Chapter 5

7 1 0
                                    

Chapter 5: Sadist Heart.

Roanne POV

"A-alie?" Gulat na sabi ni Kris.

"Roanne?" Ganon din si Jonas pagkakita niya sa akin.

At ako? Hindi ko alam kung bakit ganyan ang reaksyon nila sa akin? Hindi ko rin alam kung magsasalita ba ako o tatakbo nalang. Dahil. Arrrgggh! Bakit ko pa narinig ang mga 'yon? Sana hindi nalang ako nagpunta kanina nung nagsisigawan sila para hindi ko nalang narinig ang pinag-usapan nila!

Nanginginig ang mga tuhod ko. Tila napako ang mga paa ko at hindi ko sila kayang igalaw. At parang gusto ko rin'g maiyak. Hindi ko alam kung bakit!

Nilapitan ako ni Jonas pero bago pa siya makapagsalita ay naunahan ko na siya. "S-sorry. Hindi ko sinasadyang marinig ang pinag-uusapan niyo. Gusto ko lang sanang kausapin si Kris kaya ako nakapunta dito."

Tumingin si Jonas kay Kris at pagkatapos sa akin. Bumuntong hininga pa siya. "Sa susunod kapag naririnig mo kaming nagsisigawan ng ganon 'wag kang makikinig o lalapit sa amin. Utos ko 'yon. Kaya sundin mo." Makapangyarihang sabi niya pero kitang-kita mo sa kaniya ang pagka-ilang niya.

At kahit naguguluhan ako. Basta nalang akong napatango. "Sige na. Umalis kana. Male-late kapa niyan." Sabi ni Jonas.

Tumingin ako kay Kris na nakatalikod sa akin. At parang may tumutusok dito sa bandang dibdib ko na hindi ko maintindihan. Parang nasasaktan ako na nakatalikod sa akin si Kris ngayon.

"Ano pang hinihintay mo? Alis kana." Pagtataboy sa akin ng pinaka-sweet kong kapatid. Aish.

"Hindi pa kase ako pweding umalis hangga't hindi ko kasabay na pumasok si Kris." Sabi ko.

"ANO?!" Halos mabingi ako sa sigaw ni Jonas. Problema nitong kumag na'to? Ang sakit sa tenga ah!

Bigla naman akong napatingin kay Kris dahil humarap narin siya sa wakas sa akin. At kitang-kita ko na parang may lungkot sa mga mata niya.

"Bakit kaba naninigaw dyan, ha? Para kang tindera ng palengke e. Psh." Pagtataray ko sa kapatid kong kumag.

Inis na inis ang mukha niya. Nakapamewang pa siya. "Bakit kailangang sabay pa kayo ng gagong 'yan? May kotse naman 'yan kaya kahit hindi kayo sabay pumasok sa school, makakapasok 'yang mag-isa. Mauna kana. Sabay nalang kami." Frustrated na sabi niya.

Naguguluhan ako sa pinapakita ni Jonas ngayon. Bakit ganyan siya magsalita na para bang iniiwasan niya si Kris sa akin? May malaking problema ba 'tong kapatid ko kaya pati kami ni Kris ay dinadamay niya?

At saka kung makapagsalita siyang 'gago' kay Kris parang hindi siya mas gago sa kaniya. Tss.

"Hindi parin pwede." Pamimilit ko pa. Bahala nga siyang magalit.

Nakita ko na naman sa gilid ng mata ko ang pagkagulat ni Kris sa sinabi ko. Hindi siguro siya makapaniwalang nagpupumilit ako ng ganito. Ako man ay hindi ko maintindihan ang sarli ko.

"At bakit, ha? Bakit hindi pwede?" Mataray na sabi ni Jonas.

Tinaasan ko siya ng kilay. Kung makapagtaray wagas! "'Yon po kase ang utos ni Daddy. Ngayon? May sasabihin kapa?"

Nanlalaki ang mga mata niya. Ano ba talagang problema ng isang 'yon? Para siyang nalugi e. Tss.

Naglakad ako papunta kay Kris. Pati rin siya gulat ang mukha. May nakita ba silang multo kanina? Aish. "Kung tapos kanang mag-ayos ng gamit mo. Pwede na tayong umalis dahil male-late na tayo sa school." Sabi ko at bigla kong iniwas ang tingin ko sa kaniya. Napagawi kase ang tingin ko sa labi niyang may sugat. At may naalala na naman ako kagabi. Ugh!

Indenial HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon