004

14 1 4
                                    

Third person's POV

Lumagpas na ng 9:30 ang paglalaro nila Jungwon at ng kanyang mga tropa.

Hindi pa sya ulit nakakapag paalam sa mama nya kung pauwi na ba sya.

Tulog na rin ang lola ni Sunghoon kaya hindi na sila pwede mag ingay.

"Tangina nakakainis 'di nanaman ako MVP." naiinis na sabi ni Jay.

"Bobo mo kasi, sabi ko dun sa kaliwa tapos punta ka ng punta sa gitna." sabi naman ni Youngbin.

"Gagi 11:00 na pala, 9:30 lang paalam ko kay mama." natatarantang sabi ni Jungwon kaya naman inayos na nito ang gamit nya.

Nataranta na rin ang iba dahil hindi na nila namalayan na halos 8 hours na silang naglalaro.

"Teka magdahan dahan kayo pababa ah, baka mahuli kayo ni Mama La." paalala ni Sunghoon.

"Sige sige kami na bahala." sabi naman ni Jake.

Isa isa silang nagsibabaan ngunit nang makababa na sina Jake, Youngbin, Ni-ki at Jay, bigla silang nakarinig ng pintong bumubukas kaya naman nag tago sila.

"Huy si Sunoo asa-"

"Hyung wag kang maingay!" ani ni Jungwon kay Heeseung.

Nakatayo lang sila sa likod ng pinto, habang binabantayan nila ito may napansin si Heeseung.

"Pre, hindi ata ito yung kwarto ni Sunghoon." ani ni Heeseung habang hinahanap ang switch ng ilaw.

"Sira yung switch." sabi ni Heeseung at tumingin kay Jungwon.

"Saglit buksan ko flashlight ng phone ko, bantayan mo 'tong pinto." agad na nag palit ng pwesto si Heeseung at Jungwon.

Kinuha ni Jungwon ang cellphone mula sa bulsa ng kanyang pantalon, at binuksan ang flashlight nito.

"Para kanino 'tong kwartong 'to? May kapatid ba si Sunghoon?" pagtataka ni Heeseung.

Hindi nagsalita si Jungwon ngunit nagpatuloy ang paglalakad nito.

Nahanap ni Jungwon ang study table na malapit sa bintana, may nakita sobre na puti na may nakalagay na 'K'.

Na-curious si Jungwon kaya naman binuksan nya ito.

"Hyung." mahinang sabi ni Jungwon.

"Ano 'yan?"

"Ewan ko."

"Buksan mo."

Gaya ng sabi ni Heeseung, binuksan ito ni Jungwon nang walang pagdadalawang isip.

Kinuha ni Jungwon ang laman ng sobre at ipinakita ito kay Heeseung.

Nahanap nila ang baby picture ng kapatid ni Sunghoon, nakangiti ito sa litrato at napakacute nito.

Hindi agad naproseso ni Heeseung ang kanyang nakita kaya naman walang kumibo sa kanilang dalawa.

Nang matauhan ay nagsalita na si Heeseung.

"May kapatid nga sya." agad na sabi nito.

"Tignan mo kung anong nasa likod." dagdag bi Heeseung.

Binaliktad ni Jungwon ang hawak na litrato at tinutukan ng flashlight ang nakasulat rito.

"K.S Park, ano kaya ang ibig sabihin non?" nagtatakang sabi ni Jungwon.

"Baka ayan ang pangalan ng kapatid nya." sagot ni Heeseung.

"Meron pang number hyung."

"Ano ang nakalagay."

"12.10.04"

"Siguradong ayan ang birthday nya." pagpapahayag ni Heeseung.

Ibabalik na sana nila sa sobre ang litrato na nakita nila nang biglang may kumatok sa pinto.

"Ibalik mo na yan." natatarantang sabi ni Heeseung.

Dahil nataranta ang dalawa, hindi na naibalik ni Jungwon ang litrato sa loob ng sobre, pero iniwan nito ang sobre sa study table kung saan nila ito nahanap.

Agad nilang binuksan ang pinto kahit hindi nila alam kung sino ang kumatok.

"Huy tange tara na, bumaba na kayo." nagmamadaling aya sakanila ni Sunoo.

"Gago bakit kayo pumasok jan, bawal jan diba."

"Mamaya na namin ikukwento."

Dali dali nang bumaba ang tatlo.

"Saan kayo galing?" pabulong na tanong ni Sunghoon.

"Nagtago sila sa-"

Natigil Sunoo nang takpan ni Heeseung ang bibig nito.

Nagtinginan si Jungwon at Heeseung bago sila magsalita.

"Ah, nagtago kami sa.. CR! Oo sa CR." sagot ni Heeseung.

"Ha? Eh galing kayo sa kwarto ni-"

"Sige una na kami pre, next time nalang ulit ah? Bye!" nagmamadaling umalis ang magtotropa at isa isa nang nagsilabasan.

mahiwagaWhere stories live. Discover now