Chapter 11

580 39 15
                                    

RITA'S POV


Nagising ako dahil sa tunog ng alarm. Agad ko iyong pinatay at dahan-dahang umupo dahil hindi maganda ang pakiramdam ko. Mukhang lalagnatin ata ako. Lumingon ako sa gilid ko para sana tignan kung tulog pa si Ken pero katulad ng mga nakaraang linggo... hindi ko na naman siya naabutan.





Hindi ko na matandaan kung kailan ko nga ba siya naabutang tulog pa sa tabi ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kaniya pero bumabalik na naman siya sa dati. Hindi na naman niya ko magawang tignan uli. Lagi siyang wala dito sa bahay at halos madaling araw na naman umuuwi.





Siguro magkasama na naman sila ni Leslie.



Agad akong napahawak sa ulo ko nung sinubukan kong bumaba sa kama. Parang bigla akong nahilo. Hinipo ko ang leeg ko at may lagnat nga ako, kaya pala masama na ang pakiramdam ko pagkagising pa lang. Kaso may presentation ako ngayon at hindi ako pwedeng umabsent.

Pinilit ko ang sarili kong pumunta sa banyo para makapag-ayos na ng sarili ko.





Naging mabagal ang pagkilos ko dahil sa pagkirot ng ulo ko. Buti na lang at maaga pa kaya kahit mabagal ang naging pagkilos ko ay hindi pa rin naman ako male-late.

----------------------------

HARVEY'S POV




Hindi katulad ng inaasahan ko ay mas nauna pa kong makapasok kay Rita. Nagpa late na nga ako ng konti sa usapan naming oras kaya akala ko nandito na siya. Kahapon kasi, nagpustahan kami na kung sino ang mahuhuling pumasok saming dalawa, manlilibre! Pero syempre ako yung lalaki, papayag ba kong magpalibre sa kaniya? Haha. Kaya pinlano ko talaga na magpa late sa usapan namin. Kaso wala pa rin siya.





May nangyari kaya sa kaniya??


Nakailang text at tawag na ko sa kaniya pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Hindi ko tuloy mapigilan ang mag-alala.





Nasaan na kaya yun?




Pagtingin ko sa relo ko ay more than 20 minutes na siyang late sa usapan naming oras. Wala nang 10 minutes at time na. Baka biglang dumating agad ang prof namin.



Nakahinga ako kahit papaano nung makita ko na siya sa pinto. Lolokohin ko sana siya nung makalapit siya sakin pero napansin kong may kakaiba sa kaniya. Namumula siya at parang wala siya sa sarili.


Umupo siya sa upuan niya at tinignan ang relo niya.


"Buti umabot pa ko." mahinang banggit niya at tumingin sakin. "Kanina ka pa?"



Hinipo ko ang noo niya at tama ang hinala ko. Nilalagnat siya!




"Bakit pumasok ka pa?! May sakit ka ah!" hindi ko mapigilan ang mainis sa kaniya.





"Okay lang naman ako." mahinang banggit niya. "May presentation tayo ngayon kaya hindi ako pwedeng umabsent." dagdag niya at inilabas ang notes niya. Pati boses niya namamaos na rin. Dahil siguro sa sama ng pakiramdam niya.




Agad kong kinuha ang papel na hawak niya dahilan para tignan niya ko.


"Ikaw ang mag-operate nung laptop mamaya. Akong bahala sa presentation mo." matigas na banggit ko.



"Pero Harvey... ano namang makukuha kong score sa pagpindot sa laptop?" banggit niya.


"At ano namang mapapala mo kung biglang bumigay ang katawan mo, huh? Nurse ka pa naman pero ni sarili mo hindi mo kayang alagaan!" inis na banggit ko.




Until The Last Drop Of HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon