Kabanata 5

578 17 17
                                    

Finding A Better Man by: myscarletletters

Pahingi ng votes at comments. Salamat sa pagbabasa.

*****************************************

Kabanata 5

“Lets go ate.” Hinihila hila ako ni King papunta sa beach. Bwesit na Lance na yun pinagtritripan ako.

“ I want to see the fishes.” Aniya.

Instead na dalhin ko sya sa dagat pumunta muna kami sa isang cottage. Dun ako umupo at ang brat na to nagtatantrums na. Excited kasi sya. 

“King magpapalit ka pa ng damit. Hindi yan ang susuotin mo pag maliligo ka.” Sabi ko.

Nakapanda costume pa kasi ang cute kong kapatid. And umiiyak pa talaga ng bonggang bongga ah.

Marami tuloy ang napapatingin sa kanya.

“hi miss.” Sabi nung lalaking lumapit sa akin.

“hello.” Sabi ko na hindi ko sya tinitignan. Busy kasi ako kay King. Pinalitan ko ang suot nyang panda costume ng isang sando na spiderman. Favorite nya daw yan at isang Hawaiian shorts. Ang hot nitong si King paglaki. Si Lance nga hot na hot na papano nalang kayo ang tyanak nato.

“yes!! I’m going swimming!!” Masaya nyang sabi.

“anak mo?!” gulat na gulat na tanong ng lalaking lumapit sa akin.

“sa tingin mo ba anak ko sya? I’m a decent lady dude so back off nakakaturn off ka.” At ayun inirapan ko sya na naging rason para umalis sya sa kinatatayuan nya kanina.

“hahaha!! you’re mean!” panunuya ni Brent.

“oo nga ate. Astig ng ginawa mo ah. Mana ka sa akin. Girls and boys are just simple toys.” Ani Lance.

“Lance maling mali ang pananaw mong yan! Bagohin mo yang prisipyong yan kundi hahampasin kita ng gitara.” Utas ko.

Sino  ba ang masisiyahan pag na rinig ang sinabi nya. kita kong pinagtitinginan kami dito. Sino ba ang hindi maaakit if makikita mong si Brent at Lance na nakatopless. Binabalandra pa talaga nila ang abs nila ah.

“kuya I want to have that.” Ani King habang tinuturo ang abs ni Lance. 6 packs pa ang mokong.

“magkakaabs ka rin King kung malaki ka na.” sabi ni Lance.

“Bantayan mo yang si King, Lance ah. Gusto na raw nyang makakita ng isda. Ikaw din Brent bantayan mo yang si Lance baka hindi nya na mabantayan tong si baby King dahil inuuna na nya ang kalandian nya.” Utos ko.

Sumama ang tingin ni Lance at kung sa tingin nya natatakot ako well sad to say hindi.

“ate..i’ll catch some starfish and give it to you.” Sabi ni King nung papaalis na sila. Ang gandang pagmasdan ng tatlong yun. Sabagay wala sa lahi naming mga Buenavista ang panget.

Narinig ko ngang may tumitiling mga babae habang nilalagpasan sila nila Brent, Lance at King.

kinuha ko sa bag ko ang isang sun screen at nilotion ko ito sa legs at kamay ko. pati sa mukha, sa likod at sa harap ko.

Naalala ko bigla ang pangalan ng resort nato Montefalco beach escapede for sure kina Hans to. (bida sa story kong “Your Body Against Mine” pakibasa nalang if like nyo.) ang ganda ng beach nato. Kasing pino ng boracay ang white sand dito at makikita mo talagang kulay blue ang dagat. May mga kubo rin dito na napaka well arrange. Halatang nag hire pa ng landscape artist para makuha ang ganitong klaseng desenyo. May malaki ring five star hotel at restaurant dito. Halatang mabenta ang resort dahil samu’t sari ang taong nakikita ko.

Finding A Better ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon