Jungwon's POV
Mahigit 4 hours na kaming naglalaro ng video games sa kwarto ni Sunghoon.
"Oh Jung, baket naka upo ka lang jan? Ayaw mo na ba maglaro?" tanong ni Sunghoon.
"Nagugutom na 'ko pre, tsaka mag papaalam muna kay Mama na matatagalan ako dito sainyo." paalam ko.
"Oo nga pala hindi pa ako nagsasabi kay Mama." nag-aalalang sabi ni Jake.
"Ako rin 'di pa ko nagpapaalam."
"Mag C-CR muna ako ah." paalam ko.
"Sige sige, sa baba ka nalang mag CR." sabi ni Sunghoon habang nakatutok parin sa paglalaro ng video games.
Lumabas na ako ng kwarto ni Sunghoon at nilagay ang cellphone ko sa bulsa ko.
Habang pababa na 'ko, narinig ko ang Lola ni Sunghoon na may kausap sa telepono.
"Kailan mo ba sya papupuntahin dito?"
"Hindi ko pa alam Ma, hindi ko pa nakakausap si Syd."
"Kailan mo balak sabihin kay Syd?"
"Hindi ko alam, nag aalala ako kay Hoon ma. Paano kung pagtabuyan nya si Sydney? Isa pa, jan mag aaral si Sydney."
Hindi na itinuloy ang pakikinig sa usapan nila dahil mukhang family matter ang pinag-uusapan nila, kaya dumiretso na ako sa CR nila.
May kapatid si Sunghoon? Baket 'di nya sinabi samin?
Nang makapasok na ako sa CR, kinuha ko ang cellphone ko galing sa bulsa ng pantalon ko at binuksan eto.
Ibinalik ko na ang cellphone ko sa bulsa at lumabas na ng CR.
Paglabas ko ay nakita ko ang lola ni Sunghoon na nakaupo sa sofa at nakatitig sa cellphone.
"Oh iho, nandito pa pala kayo." nakangiting sabi nito.
"Ah, opo." sagot ko sabay nag mano.
"Meron nang pagkain jan sa kusina kapag gusto nyo nang kumain."
"Sige po, sabihan ko po sila." ani ko at agad nang umakyat.
Sasabihin ko ba kay Sunghoon ang mga bagay na narinig ko? Kaso baka 'di pa sya ready na sabihin samin. Ah sya, bahala na, hindi ko na problema yun.
YOU ARE READING
mahiwaga
Fanfictionwherein Jungwon often goes to Sunghoon's place whenever they have their all boys hang out. well that WAS the reason why he goes to their place often but it suddenly changed when he met Sunghoon's sister, Kyzha. ( written in taglish ) | slow updates...