Haihai!
So the update is here. Hope you like it.Hope you like this chapter.
.GiwalKun.
___________________________________________
©Raven.
*9 hours ago.*
Linabas ko ang cellphone ko at nag message kay William.Me: Will?
William: Bakit?
Me: Mamayang gabi ah.
William: Oo.Tatakutin ko muna si Ken. Konting takot lang naman.
Nagpunta ako sa mall, dahil alam kong dun pupunta si Ken kasama si Veronica.
Oh!! Kasama pala pati si Mia. Sabagal sa plano! Nagpapagandahan sila ng damit ah. Kung kasali ako dyan wala na silang kaya.
Sinundan ko sila.. Lahat ng pinuntahan nila pinuntahan ko ng patago.
Nakita kong nasa labas na sila ng mall.. Uuwi na sila?! Hindi pwede!
Nakita kong sumakay na si Veroniva ng taxi. Damn it!! 'Wag muna kayong umuwi!!
Nag-uusap lang si Mia at Ken doon. Hanggang sa may dumating na kotse. Akala ko uuwi na si Mia, hindi pa pala. Bumalik ulit sila sa loob ng mall. Sinundan ko. Ngayon si Ken naman ang
Pinipilian ni Mia ng damit. Hanggang sa binili lahat ni Ken ang mga pinili ni Mia na damit.
Sa wakas!! Gabi na!! Matutuloy ang plano!
Kakain pa ang mga to? Ano ba?!
Naghintay ako hanggang sa tapos na silang kumain. Nasa labas nanaman sila ng mall.. Uuwi na ang mga to!! Finally!!
Linabas ko ang phone ko at nagmessage kay william.Me: Punta ka na sa bahay ng mga Colocial.
William: Pauwi na ba siya?
Me: Oo.
William: Sige.Ang tagal naman sumakay ng mga to!.
Nagsimula nang maglakad si Mia habang hinihila si Ken. Sinundan ko ulit sila. Akala ko ba uuwi na ang mga to. Damn it!! Naglalakad sila papuntang bahay nila Mia.Me: Will. Change of plan tayo. Punta ka sa pinaka malaking bahay sa Eastwood Village.
William: Nandito na ako. Bakit pa ako pupunta doon.
Me: Doon mo gagawin ang kailangan mong gawin.
William: Sige papunta na ako.Ang tagal naman maglakad ng mga to!
___________________________________________
©Mia
Masarap talaga kasama si Ken. Ewan ko ba kung bakit.
After an hour of walking, nakarating na kami sa bahay.
"Ken. Dito na ako." sabi ko.
"Huh?! Dito na? Bitin naman kwentuhan natin." sabi niya. Napatawa naman ako.
"Haha. Ken magkikita pa naman tayo next time ah. Hindi pa naman ako mamamatay." sabi ko sakanya.
"Hehe. Sabagay. Sige Mia baka hinihintay ka na ng nanay mo. Bye" sabi niya saakin. Tumalikod siya at magsisimula nang maglakad.
"Ken. Teka." sabi ko. Habang hinila ko ang kamay niya at pinaharap saakin.
"Ganoon ka lang ba magpapaalam saakin?" sabi ko at yinakap siya bigla.
Naramdaman ko naman ang mga kamay niyang nakabalot saakin.
"Mia. Bye-bye. I had fun this day ypu know why? Cause you were with me the whole day. Sana maulit to." sabi niya in a soft way.
Napangiti naman ako sa mga sinabi niya, tinignan ko siya sa mata. Linalapit niya bigla ang mga labi niya. Is this for real?! Sana nga!!
"Mia?! Ikaw ba yan?!" biglang nagbukas ang front door namin narinig kong sumigaw si mommy. Nataranta naman ako at inalis ang mga kamay ni Ken nanakabalot saakin. Lumabas si mama sa gate.
"Oh Mia. Bakit di ka pa pumasok." sabi niya saakin, at biglang tumingin kay Ken.
"Mommy, si Ken pala. Ken Colocial."
sabi ko.
"Ahh. So ikaw pala ang Ken ang laging laman ng kwento ni Mia. Mia Boyfriend mo?" tanong niya.
"Hindi mommy. Kaibigan lang ho." sabi ko na nahihiya.
"Really?" sabi niya habang tumatawa. Yinaya ni mommy si Ken na pumasok sa loob pero nagpumilit si Ken na hindi na daw at baka hinahanap na siya ng mga magulang niya. Nagpaalam saamin si Ken at pumasok na kami.
BINABASA MO ANG
The Phenomenal
General FictionA boy thought he was a normal simple guy until... He transfers to an Extraodinary school. Everything will change. Secrets will be revealed.