Chapter 20

338 20 15
                                    

Susunod na sana ako kay Rhian pero pinigilan ako ni Kylie.

"Glaiza naman, ngayon lang ulit tayo nagkita tapos iiwan mo na ko agad?"

Umiling ako kay Kylie at hindi ko mapigilan ang nararamdaman kong inis, kaya napakamot na lang ako sa noo ko.

"Ky, kasi-"

"Kasi nagalit si Rhian sa sinabi ko? I thought you two are just friends?" Hawak pa rin ni Kylie ang braso ko.

Hindi ako nakasagot kasi hindi ko nga rin alam kung bakit parang biglang na-bad trip si Rhian sa sinabi ni Kylie. Hindi ko talaga inexpect na magwo-walk out siya.

"What do you honestly think, Glaiza? Bakit kaya parang biglang nagalit si Rhian when I said may chance na pala ako sa'yo?" Nakangising tanong sa akin ni Kylie.

Hindi pa rin ako sumagot kasi hindi ko naman talaga alam. Wala talaga akong idea. Ang alam ko kasi at ang sabi niya kasi sa akin friends na lang kami, di ba?

"Obvious kaya. I was just testing kung tama yung hunch ko." Si Kylie na rin mismo ang sumagot sa tanong niya dahil nga hindi ako sumasagot.

Gets ko naman kung ano yung sinasabi niya, pero ayoko lang masyadong isipin kasi ayokong umasa. Pero posible nga kaya? Nagselos kaya si Rhian?

"Teka nga, Ky. Sinabi mo lang ba iyon para lang makita yung reaksyon ni Rhian?"

"Alin, yung may chance na ko sa'yo? Well, if it was years ago, I would have meant it. Kasi totoo naman na crush kita dati and I was really hoping you'd see me the same way. Pero ngayon hindi na eh. I'm very much happy na with someone else." Nakangiting sumagot si Kylie sa akin. Halata ngang masayang-masaya siya ngayon at blooming. "So yes, sinabi ko lang yun to test my theory. Kasi when I saw you two, may something talaga eh. So when you introduced her as your friend, nagduda ako. So I tested kung totoo nga yung hinala ko. And yes, totoo nga."

"Ang lakas ng trip mo, 'no?" Sinuntok ko ng mahina ang braso ni Kylie, na tumawa na lang sa akin.

Pagtingin ko sa likod ni Kylie, nakita kong may babaeng papunta sa direksyon namin. Medyo matangkad at mahaba ang buhok at mapapa-"sana all" ka na lang sa hubog ng katawan niya na naenhance pa lalo ng fitted dress na suot niya.

Nang makalapit na siya kay Kylie, niyakap niya agad ito na agad naman na ibinalik ni Kylie.

"Babe, nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap sa loob."

"Sorry, babe, I saw my old friend kasi. By the way, this is Glaiza, college friend ko." Tinuro ako ni Kylie.

"Glaiza, si Ada, girlfriend ko." Sabay akbay naman ni Kylie sa girlfriend niya, na agad naman na iniabot ang kamay sa akin. "Sexy 'no?" Kumindat si Kylie sa akin na nagpatawa naman sa akin.

"Hi, Glaiza! Nice meeting you here."

Nakipag-kamay ako kay Ada na ngiting-ngiti sa akin. Iba rin itong si Kylie eh, nakakuha ng ganto ka-ganda at sexy na girlfriend. Samantalang nung college kami, medyo mahiyain pa siya at torpe. Ngayon nga lang niya sinabi na crush pala niya ko noon.

"Nice meeting you too." Tumango ako at ngumiti din kay Ada. "So paano mo nagustuhan si Kylie?"

"'Tol parang nagdududa ka ah." Protesta ni Kylie. At nagtawanan na naman kaming tatlo.

"Sige, Glaiza, we'll go ahead na. Pero word of advice," hinila ako ni Kylie papalapit sa kanya.

"Go for it, go for Rhian. Hindi naman magseselos yun kung walang feelings yun sa'yo. And alam kong gusto mo rin siya. I can see and feel the tension between the two of you eh. Kaya follow your heart. And kung kailangan mo ng tips, message mo ko sa FB. Para maging happy ka na rin katulad ko." Kinindatan ulit ako ni Kylie sabay halik sa pisngi ni Ada.

Our Sisters and a WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon