Chapter 10

260 16 17
                                    

Muntik na akong matawa sa kunot ng mukha ng kapatid ko matapos niyang malaman na si Nanay ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Rhian.

"Grabe ate, di ko maimagine reaction ni Nanay."

Napailing na lang ako. "Ang tanga ko kasi. Hindi ako nag-ingat."

Hinawakan ni Gabbi ang kamay ko. "Pano ba nangyari, ate? Pano kayo na-bisto ni Nanay?"

Parang bigla akong nanghina habang inaalala ang pangyayari na yon.

Sem break noon at umuwi muna ko sa amin. Mahigit dalawang taon na din akong nagtatago ng relasyon namin ni Rhian sa pamilya ko. Hindi ko gustong nagtatago sa pamilya ko lalo na sa Nanay ko pero hindi pa ito ang right time para malaman ng Nanay ko ang totoo. At hindi ko rin kayang mawala sa kin si Rhian. Kaya kahit mahirap, kailangang magtiis muna sa pagtatago.

Pero ang hirap pag nasa bahay at palaging nag tetext sa kin si Rhian. Aminadong clingy ang girlfriend ko at naiintindihan ko naman. Ayaw niya kasing maranasan ulit yung sakit na naranasan niya nang iwan sila ng tatay niya. Kaya pag magkalayo kami, panay ang text niya sa kin. At mas lalong lumala yung pagka-clingy niya ngayong dalawang taon na kami. Sabi niya kasi, baka daw patapos na yung "honeymoon phase" namin at bigla na lang daw akong magbago sa kanya. Kaya as much as possible daw, ayaw niya sanang malayo sa akin. Gets ko naman kung bakit naiinsecure siya. Minsan nga natatawa ako eh. Ang ganda-gandang babae at matalino pa si Rhian pero matindi din pala insecurity niya. Ako naman, lagi ko lang siyang nireremind na hindi ko siya kayang iwan at ang tanga ko kung gagawin ko iyon, dahil yun ang totoo.

Mahigpit ang Nanay ko sa akin lalo ngayong malapit na akong magtapos ng college kasi sabi niya panganay ako at kailangan kong maging role model para sa bata kong kapatid. At isa pa, inaasahan na rin nila akong tutulong sa mga gastusin sa bahay kaya kailangan magtapos na agad ako. Bantay-sarado ni Nanay ang mga kilos ko sa bahay kaya alam kong nakakahalata na siya na merong kakaiba sa palaging pagtunog ng cellphone ko ngayon.

At noong nasa sala nga ako ay hindi na nakatiis si Nanay.

"Nak, sino ba yang text ng text sa'yo? Simula noong umuwi ka dito, hindi na tumigil ang katutunog at katitingin mo diyan sa cellphone mo."

Dahan-dahan kong itinago ang cellphone ko habang nagiisip ng isasagot kay Nanay.

"Ah wala, Nay, yung mga kabanda ko lang po. Nagyayaya kasi magkita-kita eh hindi niyo naman po ako papayagan di ba?"

Tinaasan lang ako ng kilay ng Nanay ko. Halatang hindi naniniwala sa sinasabi ko.

"Sigurado ka? Bakit sobrang dalas mo naman tumingin sa cellphone mo eh dati naman hindi ka ganyan? Dati nga binabalewala mo lang yang pag tunog ng cellphone mo lalo pag nag-gigitara ka. Ikaw babae ka ha, baka iyan ay boyfriend mo na ha? Magsabi ka nga sa akin, Glaiza!"

Sa sinabi na iyon ni Nanay, hindi ko napigilang mapatawa.

"Nay promise, wala po akong boyfriend." Itinaas ko pa ang kamay ko. Totoo naman eh, wala naman akong boyfriend, hindi ba?

At tinantanan na ako ng Nanay ko.

Akala ko safe na ko noon. Pero noong matapos na kaming maghapunan, naiwan na lang kaming dalawa ni Nanay sa kusina. Habang nag-huhugas ako ng mga pinagkainan namin, biglang tumunog ang cellphone ko na iniwan ko muna sa mesa.

Paglingon ko para tignan yung cellphone ko, nakita ko na hawak na ito ni Nanay.

Sa sobrang gulat at kaba ko nabitawan ko at nabasag ang pinggan na hinuhugasan ko.

Our Sisters and a WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon