Kabanata 4

603 19 14
                                    

Finding A Better Man by: myscarletletters

Pahingi ng vote at comment kung ok lang. hope you'll enjoy this.

***********************************************

Kabanata 4

Pagpasok ko sa kotse ni Raven agad kong naamoy ang citrus scent ng car freshener nya. kita ko ang magandang interior design nito. Hindi ko ma gets bakit ang bait nya sa akin. I mean kakakilala nya lang sa akin at heto hatid sundo na ang drama. Kaloka lang. ano bang klaseng lifestyle to.

Nung makapasok na sya at nagsimulang magmaneho tahimik lang ako sa sasakyan nya. hindi ako mkaopen ng topic dahil first kakakilala lang namin. Second, nakakahiya. Baka masabihan pa akong FC. Jusko! Ayokong masabihan ng ganon ng isang probinsyano. And lastly, siya ang nagyayang maghatid so dapat sya ang unang magsalita.

"Taga Maynila ka talaga?" tanong nya.

Oh god! Pati sya ayaw ata maniwala? Anong gusto nya ipakita ko sa kanya ang magazine na kung saan ako ang cover na nandun sa bahay ni tiya na sa Manila iyon pinublish. At baka sabihin din nyang taga kabilang baryo ako. Oh noes.

"oo." Tipid kong sagot.

"balita ko maganda daw ang Maynila." Ani Raven.

Nakatingin lang ako sa daan at binibilang ang mga stores na nasa kalye. As for now mga four lang.

"oo naman. Tinawag pa ngayong gate of way of hell ng isang bastos na writer. Pero maganda naman talaga ang Manila. Kaso nga lang polluted." Paliwanag ko.

"Ano bang buhay meron ka sa Maynila?" tanong nya ulit.

Ang kulet ng isang to. Para namang question and answer ang sinalihan ko. " Normal lang. nakakakain three times a day. hehehe"

Tinignan nya ako tapos agad rin naman binalik ang tingin sa kalye. Actually ang bait nya sadyang may pagkaasshole lang talaga ang ugali ko. hindi naman ako maldita, antipatika, spoiled at masunget. Hindi naman ako kagaya ni Unice na co-model ko (bida siya sa story kong "Inlab Si Maldita" pakibasa nalang or click the external link if interested kayo.)

Tapos nun hindi na sya nangulit. Nakakainis sila Brent at Lance tinext ko na silang magpapasundo ako kaso ang mga kutong lupa hindi man lang nagreply. Kahit isang "No Hindi ka namin masusundo." Hindi man lang nagtext.

Kahit hindi ko sinasabi kay Raven ang address ko ay parang alam na alam nya ang way sa bahay. Ganun ba kasikat ang apelyido kong BUENAVISTA kasi alam nitong si Raven ang daan sa amin and based sa reactions nung mga nakaingkwentro kong mga lalaki kahapon naculture shock sila nung Makita sila Tiyo at Brent.

Kahit malayo pa ang sasakyan tanaw ko na dito sa kotse ang malaking gate ng Buenavista. May metal writing sa taas ng gate na nakasulat ay "BUENAVISTA ESTATE" alam nyo bang malaki ang lupa na tinitirikan ng ancestral house nato? May plantation sa backyard ng carrots, kamatis at pinya. At sa harap naman ay may garden. Ang ganda nga, old English style ang pagkakagawa ng mga fence ng garden. Klase klaseng namumukadkad na bulaklak ang makikita dun. May fountain rin na weneweeds na dahil sa kalumaan.  

Nung nakapasok na kami sa estate agad kong nakita sila Lance at Brent na nasa may veranda at nagkikipagchikahan. Nasaa second floor ang veranda at porch ang nasa first floor. Mga lalaking toh! Kaya ba hindi nila ako nasundo dahil busy sila sa pagdadaldalan. Tatawa tawa pa ang Lance nato!

Napansin ni Brent ang kotse ni Raven at syempe ever curious ang baby brother ko kaya napalingon din sa kotse ni Raven na nagstop two meters away from the stairs of the porch.

"salamat Raven." Taos puso kong pagpapasalamat. Nakatipid ako ng pamasahe in case hindi ako sunduin ng mga baliw na sina Lance at Brent.

Nginitian nya ako. Kung nasa Maynila din tong si Raven for sure madaming panty ang malalaglag. Ngiti nyang ito parang pang one million dollar smile. "welcome."

Finding A Better ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon