uli niya yung tinidor para kumuha uli nung pasta at kinain iyon.


Nakangiting binalik ko na lang uli ang paningin ko sa notebook ko para gawin na 'yung assignment namin. Kuntento na ko na kahit papaano dahil kinain niya 'yung hinanda ko.



Until The Last Drop Of HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon