Kabanata 8

388 16 7
                                    

Pahingi ng votes and comments. Follow me too.

Finding A Better Man by: myscarletletters

**************************************************

Kabanata 8

Maaga akong nagising kasi pasukan na. tutulong daw kasi ako sa pagluluto ng breakfast. Si Tiya Margie at Tiyo ay nandun sa resort may problema raw kasi kaya dun muna sila para maasikaso ang problema kaya kami nalang nila Brent, Lance, King at Ako dito sa bahay. Halos di ako makatulog kagabi kakaisip kina Daryll at Rogue. Mga walangya ininvade ang inner peace ko dahil gusto nila akong ihatid. I'm not expecting na ihatid nila ako dahil baka trip lang nilang mambwesit.

Matapos ang breakfast at paghahanda para sa first day of school ay bumyahe na kami patungo sa school. Hindi nagpakita si Rogue. Sabi ko nga diba, I'm not expecting them na ihahatid nila ako dahil boys will always be boys. Magaling lang sa mga pangako pero always rin lang naman nilang ipapako. Dale told me noon na ako lang. ako lang mahal niya at hindi nya ako pagtataksilan pero look now, nakita ko siyang may ka makeout session sa condo niya siguro kong hindi ako dumating may pagtatalik na silang ginawa. Naramdaman ko agad ang pagtindigan ng balahibo ko at nandiri kay Dale.

"ate, Diba kuya Rogue told you na ihahatid ka raw niya po?" tanong ni King saakin nung inihatid ko siya sa classroom niya. 6:30 am pa kaya inihatid ko nalang muna ang kapatid ko. 8:30 pa kasi ang first subject ko.

Nagkibit balikat nalang ako sa tanong nya kasi kahit ako hindi ko alam. Not that I'm expecting him or anything. Natanaw ko na ang kindergarten room ng kapatid ko pagpasok namin ni King sa room ay nakita ko kaagad ang makulay na kwarto na punong puno ng mga cartoon characters and animals. Sa isang bulletin board may nakapost na pictures ng hayop with their names. May Alphabets rin na nakadikit sa wall sa ibabaw ng white board. May mga batang kaedad ng kapatid ko ang napatingin sa amin ni King at nagbubulungan.

"ate they're staring at me. Are they inlove with me?" inosenteng tanong ni King.

Seriously, he's too young for that thing. Kaya ginulo ko nalang ang buhok niya at hindi sinagot.

Nilapitan ako ng isang babaeng tanto ko nasa 24 above ang age. Katamtaman lang ang height niya at petite ang kanyang pangangatawan. Maganda naman siya at maputi.

"hello, ako nga pala si Teacher Judeth I'm the kindergarten teacher." Nakangiting sabi nung guro.

Nilahad niya ang kamay niya kaya kinuha ko naman ito at nakipagkamayan.

"ako nga pala si Miata Lyvia Buenavista at ito naman si King Lester Buenavista." Pagpapakilala ko.

"ang gwapo ng anak mo Misis." Aniya.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at kulang nalang malaglag ang panga ko. anong tingin niya sa akin nagkaroon ng early pregnancy? Single mom? No no missy, I'm still a wholesome virgin for pete's sake.

"I'm not her mom miss. Ako ang ate niya." Sabi ko.

Napa-O ang bibig niya at napansin ko naman ang pagkahiya niya sa sinabi kanina.

"I'm sorry Ms. Miata."

Matagal tagal ko na rin hindi naririnig na may tumatawag sa aking Miata and she's the first person here in Camiguin na tumawag sa akin noon.

Matapos ang paghatid ko ay umalis na kami. Ako nalang ang hinahatid ni Brent after all same school ang papasukan namin. Si Lance sa Catarman National Highschool mag-aaral.

Nakita agad namin ni Brent ang malaking gate ng Camiguin Community College at kitang kita ko ang mga nagkakatuwaan na mga estudyante. Yung mga lalaki ay naghahigh five sabay batukan at ang mga girls naman ay finafashion show ang magaganda nilang damit. Napahalukipkip nalang ako habang pinapanood ang mga estudyante sa loob ng kotse nila Brent.

Finding A Better ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon