Isang malutong na sampal ang muling dumapo sa pisngi ni Aikah malaman ng ina na hindi siya napili."Sinadya mo bang magpatalo dahil ayaw mong magiging lead star? Hinding-hindi ka na magpapiano kahit kailan." Sabi ni Nova.
Napayuko naman si Aikah habang butil-butil ng luha ang pumatak mula sa mga mata.
Magmula nang dumating si Airah palage na siyang pinipressure ng ganito ng kanyang ina. At dahil sa nawalang investment noon nang kunin ni Airah ang laptop kung saan nakalagay ang mga files ni Arthron lalo lamang nagiging busy sina Arthur at Arthron na naging dahilan kung bakit madalang na lamang silang umuuwi ng bahay.
Ngayong wala na sa mansion si Don Art nagiging mas malala na ang pananakit ni Nova kay Aikah.
"Bakit di mo gayahin ang kuya mo? Kabilang ang grupo niya sa play at isa din siya Basketball player ng school." Sabi pa ni Nova.
Matapos pagalitan ang anak, niyakap niya ito.
"Sorry. Nag-aalala lang talaga ako sayo. Gusto ko sana na may mararaging ka rin kaya naman pinipilit kita sa mga bagay na ayaw mo. Sorry kung nasaktan kita pero sana maintindihan mo ako Aikah." Lumambot na naman ang boses nito at pinahiran ang mga luha sa pisngi ng anak.
"Naiintindihan ko po mommy. Wag po kayong mag-aalala natanggap naman po akong maging second lead." Sagot ni Aikah na sumisinghot pa rin.
"Kung di lang inagaw ng babaeng iyon ang role na para sayo, hindi sana mangyayari to." Sambit ni Nova at buntong-hininga.
"Wala naman tayong ginagawang masama sa kanya pero bakit kailangan pa niyang pahirapan tayo ng ganito? Ayos lang kung ako lang ang pinapahirapan niya pero pati ba naman ikaw?" Sambit ni Nova at pinahiran ang luha sa mga mata.
"Tinanggap ko ang lahat ng ginawa ng kanyang ina sa akin. Kahit inagaw ng kanyang ina ang daddy mo sa akin tinanggap ko iyon pero bakit ba nila tayo ginaganito? Kasalanan ko ang lahat. Hindi ko kasi kayang pakawalan ang daddy mo kaya siguro pinadala dito ng kanyang ina si Airah para kunin ang pagmahahal ng daddy at lolo mo mula sa atin."
Muli na namang lumambot ang puso ni Aikah at naaawa siya sa ina. "Mommy, wag niyo pong sisihin ang sarili niyo. Wala po kayong kasalanan. Sila ang umagaw kay daddy bakit mo sinisisi ang iyong sarili?" Sagot ni Aikah ang muling niyakap ang ina.
Alam niya kung ano ang relasyon nina Arthur at Nova. Isa silang masayang mag-asawa sa mga mata ng mga tao pero ang totoo hindi natutulog sa iisang kwarto ang mag-asawa. Hindi lang sila naghihiwalay dahil palaging nagpaparaya si Nova kahit ilang babae pa ang gagawing kabit ni Arthur. Iiyak lamang si Nova sa isang sulok at saksi rito si Aikah. Kaya naman alam niya ang lungkot na pinapasan ng ina.
Naikuyom ni Aikah ang kamao. "Si Ate Airah at ang kanyang ina ang dahilan ng lahat. Ginaganito ako ni mommy nang dahil kay Airah. Kundi lang sana siya dumating hindi sana magiging ganito ang buhay ko ngayon. Ako din sana ang magiging lead star." Tiningnan niya ang ina. Awang-awa siya dito.
"Mom, magpahinga na muna kayo. Alam kong pagod na kayo." Inalalayan ang ina na humiga bago siya nagpaalam rito.
Si Airah naman nakasandal ngayon sa upuan niya habang pinagmamasdan ang ang palabas sa kanyang bagong biling laptop.
Makikita mula sa laptop ang ibat-ibang parte ng ng mansion. Kita niyang minumura siya ni Ava na nakahawak ngayon sa cellphone niya at nakaupo sa kanyang kama. Habang si Alvira naman naglalagay ng facemask sa mukha niya at nakahiga na ngayon sa kama nito.
Si Throne nasa kwarto nito na abala sa pagawa ng love letters niya at may mga nakakalat na mga papel sa mesa. Si Aikoh nagbabasa ng libro habang nakahiga. Sina Raven, Aiden at Aina nasa music room nagpapraktis sa mga dance steps na tinuro niya.
BINABASA MO ANG
The Bad Heiress (On Hiatus)
Roman pour AdolescentsAng tanging gusto lamang ni Airah ay ang maipagamot ang kanyang ama ngunit dahil nagkulang sa pera napilitan siyang magdonate ng dugo sa isang mayamang pasyenteng hindi niya kilala. Dahil sa pagkakamali ng isang doktor na kumukuha ng blood samples p...