Chapter 6

19 0 0
                                    

Chapter 6: Friendzone.

Kris Chavez POV

"Ngayon, sabihin mo na sa akin kung ano ang pangalan nung babaeng mahal mo. Malay mo kilala ko pa, diba?" Sabi ni Alie habang sakay ko siya sa kotse ko papuntang school.

Ugh! Gusto kong magmura pero dahil kasama ko siya pipigilan ko ang sarili ko. Ayaw kong marinig niya na nagmumura ako baka kase hindi niya gusto 'yon. Mabait pa naman 'tong babaeng mahal ko. At hindi ako sanay na ganito siya makipag-usap sa akin ngayon. 'Yung para bang magaan lang sa loob. 'Yung hindi kami nagaaway. At talaga namang napakagaan sa loob ko. Sobra.

Pero ano ba 'tong pinagsasabi niya? Hindi ba niya alam na siya 'yon? Tch. Akala ko pa naman kanina alam na niyang mahal ko siya kase narinig niya 'yung usapan namin ni Jonas. Langya talaga! Umiyak pa ako sa harapan niya. Nakakahiya ako! Feeling ko nagmukha akong bakla kanina.

Hindi ako nagsalita sa sinabi niya. Naiinis ako dahil sa mga sinasabi niya ngayon. Naiinis din ako sa sarili ko dahil hindi ko magawang sabihin sa kaniya na siya iyong babaeng tinutukoy ko na mahal na mahal ko. Lecheng katorpehan 'to! Nakaka-bawas ng pogi points e. Tch!

I glanced at her pero sandali lang 'yon. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na nakatingin siya sa akin habang naghihintay na sagutin ko ang tanong niya. Potek! Bumilis agad ang tibok ng puso ko. At ngayon pa na kasama ko siya dito sa loob ng kotse ko ng hindi kami nagaaway? Damn! Nagdidiwang na ang puso ko sa saya. Kahit sa simpleng ganito lang sumasaya na ako.

At parang pakiramdam ko rin mabait na siya sa akin ngayon. Matatawag ko bang isang malaking himala ang hindi namin pagbabangayan ngayon? At ang hindi niya ako kinamumuhian ngayon? Pakiramdam ko kase parang gumaan ang loob niya sa akin. At talaga namang natutuwa ako sa nangyayari sa akin ngayon. Pero bakit kaya biglang nagbago ang ihip ng hangin at nagiba ang pakikitungo sa akin ni Alie ngayon? May nangyari bang maganda?

"Kris, Huy!"

Napapitlag ako ng pinag-apir niya ang dalawa niyang kamay sa harap ko. Tch. Minsan hindi rin nag-iisip 'tong si Alie e. Nagddrive kaya ako? Pambihira! Mabuti nalang talaga at mahal ko siya kundi mahahalikan ko talaga 'to ng wala sa oras. At kung si Jonas lang ang kasama ko ngayon ay baka naibalibag ko na siya sa kalsada.

Nilakasan ko ang loob ko na tingnan siya ng masama. Heto na naman ako sa pag-aacting ko kunwari. "Ano ba? Pangalawang beses mo ng ginawa ang panggugulat sa akin habang nagddrive ako. Hindi kaba talaga nagiisip na baka masagasaan tayo, ha? Tch." Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at napapikit ako habang mahigpit ang hawal ko sa manibela ng kotse ko.

Alam ng Diyos na hindi ko gustong gawin ang sungitan ka at pagsalitaan ng masasakit na salita. Pero tangna lang kase. Kailangan ko munang gawin ito. Pansamantalang lang naman ito at kapag nagawa ko na ang pinaplano ko. Sasabihin ko na talaga ang nararamdaman ko para sayo. Kung gaano kita kamahal, Roanne Alie.

"P-pasensya na kung hindi na naman ako nagiisip. Pasensya na kase palagi kang napapahamak dahil sa akin. Pasensya kana sa lahat ng ipinakita at ginawa kong mali sayo. Pasensya na dahil agad kitang hinusgahan. I'm sorry, Kris." Sabi niya sa garalgal na boses.

Napatingin ako sa kaniya. Nakayuko siya sa akin pero nakaharap ang katawan niya sa akin. Damn! Umiiyak ba siya? Bakit siya humihingi ng tawad sa akin?

Bigla siyang humarap sa akin at nakita ko ang mga mata niya na nababasa na ng luha niya. At para akong nanghihina dahil umiiyak sa harapan ko ang babaeng mahal ko.

Itinigil ko sa gilid ng kalsada ang kotse ko. Hindi ko kase kayang mag-drive ngayong nanghihina akong makita si Alie na umiiyak. "Hey. Bakit kaba umiiyak? Shhh. Stop crying, Alie." Mahinang sabi ko at pinunasan ko ng kamay ko ang luha niya sa pisngi.

Indenial HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon