Chapter 2

318 18 0
                                    

Kakatapos ko lang maghain ng almusal naming pamilya nang bumaba ang kapatid ko na parang may binabasa sa cellphone niya. Mukhang kinikilig din sa binabasa niya.

"Huy, aga-aga cellphone agad ang kaharap ah." Sinundot ko ang tagiliran niya nang makalapit na siya sa lamesa.

"Good morning din sayo, ate." Natatawang sabi ng kapatid ko.

"Good morning Nay, Tay," bati ng kapatid ko bago umupo.

"Maganda ata gising ng bunso namin ah." Bati ng tatay namin ng mapansin ang ngiti ng kapatid ko.

Natawa naman ang kapatid ko. "Ano pala, Tay, Nay, ate."

Tumigil ako sa pag-inom ng kape nung tinawag kami ni Gabriella.

"Sana free kayo tonight kasi si Khalil po, nagyayaya po ng dinner sa ating buong pamilya. Kasama din po yung family nya po."

Tila napangiti naman ang Nanay at Tatay ko at nagkatinginan. Parang may alam na yata.

"Okay sige, anak. Mga anong oras daw ba at nang makapaghanda?" Tanong ni Nanay.

"Uy, Gabbi, kailangan ba ko don? Baka may plans kaming barkada mamaya eh." Tanong ko naman habang iniisip ang mga plano ko that day.

"Ate, first time natin magsasamang mga pamilya. Ibalato mo na sa akin ito, please? Para ma-meet mo din pamilya nila Khalil." Hawak-hawak ng kapatid ko ang kamay ko at ginamitan pa nga ko ng puppy-dog eyes para hindi maka-hindi sa kaniya.

"Okay, fine. Sasama ako. Pero dapat masarap ang pagkain ha."

"Yun! Noted ate! Sasabihin ko kay Khalil yung mga favorite food mo. Salamat ate!" Tumayo naman ang kapatid ko para yumakap sa akin. Niyakap ko din siya pabalik.

May pakiramdam ako na aayain na magpakasal ng boyfriend niya ang kapatid ko. At base na lang sa tinginan nila Nanay at Tatay, mukhang nagpaalam na nga si Khalil sa kanila. Kaya niyakap ko ang kapatid ko ng mahigpit dahil ramdam ko na malapit na niya kong iwan sa bahay na ito.

Baka pati ako maiyak mamayang gabi.

Our Sisters and a WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon