Alliyea

29 14 15
                                    

-

I woke up before my alarm clock creates any sound at 6:00 am.

Lumingon ako sa gilid ng kama kung nasaan iyon. And it is 5:56am already. I should probably get up bago pa ako sunduin ni Tamy.

Tamad na tamad parin ang katawan kong bumangon or even make any kind movement, ang kaso kailangan ko na talagang bumangon at ayusin ang kwarto bago bumaba para mag-agahan.

After a couple of minutes, naayos ko na angdapat ayusin.

"Siguro naman sapat na yan sa paningin ni Tamy" tugon ko sa sarili ko matapos kong linisin ang kama.

"Urgh! Nevermind. Gutom na ako"

Bago ako lumabas kinuha ako muna ang panali ko ng buhok .

Habang pababa ako papunta kusina ay inaayos ko na rin ang aking buhok without using hairbrush. Mamaya nalang ako magsusuklay after maligo.

Pagpasok ko sa kusina nadatnan ko si Tamy na naghahanda ng breakfast.

"Good mo-"

"Inayos mo na ba higaan mo Aya? Yung totoong maayos ha. Yung mga unan dapat itinabi sa may headboard ng kama hindi sa gilid o gitna. Yung bed cover pulido ang pagkakaayos hindi yung kalahati lang ang kinalalagyan. " nilingon niya ako saglit saka nagpatuloy "At yung mga books mo , nasa bookshelves mo dapat hindi sa sahig lang. Ano nagawa mo ba?"

Kasabay ng pagtapos niya sa kanyang mga salita ay ang siyang paglapag din niya ng pitchel na may lamang tubig at isang baso. Saka niya ako tinitigan na waring inaalam kung totoo o hindi ang isasagot ko.

Ano ba kasi ang dapat?

Well, nilagay ko sa gitna lahat eh. Yung mga unan, kumot at bed cover. Yung books nasa mesa ko baka kasi gamitin ko ulit mamaya mag aaksaya lang ako ng powers ko.
Kwarto ko naman saka ako lang naman pumapasok dun . So why would I bother myself to get my things be on its proper places or iayos para maganda tingnan sa mata ng iba kung kami lang naman ni Tamy ang nandirito.

Visitors?

Nah. We never had a visitor. Mga taga ayos lang ng linya ng kuryente at tubig. Saka dito lang naman sila sa baba kaya, nevermind!

"Tamy, maayos naman po sa paningin ko eh." nakanguso kong sagot

"Juskong bata ka! Bakit nga ba hindi kita tinuruan ng gawaing bahay. Nakakastress ka tuloy ngayon!"

Napapatampal pa sa ulo si Tamy dahil sa pagiging , what do you call that ? Uhmm.. it's not tamad kasi eh . It is actually... No Common sense .
Ewan ko ba.

Nakikita ko naman sa tv o kaya pag nag aayos si Tamy pero pag ako na gumagawa nagliliparan na mga senses ko . Nagiging bobo ako.

"Siya nga pala, kamusta pag-aaral mo? May mga kaibigan kana ba ?"

Biglaang tanong ni Tamy matapos ang mahabang katahimikan dahil nga kumakain kami , ayoko ng puro salita habang kumakain eh , nawawalan minsan ako ng gana.

Like now.

Uminom muna ako ng tubig bago sinagot si tamy.

"Tamy, hindi ko kailangan ng kaibigan o kahit na sino pa na dadagdag sa buhay ko."

"Pero hindi naman pwedeng habang buhay na wala kang ituturing na kaibigan. Pano kung mawala ako sino-"

"Tapos na ako kumain. Kailangan ko na maligo."

Walang lingon lingon na umalis ako at nagtungo sa banyo para maligo .

Laging tinatanong yan ni Tamy magmula ng lumipat ako sa bago kong eskwelahan.

Friends?

I don't need friends.

They'll just going to use me, betray me and turn their back on me in the end . So bakit pa?

People now a days are all plastic! And...uhm.. yeah, Toxic too!

Anghel pag nakaharap, Demonyo pag nakatalikod. Kaya mas mabuting huwag kana lang makipagkaibigan. Kawawa ka lang din sa huli. Gagaguhin ka lang nilang lahat.

I have Tamy and myself. Hindi ko na kailangan ng iba.

Nag-aaral ako para matuto at may marating hindi para kumilala ng mga walang kwentang tao sa mundo.

--🖤Alliyea Moratto

A🖤L

Lies in LoveWhere stories live. Discover now