"Thanks for accepting my invitation Alliyea." nakangiting tugon ni Ica sa'kin mula sa salamin sa harapan.
Nakasakay kami ngayon sa Ford Raptor ni Lei dahil ihahatid na nila ako pauwi. At nasa backseat ako.
"Ako dapat mag-thank you. Thank you sa libre." sagot ko at ngumiti ng pilit.
Pinigilan ko ang mga mata kong paikutin dahil hindi ko naman kasi tinanggap ng maluwag sa kalooban ko yung treat niya, napilitan lang ako kasi naipit. Mahal 'yong bag kaysa sa ilang minutong pag-upo sa cafe na iyon kasama silang dalawa.
"By the way, sino kasama mo sa bahay niyo?" bigla nitong tanong.
May painterview na ngayon? Ano next na trip nitong Ica na'to?
"Si Tamy." maikling sagot ko.
"Tamy? Your yaya?" nilingon niya ako nang nakakunot ang noo.
"No."
"Then who is Tamy?"
"My mom."
"Oh." Tumatango-tango siyang bumaling kay Lei saka muling lumingon sa'kin. "So why are you calling her Tamy then?"
"Well, noong bata ako, mommy ang tawag ko talaga but when I get to know her full name, I fell in love with it already in just a split of seconds."
Napangiti ako dahil naalala ko 'yong mga panahon na una kong narinig ang pangalan ni Tamy. Noong una ko kasing marinig 'yong pangalan niya hindi ako agad naniwala kaya sinabi ko na dapat may proof siya para masabing totoo talaga 'yong sinasabi niyang name niya.
So when she handed me her birth certificate, I was totally surprised because she was really telling me the truth that time.
"What is her name?"
"Talaceae. So T-A from her name then M-Y from mommy." may ngiting tugon ko sa kanya.
When it comes to my Tamy, ano mang usapan na tungkol sa kanya napapangiti ako, ganoon ang epekto niya sa'kin. And I really love her so much. Kay Tamy lang ako maiinlove ng paulit-ulit.
"Ah. Good for you." hindi ko alam kung mali ang pagkakadinig ko sa sinabi niya pero parang may pagkasarcastic 'yong boses niya.
"Mmm? Pardon?" kunot noo'ng tanong ko.
"I mean, Lei didn't have the chance to enjoy a life of having a mother. You know kasi, his mother left him just for some random people. Ironic isn't?"
Agad naman akong napatingin kay Lei na nakatutok sa pagmamaneho.
Wala siyang mama? Halos parehas lang pala kami kasi mula bata hindi ko na nakasama o nakita man lang kahit minsan 'yong papa ko. At nawalan na ako ng lakas na umasa na pupuntahan o hahanapin niya ako. Hindi rin kasi nasasagot ng maayos ni Tamy mga tanong ko about kay papa dahil sa bawat tanong ko, ang nagiging sagot niya lang ay 'hindi na importanteng malaman mo kung sino ang papa mo, as long as I'm here, I can be your mom and your dad too' with that thought, alam kong ayaw nang ipaalam ni Tamy sa'kin ang nakaraan, ang tungkol sa papa ko.
May mga ganoon na magulang talaga ano? Nakakayang iwan ang mga anak nila para magawa ang mga bagay na gusto nilang gawin without their child.
Kung hindi kayang alagaan bakit sila nagpapapasok sa kanilang lagusan? Bakit hinahayaan nila ang mga sarili nilang pumasok sa isang pinto patungo sa bagong mundo. Ang pagkakaroon ng anak, pagbuo ng pamilya.
Kung ayaw ng pagsubok, wag ipuputok!
"Parehas pala kami." Mahinang sambit ko saka tinanaw ang mga nadadaanan namin.

YOU ARE READING
Lies in Love
RomanceAlliyea Moratto is a girl who have a lot of dreams in life just like any other person. She dreamed to have a happy family, loyal friends, and a down to Earth lover. But it seems like the world is against with what she want to have. Then out of nowh...