Embarrassed

15 8 10
                                        

"Ang lalim yata ng iniisip mo?" ani ni Tamy nang tinabihan ako sa sofa.

"Naiinis kasi ako Tamy," deretsong sagot ko na ang paningin ay nasa pinapanood ko.

Hindi ko nga alam kung naiintindihan ko pa ba yung daloy ng kwento eh ang laman lang naman ng isipan ko ay yung narinig ko kanina.

"Bakit ? Huwag naman sana akong patawagin na naman sa eskwelahan ninyo dahil may ginawa ka na namang di maganda."

Nilingon ko si Tamy na may nangangaral na naman na paningin sakin.

"Look Tamy, first hindi ako yung nag-umpisa and-"

"So sinasabi mo bang tama ang hinala ko," nakagat ko ang labi ko ara pigilan sa pagsasalita. Nahuli ako ni Tamy. Takte. "Jusko Alliyea!" napatampal sa noo si Tamy at iiling iling sakin.

"Tamy binangga ako. BI-NANG-GA. So, basically hindi ako ang may kasalanan. At hindi ko na nga pinatulan," ngumuso ako at muling lumingon sa tv.

Nagulat ako ng biglang abutin ni Tamy ang tagiliran ko at kinurot ako.

"Tamy! Masakit! Aww. Tama na po"
natatawa ako habang pinipigilan ang mga kamay ni Tamy . Nasasaktan din pero nangingibabaw kasi yung kiliti ko .

"May balak ka pa palang pumatol. Sabi ko magtino ka na diba"

"Oo nga Tamy. Tama na po. Please"

"Mangako ka Alliyea kundi ilalambitin kita patiwarik!" natawa ako sa sinabi ni Tamy kasabay ng pagkiliti niya.

"Fine! I-I promise Tamy. Just...just stop. Nakikiliti ako ."

Laking pasasalamat ko ng tumigil nga si Tamy at inayos ang buhok at salamin niya sa mata.

"Pero Tamy kilala mo ba si Ashiera Rago ? "

"Oo. Hindi ba't siya ang anak ng may-ari ng paaralan niyo."

Iniangat ko sa sofa ang isa kong paa at humarap kay Tamy.

"What I mean Tamy is yung family nila, do you know them?"

Seriously? Bakit ba naintriga ako bigla .

Napakunot ang noo ni Tamy at tumingin sa kung saan na tila nag-iisip.

"Ang naalala ko hindi tunay na anak ni Harry si Ashiera pero may anak pa itong isa, ano nga bang pangalan ng batang iyon..." napaisip muli si Tamy

"Ica po ba?"

"Ah! Oo Ica nga pero ang bali-balita noon dalawang buwan magmula nang mawala ang ina nito nagpasyang mag-asawa muli si Harry. Sabi nila iyon ang naging dahilan kung bakit umalis noon si Ica at nanirahan sa kanyang tiya sa Pransya."

"Ahh," napatango tango ako sa narinig ko kay Tamy. "Eh yung lalaki po Tamy?" mahinang tanong ko .

"Lalaki? Wala silang kapatid na lalaki, sandali lang... Bakit mo pala natanong? Kelan ka pa nagkainteres sa kwento ng ibang tao?" nakangising tanong ni Tamy .

Iniwas ko ang paningin sakanya at muli nalamang nanood.

Curious lang naman kasi ako. At kung hindi nila kapatid ang isang yun. Sino naman siya? Agad kasi niyang tinungo ang lugar kung san nagtatalo si Ica at Ash kaya ang alam ko magkakapatid sila but it turns out na mali ang naiisip ko.

At dahil nga sa makulit si Tamy inasar niya ako sa nangyari. Nagbabago na daw ako. Nagiging tao na raw ako dahil marunong na akong kumalap ng tsismis.

Tss. Gusto ko lang naman malaman, ewan ko ba kung bakit.

Parang may tumutulak sakin na kilalanin pa sila. Ang pamilya nila.

Kinabukasan maaga akong nakarating sa school . Dumeretso na ako sa aming classroom at mangilan ngilan narin ang bilang ng mga kaklase ko.

Pinatong ko ang magkabilang braso ko sa desk ko at ipinatong ko ang ulo ko roon.

Dahil ang aking upuan ay katabi ng bintana, nasisinagan ang aking mukha ng araw.

Pumikit ako at ninamnam ang pakiramdam ng naarawan.

Hindi kasi ako pala-labas ng bahay. Tuwing may klase o mamamalengke kami ni Tamy dun lamang ako nakakalabas.

Iba parin pala talaga ang pakiramdam ng naaarawan. Mas nararamdaman kong buhay pa ako.

Iminulat ko ang aking mga mata at tinitigan ang mga dahon sa puno na unti unting bumibitaw sa mga sanga.

Bakit kailangan kasing bumitaw nung mga dahon? Hindi ba pwedeng manatili nalang sila sa mga sanga? Hindi ba pwedeng diyan na lamang sila hanggang sa yung puno na mismo ang mapagod sa pagme-maintain ng pagiging maganda ng puno sa mga nakakakita?

Kabaliktaran ata yun ng buhay ko. Kasi di tulad ng mga dahon na iyan na bumitaw, ako yung binitawan. At yung mismong puno ? Hindi pa nagtatagal pilit na niya akong binitawan para mapalitan. Bakit kailangan ng bagong dahon kung maganda naman na ang dating mga dahon na naroroon.

Mariin akong pumikit at pilit iwinawaksi sa isipan ko ang mga ideyang iyon.

"Introduce yourselves." boses iyon ni Sir Borja . Yung matabang mama at napakastrict na Calculus prof namin.

Inangat ko na ang sarili ko bago pa ako masita ni Sir Borja.

Naririnig ko rin ang mga bulungan ng mga kaklase ko.

Dahil ito sa presensya ng dalawang tao sa harapan.

Isang makisig, maputi, matangkad at pinagpalang lalaki...pumikit ako ng mariin.

No!

Hindi ko pinuri yung lalaki diba?

Yeah!
Hindi!

Sa tabi niya ay ang may mukhang anghel pero pag nagsalita ay mapapasunod ka nalang talaga. Si Ica.

"Luischa Ica Rago. 17"

Ka-age ko lang pala siya pero bakit ang matured niya sa paningin ko. She looks like 21 not because of her face but because of the way she carry herself. Napakamature magsalita at manamit.

"Leimaru Ehalli Collerth. 18"

His Voice. May ganun palang boses na ginawa si Lord.

Bakit napakalambing, bakit parang nanghaharot, nanglalandi. Bakit parang niyaya ako ng boses niya na lapitan siya.

What did i just say!? Holy shit!
Did he just took away my senses?!

"NO!" hinampas ko ang table ko at napatayo bigla.

No! Ano bang iniisip ko! Anak ng!

This is not me!

Oh c'mon Alliyea Moratto! Collect yourself dude!

"What the hell is your problem Ms. Moratto?!" galit na galit ang boses ni Sir Borja.

Nilingon ko ang mga kaklase ko at nasa akin ang mga paningin nila. Yung iba nakatakip ng bibig at pinipigilang matawa yung iba nakatunganga sakin.
Tumingin ako sa tatlong tao sa harapan.

Kay Sir Borja na nanggigil sa inis dahil sa ginawa ko .

Kay Ica na nakakunot ang noo na parang inaalisa ang aking mukha.

At sa lalaking nagpakilalang Leimaru na ngayon ay nakakagat labi at pinipigilang tumawa ng malakas.

Kumuyom ang kamao ko.







THIS IS SO EMBARRASSING!



-🖤

Lies in LoveWhere stories live. Discover now