Chapter 5

380 32 14
                                    

KEN'S POV






Nagising ako dahil sa kamay na yumakap sakin. Napatingin ako sa likod ko at nakita si Rita na mukhang tulog naman.





Pagtingin ko sa wall clock ay alas dos pa lang. Kaya pala inaantok pa ko. Inalis ko ang kamay niya sa bewang ko at muling pumikit.






"Ken," mahinang banggit niya dahilan para muli akong mapatingin sa likod ko.






Teka... gising ba siya?







Pinagmasdan ko siya pero mukhang tulog na tulog naman siya.








"Ken.." mahinang banggit niya na halos bulong nga lang.








Mukhang nananaginip siya. At nakakalokong isipin na kahit sa panaginip niya, nakikita niya ko. Ganun kalakas ang tama sakin ng babaeng 'to??






Matutulog na sana ako uli pero nagulat ako nung muli niya kong niyakap at mas sumiksik pa sa likod ko.




What the-






Muli ko siyang sinilip sa likod ko. Tulog talaga siya. Akala niya yata unan niya ang kayakap niya. Tss!!






Inalis ko na lang uli ang kamay niya sa bewang ko at tuluyan na muling natulog.



-----------------------------





Nagising ako kinabukasan na nakatitig siya sakin.








Agad din naman siyang umiwas ng tingin nung makita niyang gising na ko.






"Good morning," mahinang banggit niya bago umayos ng tayo.






Ang aga naman ata niya magising. Halos mag aalas sais pa lang ng umaga. Alas nuebe pa naman ang pasok niya.








Umupo ako at nag-inat saglit bago tumayo sa kama't pumunta sa cr para maghilamos at mag-ayos ng sarili ko. Wala akong balak makipagbatian sa kaniya... Wala akong balak maging kampante siya sa presensiya ko.








Pagkatapos kong maghilamos ay napatitig ako sa salamin. Biglang bumalik sa alaala ko kung paano niya ko pinagmamasdan nung magising ako.











Ilang minuto na kaya siyang nakatitig sakin bago ako magising? Lagi ba niyang ginagawa yun kapag mas maaga siyang nagigising sakin??








Napailing na lang ako sa isiping iyon. Kinikilabutan ako kapag naiisip kong pinagmamasdan niya ko lagi sa tuwing natutulog ako. Ang creepy!








"Nagluto ako ng breakfast natin. Gusto mong sumabay kumain?" tanong agad niya nung makita niya kong lumabas ng cr.








Hindi ko siya sinagot at agad nang lumabas ng kwarto.








Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng tinapay.











"Iyan lang ang kakainin mo? Naghanda ko ng breakfast para sayo. Kung ayaw mo kong kasabay kumain, sa taas na lang muna ako." mahinang banggit niya dahilan para lingunin ko siya.












Sumunod pala siya sakin. Hindi ko napansin na bumaba din siya.









Tumingin ako sa mesa at mas naramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko. Ang totoo, masarap siya magluto. Yun ang isang bagay na kayang-kaya niyang ipagmalaki sa ibang tao.









Until The Last Drop Of HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon