TBH 45: AIRIZ

1.6K 107 11
                                    


"Ang anak ko. Si Throne. Gusto kong makita si Throne." Sigaw ni Avey at lalabas na sana ng kanyang kwarto ngunit hinarang siya ng mga bodyguards.

"Palabasin niyo ako, hahanapin ko si Throne." Sigaw niya at napahagulhol muli.

"Pasensya na po Madam. Hindi raw muna kayo maaaring lumabas. Ito ang utos ni Sir Arthron." Paliwanag ng isang bodyguard.

Bumalik na lamang siya sa silid niya at umiyak na lamang mag-isa.

Dinalaw naman siya ng kaibigan na si Janice para pagaanin ang kanyang loob.

"Ano bang pinag-aalala mo? Nandiyan pa naman si Ava a. Saka wala na ang Don kahit si Airah wala na. Wala na ring witness sa nangyari." Sabi ni Janice.

"Saka hindi pa natagpuan ang bangkay niya kaya posibleng buhay pa siya at valid parin ang testamento na iyon di ba?" Wala siyang alam na gumawa ng fake na testamento si Avey. At ang Will at testament ng Don ay hindi totoo.

Kumalma naman si Avey. Kailangan lang niyang linisin ang pangalan ng anak niya. Muling nagliwanag ang mga mata niya maisip na buhay pa si Throne at may paraan pa para malinis muli ang pangalan nito.

"Gusto ko sanang humarap sa media at baliktarin ang lahat. Wala naman silang mga ebidensya laban sa akin e. Kaya malilinis ko pa ang pangalan ng anak ko."

Kaya naman naghanap sila ng mapagkakatiwalaan nilang reporter upang kunan siya ng panayam.

Umiiyak ngayon sina Aina, Aikah, Ava at Alvira habang kaharap ang bangkay ng Don. Pinagmasdan na lamang nila itong dinala sa underground laboratory kung saan isasagawa ang autopsy sa katawan ng Don.

Habang inaasikaso ang bangkay ng Don, sunod-sunod naman ang nangyayaring pag-atake sa lahat ng mga negosyo na naiwan ng Don.

Nakahinga na sana ng maluwag si Nova nang tuluyan ng makalabas sa hospital. At wala namang gaanong pinsala ang natamo niya dahil sa nangyaring aksidente sa kanya. Kaya lang sunod-sunod na problema ang kinakaharap ng kompanya nila.

"Madam, wala ng bumibili sa Lionheart Clothing company at wala ng bumili sa mga stocks natin. Naipasara rin ang hotel na pinatayo niyo maging ang apat na hotel restaurant na nasa pamamahala ng pamilya mo dahil may nakitang dumi at mga insekto sa loob."

Malinis ang restaurant nila at siguradong may nanira lang talaga sa kanila. At kung sino man iyon, siguradong sinamantala nito ang pagkakataong marami ang problemang kinakaharap ng mga Lionheart.

Kay Arthur naman kausap niya ngayon ang kanyang assistant.

"Sir. May nagsampa po ng plagiarism case sa bagong labas nating mga design lalong-lalo na mga bagong design na inilabas ng jewelry shop at clothing company."

"Paano nangyari yon? Design iyon nina Aikah at Alvira." Di makapaniwalang sambit niya. Tiniyak muna nila na walang kapareho ang mga design na gawa ng dalawa kaya paanong may kapareho ito?

"Anong company ang nagsampa ng kaso?"

"Ang AIRIZ International."

"Nagsent sila ng video na nagpapatunay na sa kanila nanggaling ang mga disenyo at sa katunayan nga may iilan na sa mga kilalang mga tao ang binigyan nila nito bago pa man magkaroon ang ating kompanya."

Naalala ni Arthur sina Alvira at Aikah. Imposibleng nagagaya ng mga ito ang disenyo ng kalaban nilang kompanya maliban na lamang kung palihim nila itong ibinigay sa iba bago pa man ipasa sa kanya o baka naman ginaya lang nila ang anumang nakita nila sa internet?

"Kaso wala kang makikitang kapareho ng mga designs nila sa internet." Alam niyang hindi masasagot ang kanyang mga katanungan kundi niya itatanong sa dalawa.

The Bad Heiress (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon