Baliw

2 2 4
                                    

"Okay na Miss Moratto," may ngiting tugon ni Nurse Natasha na sinuklian ko na lamang din ng ngiti.

Inayos ko muna mga gamit ko bago lumabas ng clinic and there he is. Hindi ko alam kung bakit hinihintay pa niya ako kahit hindi naman na kailangan.

Kinukuha niya ang atensyon ng mga babae at pati ang mga lalaking napapadaan, pati narin ang mga nasa kalayuan ay nakatingin sa kanya ng may paghanga.

May itsura siya, oo, pero hindi naman pang artista ang kagwapuhan para sambahin siya ng lahat. (Pero tinawag mong anghel nung una) Oo! Pero binabawi ko na ngayon.
Ganoon talaga, may mga bagay na akala mo gwapo sa una pero kapag tumatagal narerealize mong pangit pala talaga. At iyon ang napagtanto ko ngayon.

Hindi kagwapuhan si Leimaru. Tao lang. No erase!

"Let's go!" Napaigtad ako ng bahagya ng marinig ko ang malamig niyang tinig.

Galit ba siya? Dahil sakin? O dahil iniisip niyang ikakalat ko ang mga narinig ko kanina.

Hindi ko naman gawain iyon. Sana alam niya yun.

Sumunod na lamang ako sakanya ng tahimik pero ang mga nasa paligid...napakaingay.

Tahimik na kinikilig ang mga babaeng nalalagpasan niya. Nagtutulukan pa minsan ang ibang grupo ng kababaihan.

Akala ko sa mga teleserye lang nag-e-exist ang ganitong vibe, sa totoong buhay din pala. At hindi naman pala iyon maganda. Its irritating for me. Too childish.

Malapit na kami sa classroom namin nang biglang huminto si Lei na nasa harapan ko. Nilingon ko kung bakit at naroon sa harapan niya si Ica.

She looked at me and showed me her sweet smile but I couldn't smile back. Agad rin naman niyang inalis ang paningin sakin kaya di ko na kailangan ngitian siya pabalik.

Gumalaw ang kanyang mga bibig pero hindi ko marinig ang kanyang mga sinasabi dahil sa distansya mayroon saming tatlo.

Nagpatuloy ako sa paglalakad para puntahan at kunin ang mga gamit ko sa locker ko bago umuwi.

Dapat ko ba siyang batiin? Dapat ba akong magpaalam na aalis na ako?

Siguro hindi na. Saka hindi ko naman talaga sila kilala in the first place.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Tamang yuko lang para maiwasan ang mga matang dadapo sakin. Nakakairitang makita ang mga paningin ng iba sakin. Baka makasapak ako.

"Hey! Alliyea right?" At kung minamalas ka nga naman. Sinabi ng ayokong makasama ang mga ito eh!

Pagkaangat ko ng aking ulo, napagtanto kong nasa tapat na pala nila ako. Ang ganda naman ng timing!

Ngumiti ako ng peke sakanya dahil naiirita talaga ako. "Yes? Bakit?" tanong ko.

Mas lumapad pa ang ngiti niya, nilingon ko si Lei na ngayon ay blangko at seryoso parin ang kanyang mukha.

"Let's have a quick snack, my treat." masayang offer nito. Kumunot ang noo ko hindi dahil sa sinabi niya kundi sa pinapakita niya ngayon sakin.

Ibang-ibang Ica ang nasa harap ko ngayon. Malayo sa Ica na nasa rooptop at sa corridor.

Nawala ang ngiti niya ng makita niya ang ekspresyon ng aking mukha.

"Ahm... promise sandali lang tayo. We'll drive you home after."

"Bakit?" tanong ko na ikinalingon ni Lei sakin.

"Huh?" nagtatakang tanong ni Ica.

"I mean, why are you asking me for a snack? Can't you eat without me?" tugon ko at hindi ko alam kung san nanggaling iyon . May magic ata bibig ko, kung ano-anong lumalabas baka mapahamak pa ako. Baka may tape kayo diyan. Baka lang naman! Kailangan yata 'yon ng bibig ko.

Lies in LoveWhere stories live. Discover now