"Ayoko ng maulit to Alliyea," ani ni Tamy na disappointed na naman sakin dahil sa nangyari.
Naiinis ako sa sarili ko dahil dun. Dahil sa lalaking yun. Paano ba kasi niya nakuha ang atensyon ko . Ang buong katinuhan ko.
Nakakairita! Nakakainis!
Pagkatapos ng klase namin kay Sir Borja pinatawag niya ako sa office niya at ipinatawag din si Tamy para malaman iyon. Hindi ba pwedeng pagsabihan nalang ako? Unang beses ko palang naman na nasira ang mood niya though lagi naman talaga siyang galit at wala sa mood. Tss. Matanda nga naman talaga.
Siguro dapat iwasan ko na yung mga taong yun. Pakiramdam ko sa tuwing nasa paligid ko si Ash, Ica at yung Leimaru na iyon, parang may hindi magandang mangyayari. Para bang lagi akong in danger pag nariyan sila.
--
Isang linggo ang lumipas, kahit mahirap na iwasan iyong dalawa dahil kaklase ko nga , ay ginawa ko parin . Hindi naman kami magkatabi dahil nasa harapan sila ako sa likod at tabi ng bintana kaya hindi naging mahirap na iwasan ko sila. Ayoko ng gulo.
Pero kung mamalasin ka naman, kapareha ko pa ang lintik na lalaking to, na ngayon ay nasa harapan ko.
Ngayon ko sinisisi ang sarili ko. Bakit ba kasi bobo ako? Bakit hirap akong makaintindi ng math ! Hinding-hindi na talaga kami magkakasundo ng solving numbers na yan. Nakakainit ng dugo tong Prof na to!
"Those who got 85 and above will tutor those stupido who got 84 and below! Kung sa kanta may pa 'Romeo save me!' sa klase natin may 'Tutor save me!' " At kinanta pa nga niya napatakip tuloy ang ibang mga kaklase ko para mapigilang tumawa. Para kasing timang si sir. "because on our next activities and quizzes later on, the score of the two of you will be added then divided into two and so on and that will be the grade of both of you. Kung nagbunga ang pagtuturo niyo sa isa of course magbebenefit kayo pareho. This way lahat kayo papasa at walang maiiwan. So that's for today. Class dismissed!" mahabang eksplanasyon ni Sir Borja. Uso pa ba yun sa college? Takte yan! Self study nalang sana! Pahiya naman tong taba nato.
Pero in all fairness ah, nakangiti siya ngayon . I wonder why, maybe nanalo siya ng loto. Tss.
Kaso problema ko tong kaharap ko!
Nakangisi ngayon at tinititigan ang papel ko.
"Poor of you. You only got 37-"
Hinablot ko ang papel ko mula sa kanya na ikinatigil niya pero nakangisi parin sakin.
"Anong pake mo! Hindi ko kailangan ng tulong mo!"
Niligpit ko na ang mga gamit ko at paalis na ng bigla niyang hinila ang braso ko pabalik sa harapan niya.
Napalunok ako ng tumama ang mukha ko sa dibdib niya ! Shit! Ang bango niya!Natulak ko siya ng bumalik ako sa katinuan. Yan ka na naman Alli!
"B-bat ka ba nanghihila!" nauutal kong sigaw.
Ngumisi siya at iniligay ang mga kamay niya sa bulsa ng kanyang pants, "We need to work really hard for a better grade Ms. Moratto," at ngumiti siya kaya biglang nawala ang mga mata niya.
Kumuyom ang kamao ko nang maramdaman ang malakas na pagkabog ng dibdib ko . Pilit kong pinapatigas ang ekspresyon sa aking mukha upang di niya mahalata ang kaba ko.
Napalingon ako sa buong classroom at napagtanto kong kami nalang pala ang naririto.
Kelan pa sila nawala?
Bakit di ko man lang naramdaman. Masyado ba akong nakatutok sa lalaking to at di namalayan ang pag-alis ng iba?
Napatalon ako ng may marinig na malakas na galabog kung saan. Napalingon ako sa pintuan at nakita ang higit sa sampung kalalakihan.
YOU ARE READING
Lies in Love
RomanceAlliyea Moratto is a girl who have a lot of dreams in life just like any other person. She dreamed to have a happy family, loyal friends, and a down to Earth lover. But it seems like the world is against with what she want to have. Then out of nowh...