Chapter 4

27 0 0
                                    

Chapter 4: His Sincere Side.

Kris POV

Umaga na pero tulala parin ako. Tangna! Hindi ako nakatulog. Nawala narin ang kalasingan ko sa katawan. Kanina ko pa iniisip 'yung nangyari. At kapag naiisip ko kung paano ko hinalikan si Alie? Fvck! Gusto kong bugbugin ang sarili ko dahil natutuwa pa ako. 'Yung tipong kinikilig ba?

Alam ko mali 'yung nagawa ko. Pero putek lang! Hindi ko naman sinasadya. Lasing ako at hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa akin. Hindi ko narin alam kung paano ako nakauwi dito sa bahay. Alam ko lang kagabi nag-away kami ni Jonas. Sinuntok niya ako at hindi na naman ako nakalaban. Ugok talaga 'yon! Ang sakit tuloy ng labi ko!

Kaya lang naman niya ako sinuntok ay dahil nakita niyang nakasakay si Alie sa kotse ko nung isang araw. Napaka-praning ng gago! Akala ata niya itatanan ko na ang kapatid niya! Tingin niya sa akin baliw? Ni hindi ko nga masabi sa kapatid niyang mahal na mahal ko siya e. Tapos itatanan ko pa? Baliw na Jonas! Ang sarap ipakain sa mga kauri niyang pating e. Tch.

Ang sabi niya sa akin 'wag daw akong gagawa ng karumal-dumal sa kapatid niya kundi makakalimutan niyang magkaibigan kami. Aminado akong takot ako sa kaniya. Eh halimaw kaya siya hindi ka matatakot? Tch! Hindi ko nga alam kung bakit naturingang mag-bestfriend kami nun e. Ang layo-layo ng itsura ko sa kaniya. Ako guwapong-guwapo ako. Siya guwapo lang. Pinagtiyatiyagaan lang ang kagwapuhan niya pero ako? Masilayan mo palang ako sa malayo kikiligin kana. *smirked*

Pero seryoso ako sa kapatid niya. Papatunayan ko kay Jonas na tunay ang pagmamahal ko sa kapatid niya. Hindi ako magpapadala sa takot sa kaniya. Dahil kahit anong unos man 'yan susunguin ko para lang kay Alie. Kahit kapalaran pa ang humadlang pipigilan ko. Kahit hindi tadhana ang magtakda para sa amin ako ang gagawa para lang maging kami. Kahit hindi ako noon naniniwala sa forever papatunayan kong nagkakamali ako. Dahil tinamaan talaga 'tong puso kong bato kay Alie.

Balang araw masasabi ko rin sa kaniyang mahal na mahal ko siya at sana kapag nasabi ko sa kaniya iyon ay masuklian niya ang pag-ibig ko sa kaniya. Potek! Ganito pala ang tunay na pag-ibig ano? Sobrang Kornik!

Sumagi na naman sa isip ko ang nangyari kagabi. Napakawahak ako sa labi ko saka ako napangiti. Hooo! Tangana! Ang lambot ng labi ni Alie. Sobrang bango pa niya kagabi. Sht! Ano ba 'tong pinagsasabi ko? Hindi ko dapat pinagpapantasyahan ng ganon ang taong mahal ko. Kailangan ko munang pigilan 'to. Akalain pa niyang nabastos ko siya kagabi.

Tangna! Napatayo ako! Oo nga pala. Baka iniisip na ngayon ni Alie na nabastos ko siya sa ginawa ko! Geeez! Bigla ay nakaramdam ako hiya sa aking katawan. Wala ata akong mukhang maihaharap sa kaniya. Putek! Hindi ko tuloy alam kung lalabas ako dito sa kuwarto ko o hindi. Parang ngayon ay hindi ko siya kayang makita dahil sa nangyari kagabi. Baka galit na galit 'yon sa akin dahil nahalikan ko siya kagabi.

Sht! Sa tuwing maalala ko kung ano ang nangyari kagabi ay napapangiti pa ako na para bang baliw. Bakit ganito nalang ang dulot mo sa aking pagkatao, Alie? Bakit mo'ko pinababaliw ng gan'to?

*tok tok*

Napapitlag ako sa biglaang pagkatok sa pinto ng kuwarto ko. Damn! Ang lakas ng tibok ng puso ko!

"S-sino 'y-yan?" Nauutal ko pang sabi. Tch.

Hindi ako nakarinig ng sagot dun sa kumatok. Sino ba 'yon at bakit hindi siya nagsasalita?

Pinaklma ko muna ang sarili ko at lakas loob akong lumapit sa pinto upang buksan iyon. "Ano ba at bakit---" natigilan ako nung makita ko siya. Tangna! Pweding i-back forward nalang 'yung nangyari kanina at hindi nalang ako lumabas para hindi ko siya nakita?

Nakatingin siya sa akin ngayon. Mata sa mata! Napalunok ako. Tangna, Alie! Alam mo bang nilulusaw mo 'ko sa tingin mo na ganyan? Damn.

"Naistorbo ba kita? May gusto sana akong sabihin sayo." Tanong niya na tila napaka-amo niya ngayon. 'Yung tipong hindi siya galit pagkakita niya sa akin? Aaaah,shit! Lalo akong nai-inlove sa babaeng 'to!

Indenial HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon