Chapter 7

11 0 0
                                    

Chapter 7: Decision to make.

Roanne Alie POV

"Anong kailangan mo?" Masungit na tanong agad sa akin ng kuya kong abnormal. Tss.

Napasimangot ako. "Kailan kitang kausapin. Whether you like it or not." Saka ako pumasok ng walang paalam sa kuwarto niyang...weird kamukha niya.

Bumaling ulit ako sa kaniya at sobrang sama ng tingin niya sa akin. Tss. Wala akong pakialam kahit sunugin pa niya ako sa mga tingin niya. Alam ko namang hindi niya ako kakalabanin. Takot lang niyang isumbong ko siya kay Mommy. Hehe.

"Get out." Matipid niyang sabi.

Hindi ako nagpadala sa kaniya. Tapos umupo pa ako sa kama niya. "May sasabihin nga ako diba? Bakit mo ako paalisin? Tss. Wala ka talagang kabaitan sa katawan kahit kailan." Gusto ko tuloy siyang asarin ngayon. Natutuwa ako kapag naiinis ang mukha niya. Haha.

Lumapit siya papunta sa akin at hinawakan ang braso ko. "Pag sinabi kong alis. Alis!" Tapos tinayo niya ako at kinaladkad papunta sa pinto.

Nang nasa pinto na ako ay humawak ako sa laylayan ng t-shirt niya. Mahigpit ko 'yong hinawakan at alam kong maiinis na naman siya. Haha! "Please kuya? We need to talk." Sabay pout ko pa.

Napapikit siya at...Bumuntong hininga sa...inis. Hahaha! "Sht. Ano bang pag-uusapan natin ha?" Parang uusok na ang ilong niya sa inis dahil sa akin.

Yes! Hindi niya ako natiis. At gustong matawa sa itsura niya pero pipigilan ko muna. Baka kase hindi na niya ako matantiya e. Hahaha!

Tinaggal ko na ang pagkakahawak ko sa laylayan ng t-shirt niya atsaka ko 'yun inayos ng mabuti. Ayan! Guwapo naman pala siya.

Tumingin ako sa kanya at masamang tingin agad ang sumalubong saakin. Tss. Kiber nalang! "Gusto kitang kausapin tungkol kay tukmol." Sabi ko.

Napangiwi siya. "Tukmol? What are you talking about?!" Kaharap niya lang ako pero kung makasigaw akala ko naman walang nabibingi. Aish.

"Hindi mo kilala si tukmol? Bestfriend mo kaya 'yon. Tss." Sabi ko.

Napailing siya pagkatapos niyang ma-gets kung sino ang sinasabi ko. "Puro ka kalokohan." Tapos pumasok na siya sa kuwarto niya at tipong isasra na ang pinto pero agad ko 'yung napigilan.

"Ano ka ba! Sabi ko diba may pag-uusapan tayo. We need to talk about Kris!" Grabe ang hirap namang pakiusapan ng isang abnormal na tao.

Bigla niyang binawi ang pwersang tumutulak sa pinto kaya naman muntik ko ng mahalikan ang sahig. Lecheng kapatid ko na 'to. Ang sweet.

"Why we should talk about him? Bakit ba palagi mo nalang bukam-bibig ang gagong 'yon ngayon ah?! Do you like him?" Deretsahang tanong niya.

Napatitig ako sa kaniya. Hindi ako agad nakasagot. I'm so tense. Namumula narin ako.

"Tinatanong kita, Roanne! Gusto mo ba ang bestfriend ko? Sumagot ka!" Aray. Ang tenga ko minumerder na ng kapatid ko.

Yumuko ako. "Hindi. Wala akong gusto sa kaniya. In fact, i'm here to help him." At ang tanga ko.

"Help him?" Tanong ni Jonas.

Tumingin ako sa kaniya at tumango. "Kaya nga nandito ako at nagttyaga na kausapin ka para tulungan siya."

"Bakit mo naman siya kailangan tulungan ah? Umamin ka nga. May ginagawa ba siyang masama sayo?" Galit na tanong niya.

Agad naman akong umiling. "Wala. Kailangan ko lang makabawi sa kaniya. So please. Tigilan mo na ang pangingialam sa buhay niya? Hayaan mo na siyang maging masaya. Bestfriend mo 'yon. Dapat nga maging masaya ka para sa kaniya."

Indenial HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon