©Mia
Nagbalik na sa dati niyang itsura si Ken.
Hindi ako makapaniwalang Colocial siya pero hindi niya alam na vampire siya.
"Naniniwala ka na?" sabi ko kay Ken.
"Oo." mabilis niyang sagot. "Hindi lang ako makapaniwala na hindi ito sinabi nila mama." dugtong niya.
"Tara na sa classroom. Malalate na tayo." sabi ko.Pumayag naman siya at pumunta na kami sa classroom.
Pero bakit dalawa ang form pendant niya?Pagdating namin sa classroom tahimik na dumeretso si Ken sa upuan niya, sumalubong naman saakin sina Clarisse at Karlene.
"Bakit kasama mo yung new student?!" tanong ni Karlene.
"May past ba kayong dalawa?" tanong naman ni Clarisse.
"Boyfriend mo ba siya sa labas?!" sabay nilang tinanong.
"Wala, wala, at hindi!" sigaw ko sa kanilang dalawa.___________________________________________
©Ken
Hindi ako makapaniwala sa nakita ko.
Nanaginip ba ako? Kung nanaginip ako, gusto ko ng magising , hindi maganda to!
Kung vampire ako, adi pati kaklase ko vampre din, baka hindi lng vampire baka kung mga anu-ano pa. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan ko. Nakatitig lng ako sa floor, nang may dumating na lalake sa harap ko."Kenny ang pangalan mo diba? Ako nga pala si Benji." sabi niya bigla.
"Ken nalang itawag mo saakin." sabi ko.
"Sabi na nga ba eh. Yan ang sasabihin mo. Ken isa akong mindreader. At yung iniisip mong pati kami may lahong kung anu-ano. Totoo yon." sabi niya habang nakangiti.
"Ha?! Pano mo nalaman ang nasa isip ko?!" tanong ko sakanya.
"Mindreader nga ako. Kaya kong basahin kung ano ang mga nasa isip ng mga tao." sagot niya. "Eh ikaw ano ka? Alam kong sikat ang apelyedo mo dito pero hindi ko pa alam kung ano ang lahi mo." dugtong nito.
"Ewan." mabilis kong sabi.
"Vampire, pero di ka makapaniwala." sabi niya bigla. "Bakit naman di ka makapaniwala?" tanong niya ulit.
"Tama na! Tumahimik ka na nga!" galit kong sabi.
"Okay, sorry" sabi niya. Ilang segundo siyang nakatingin sakin na parang nagtataka. Baka naman binabasa niya nanaman ang isip ko. Tumingin ako sa kanya, umalis naman siya.*bell!*
Time na.. First day of school. Siguradong introduce yourself nanaman ang gagawin sa lahat ng subject.
...
...
...
Mabilis na umusad ang oras. At tama ako puro introduce..
"Class dismissed" sabi ng teacher.
Pagkalabas na pagkalabas ni maam
si Mia agad ang lumapit saakin.
"Saan ka pala umuuwi?" tanong niya.
"Doon." suplado kong sabi.
"Saan nga?" tanong nya ulit.
"Basta. Bakit ba?" sinabi ko ng mabilis.
"Sabay sana tayo, total kilala naman ng nanay ko ang mga magulang mo." sabi niya.
"May sundo ako." sabi ko habang naglalakad. At iniwan siya paglabas ko sa gate meron na si tito. Sumakay agad ako sa kotse niya."Oh, kumusta naman ang first day mo Ken?" sabi ni tito.
"Ayos lang. Alam ko na yung sinasabi mong lihim ng Colocial family." nakasimangot kong sabi.
"Eh bakit malungkot ka? Ngayong alam mo na ang sagot sa tanong mo mula nung bata ka pa?" tanong niya.
"Wala kasing nagsabi saakin.. Kahit isa. Hindi sinabi ni mama, papa, mga lolo at mga lola ko." matamlay kong sagot. Hindi na siya nagsalita, nabalot ng katahimikan ang kotse hanggang makaabot kami sa Baguio, doon kami nakatira. Ngayon alam ko na kung bakit ang layo ng paaralan na iyon at kung bakit sa gitna ng gubat ito itinayo.Mahigit isang oras ang byahe namin..
Pagpasok ko sa bahay, meron si mama sa sala at linalatag naman ni manang Celia ang merienda sa maliit na mesa.
Nakita ako ni mama.
"Oh , Ken anak ko, nakauwi ka na pala." sabi niyang nakangiti.
"Opo ma." sabi ko.
"Oh bakit ka nakasimangot.. " sabi ni mama na nagaalala.
"Nalaman ko na ang totoo kung bakit naiiba tayo." sabi ko.
"Ano ba ang nalaman mo?" tanong ni mama
"Ma, bampira daw ang lahi natin. Ma sabihin mong hindi yon totoo!" sagot ko.
"Anak, totoo yon. At marami ka pang malalaman. Pero ganyan talaga ang buhay. Inilhim namin sayo ng tatay mo na may lahi kang vampire dahil gusto naming lumaki ka ng normal. Pero hindi talaga pwede. Ayaw ka naming kamuhian ng mga tao dahil sa itsura ng iyong mga mata. Kaya ka namin trinansfer sa Kyoutou Academy. Patawad anak ko." sabi niya habang naluluha.
"Ma, wag ka nang umiyak." sabi ko habang nakatitig sa kanyang mga mata at habang hawak ko ang kanyang mga kamay, at yinakap ko siya.Ilang minuto pa ay nakauwi na si papa.
Agad niyang inalis ang kanya javket ad dumeretso na sa lamesa sa dining room. Habang kami ay kumakain. Pinagmasdan ko ang mga necklace ni papa at ni mama.. Isang red na gem ang nasa necklace ni papa, habang yung kay mama naman ay kulay brown. Yung sakin dalawa. Dalawang gem, isang red at isang brown. Bakit kaya?
"Ken, kumusta ang 1st day of school mo sa Kyoutou Academy?" biglang tanong ni papa.
"Ayos lng, may mga nalaman ako. Alam ko na kung ano ang lahi natin, hindi tao. Alam ko narin kung bakit ayaw niyong alisin ang mga necklace ako. At nalaman kong ang pamilya natin ang pinakamalakas na grupo ng mga vampire." sagot ko.
"May kulang Ken." sabi ni pa.
"Ah?" gulat kong sabi.
"May kulang sa mga nalaman mo." sagot niya.___________________________________________
Hai!!!
Thanks for reading this chapter. Comment lang kayo kung maganda o hindi. Pls. I need to know.
Thank You!
.GiwalKun.
BINABASA MO ANG
The Phenomenal
Ficção GeralA boy thought he was a normal simple guy until... He transfers to an Extraodinary school. Everything will change. Secrets will be revealed.