©Ken
Fifteen minutes ago.
Nakita kong linagyan nila ng bubong ang rooftop. Bakit?
"Raven?! Bakit mo ginagawa ito?!" sigaw ko.
"Bakit? Hahaha! Hindi mo ba alam?! Hindi ba sinabi ng mga magulang mo?! Sige sasabihin ko sayo. Kayong mga Colicial ang pumatay sa halos kalahati ng angkan namin!! Walang pamilya ng vampire ang gustong kumalaban sa inyo. Dahil takot sila!!! Pero, kami lang ang naglakas ng loob na harapin kayo. Pero may isang pamilyang trumaydor saamin. At tuloyan na kaming natalo!! Gagawin ko lahat para pahirapin ang mga Colocial!" sigaw niya. "Gusto kitang lumaban ng patas. Para makita natin kung sino talaga ang masmalakas. Alisin niyo ang pendant niya!" utos niya sa mga lalake.Hindi ako makawala. Mahigpit ang hawak nila saakin. Nakita kong inalis ni Raven ang bracelet niya. Lumabas ang pakpak niya. Biglang lumabo ang aking mga mata. Buti nalang isa lang ang tinanggal. Napasigaw ako sa galit!! Naramdaman ko ang mga pangil kong tumutulis, nakita ko sa bintana ang itsura ko.. Nakita kong nakadapa silang lahat.. Nagsimula nang nagdatingan ang mga tao.. Narinig yata nila ang sigaw ko. Tumayo si Raven. Sinakal ako. Pero wala akong maramdaman.
"Hahaha! Yan ba ang tinatawag mong lakas?!" sabi ko. Hindi ko alam kung bakit, pero galit na galit ako. Nagulat siya. Sinakal ko siya at inangat pataas, nakikita kong nawawalan na siya ng hininga. Nawalan na siya ng malay.
"Tama na Ken!" sigaw ng isang babae. Boses ni Mia. Napatingin ako sa mga tao. Nakita ko si Mia pasugod saakin. Sumugod din ang mga lalakeng nakadapa kanina.. Binitawan ko ang leeg ni Raven. Sh*t hindi ko na makontrol ang sarili kong katawan! Tumalikod ako at tinulak sila. Kumuha ako ng isa sakanila at hinagis kay Mia. Bakit ko ginagawa to??!! Tama na! Natamaan naman si Mia. Bumalik ako kay Raven. Lahat ng tao nagpapanik. Pero wala silang magawa natatakot sila. Nakita ko ang leeg ni Raven. Para bang naakit ako. Gusto kong tikman.. Gusto ko ng dugo! Kakagatin ko na.___________________________________________
©Mia.
Malakas nga talaga ang mga Colocial. Buti nalang merong bubong sa rooftop. Set-up to talagang merong may balak kay Ken. Kinuha ko sa bulsa ng isa sa mga lalake ang pendant ni Ken. Nakita kong kakagatin na ni Ken ang leeg ni Raven..
Agad naman akong sumugod at tinulak si Ken, at agad kong pinasuot ang pendant niya.
..
...
....
Bumabalik na si Ken sa dati niyang anyo.
Buti nalang dumating ako. Nawalan ng malay si Ken at dinala sa infirmary. Walang teacher na sumipot sa pangyayari. Plinano ang lahat ng to.
Bumalik na lahat ng mga studyante sa mga classroom. Binalik ko na ang pendant ko. Pagdating ko sa classroom. Sumalubong si Veronica saakin.
"Anong nagyari kay Ken ko?!" sigaw niya saakin.
"Bakit kasi wala ka doon?" sagot ko sakanya. Napatahimik siya at demretso sa ako sa upuan ko.
Bakit si Raven? Ano naman ang atraso niya kay Ken?Biglang dumating ang teacher. Nagdiscuss. Hindi na akonnakinig sa lahat ng subjects dahil sa pagtataka ko. Pagkatapos ng klase, agad akong pumunta ng infirmary, sinundan ako ni Veronica, April at Benji.
___________________________________________
©Veronica.
Ano kaya ang nagyari kay Ken? Bakit ba kasi wala ako doon kanina!! Bakit kasi hindi ko siya sinamahan kanina!! Teka. Bakit ba ganito ako magworry kay Ken?
Is he someone special in my life? Wala pang lalake ang trinato ko ng ganito.Nakita ko siyang nakahiga sa kama ng infirmary wala paring malay. Nakita ko si Benji tulala kay Ken. Ano naman ang ginagawa ng lalakeng to?
BINABASA MO ANG
The Phenomenal
General FictionA boy thought he was a normal simple guy until... He transfers to an Extraodinary school. Everything will change. Secrets will be revealed.