KEN'S POVPagpasok ko sa kwarto namin ay nakita ko agad siya na nakahiga sa kama at mukhang mahimbing na ang tulog. Napasandal ako sa dingding habang nakatitig sa kaniya.
Pagkatapos ng mga nakita niya kanina... pagkatapos ng mga nalaman niya... hindi ko akalaing titiisin pa rin niya ang lahat huwag lang makipaghiwalay sakin.
Ano bang nakukuha niya sa mga 'to? Ano bang napapala niya sa pagiging asawa ko??
"Hahayaan kita sa lahat ng gusto mo kung yun yung magpapasaya sayo. Basta sakin ka pa rin uuwi. Uuwi ka pa rin sa'tin... Kahit anong oras ka umuwi, okay lang. Basta paggising ko, ikaw pa rin 'yung makikita ko... ayos na 'ko do'n."
Napapikit ako ng mariin at naikuyom ang mga kamao ko nung maalala ko ang mga katagang iyon.
Nag-iisip ba siya?? Pagmamahal bang matatawag sa ginagawa niya saming dalawa?! Sinabi ko na sa kaniyang hindi ko siya mahal at hinding-hindi ko siya mamahalin pero sa kabila no'n, heto pa rin siya at nagmamatigas na hindi pirmahan yung annulment papers namin?!
Naihilamos ko ng marahas ang kamay ko sa mukha ko bago lumabas ng kwarto at bumaba sa kusina para muling uminom. Gusto kong mawala sa isip ko ang mga nangyari kanina. Gusto kong mawala ang umiiyak niyang imahe sa utak ko!! Gusto kong makalimutan ang mga sinabi niya!
Iilang bote lang ang nandito sa bahay kaya umakyat na rin ako matapos kong mainom ang mga iyon. Pagpasok ko sa kwarto ay muli ko na naman siyang nakitang mahimbing na natutulog sa kama.
Hindi ko alam kung anong nagtulak sakin para lapitan siya. Malamang na dala ng alak pero napansin ko na lang ang sarili ko nakaupo sa sahig katabi ng kama at nakatingin sa kaniya habang natutulog.
Pugto ang mga mata niya dala marahil ng matinding pag-iyak niya kanina. Pero siya rin naman ang dahilan kung bakit siya nasasaktan ng ganito. Kung hindi na lang sana siya nagmamatigas.. Kung sana mas pinili na lang niyang pirmah-
Natigilan ako nung dahan-dahan siyang magmulat. Mukhang naalimpumgatan siya.
"Ken.." mahinang banggit niya nung makita niya ko.
Ilang segundo kong natitigan ang mga mata niya bago ko napansin ang mga labi niya. Agad na kong tumayo at dumiretso sa cr para pakalmahin ang sarili ko.
Hindi! Hindi ito ang oras para kung anu-ano ang iniisip ko!
Agad akong naghilamos at nasampal-sampal pa ang mukha ko para bumalik sa katinuan ang utak ko. Pero sa kada pipikit ako, yung mga mata at labi niya ang nakikita ko. Agad kong iniling-iling ang ulo ko. Mukhang matindi ata ang tama ng alak sakin ngayon at kung anu-ano na namang ang naiisip ko.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nagtagal sa cr pero ang alam ko ay hindi ako umalis doon hanggang hindi umaayos ang pakiramdam ko.
Paglabas ko ay napansin kong tulog na siya uli. Agad na kong nagpalit ng pantulog at tumabi na rin sa kaniya sa kama.
Nakatalikod siya sakin at mukhang mahimbing na uling natutulog. Nakikita ko mula dito kung paano dahan-dahang gumalaw ang katawan niya sa tuwing hihinga siya. At natigil ang paningin ko sa leeg niya..
Kung gaano kakinis iyon...
Hinawakan ko 'yon at dahan-dahang pinadausdos ang hinlalaki ko mula sa ilalim ng tenga niya pababa sa leeg niya pabalik uli sa pinagmulan nito.
Ilang ulit kong ginawa iyon hanggang sa hindi ko na rin natiis ang sarili ko at ipinalit ang mga labi ko sa daliri ko.
Nagising ko siya dahil doon.
![](https://img.wattpad.com/cover/243337502-288-k928792.jpg)
BINABASA MO ANG
Until The Last Drop Of Hope
Fiksi PenggemarMatagal nang pangarap ni Rita na maging ka-apelyido ang long time crush at bestfriend niyang si Ken. Alam niyang parang kapatid lang ang turing nito sa kaniya kaya imposibleng pormahan siya nito. Kaya nung malaman niyang may pinopornahan na ang bina...