Kabanata 2

697 22 12
                                    

Finding A Better Man by: myscarletletters

note: isipin nalang nating nagtatagalog ang mga tagaCamiguin para magkaintindihan tayo. Cebuano kasi ang language ng mga tagaCamiguin at dadagdagan natin ang mga tourist destination. So the places are purely product of the author's imagination.

**********************************

Kabanata  2 

"Ate bilisan mo!! Malelate na tayo sa ating flight!" Sigaw ni Lance.


Mamimiss ko ang Maynila. At sa pag-alis ko maiiwan ko ang puso ko dito. Kahit naiinis at naiiyak ako sa ginawa ni Dale mamimiss ko pa rin sya. Mamimiss ko lahat ng kasweetang pinaranas nya sa akin. Yung pagiging mabait at understanding nya.


Hindi ko alam bakit kinuha ko sa walk-in closet ko ang dalawang T-shirt ni Dale at nilagay ko ito sa maleta ko. Kinuha ko rin yung picture naming dalawa na nakaframe na nakalagay sa night table.


Lumabas na ako sa kwarto ko at hilahila ang trolley ko. At nakahang sa katawan ko ang sling ng guitar ko.I looked at my room at tumulo ang mga luha ko. Ang bigat ng pakiramdam ko. Sumakay na kami sa taxi at nagtungo sa airport. Habang tulala ako at minimemorize ang lahat ng view sa Maynila nagulat ako nung tumunog ang phone ko. Nakita ko ang caller id. Si dad.


 "Hello dad." My voice broke at tumulo na ang mga luha kong pinipigilan. Nakatingin lang sa akin si Lance at hindi naman sya nangulet. 


"Baby? Why Are you crying?" Tanong ni dad.


"Dad. I don't want to be enroll in that shitty island. Dad I cant live and survive in that remote island." Naiiyak kong sumbong.


"Anak I'll talk to your mom about this but for the mean time please follow her. This is for your own good." aniya.


"Ok but dad kinat off ni mommy ang allowance namin." Half hearted kong sabi.


" don't worry about the money baby."

 ...


"Ate sa tingin mo mabubuhay ako sa islang yun?" Walang ganang tanong ni Lance habang nakatingin sa mga ulap.


"Ewan. Dahil ako for sure hindi. Hindi ko lubos maisip na isla ang bagsak ko." Utas ko.


"Kasalanan mo kasi to. Matalino ka naman pero hindi mo ginagamit ang utak mo." Aniya.

"boring naman kasi ang eskwela e. Mabuti nga at wala akong failing grades at line of seven even though I'm etching to ditch school."

 Iba na kasi kapag nakahawak ka na ng pera. Yung feeling na parang ayaw mo ng magpatuloy sa pag-aaral dahil may pera ka na. Hindi ko na pansin na nakatulog ako kaya napikit ako. Naramdam kong may umaalog sa akin. Kaya dahan dahan kong binuksan ang mata ko.


"Ate nasa Cebu na tayo!"


Tumayo na ako at agad kong kinuha ang guitar ko. Pinahila ko nalang kay Lance ang trolley ko. Kawawang Lance madaming bagahe ang daladala. Hindi kasi isang flight ang way tungo sa Camiguin. Una kaelangan mong sumakay by airplane from Manila to Cebu. Then sasakay ka ulit ng airplane from Cebu to Camiguin. Kitang kita ko na ang isla! Ang layo na talaga namin sa Maynila at puro gubat, dagat, ilog at farms ang aking nakikita.

Finding A Better ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon