Chapter 9

7 0 0
                                    

Chapter 9: Driver Sweet Lover.

Roanne Allie POV

"Mommy? Bakit ba biglang umalis si Kris dito sa bahay natin?" Tanong ko kay Mommy.

Halos kalahating araw palang siyang nawawala ay hinahanap na agad siya bahay na 'to---este ng mga mata ko.

Nagluluto siya ngayon para sa dinner namin. Kami lang dalawa dito at wala si Daddy dahil may biglaang meeting sa Company. At si Jonas? Ayun! Sumama sa paghatid kay Kris sa bahay nila. Hindi man lang ako niyaya. Nakakainis!

Hindi ko talaga titigilan si Mommy sa pagtanong kung bakit basta nalang umalis ang tukmol na 'yon. Hindi ba niya alam na malulungkot ang kuwarto niya?

Kuwarto o ikaw? Echosera!

Hmp. Nakakainis kase! Basta nalang siya umaalis. Marami kayang malulungkot sa pagalis niya dito sa bahay? At.. Oo na nga! Pati na ako. *pout*

"Namimiss mo na ba agad siya, anak?" Is she teasing me or what?

"Seriously, Mom? Porket ba tinatanong ko lang kung bakit umalis 'yung tukmol na'yon dito agad-agad mamimiss ko? Of course not! Edi umalis na siya! Hindi naman siya kailangan dito. Doon na siya sa kanila. Hmp!"

Pinatay na ni Mommy 'yung kalan. Which means na luto na ang ulam for dinner. Tapos tumingin siya sa akin na natatawa. "Bakit ba ang dami mong sinabe, anak? Tinatanong ko lang naman kung namimiss mo na ba siya eh. Tapos kung anu-ano na lumabas dyan sa bibig mo. You're so defensive and obvious as well." Pailing iling na sabi ni Mom. What's with her pailing iling? Like duh! Parang inaasar ako.

"Mom. I am just asking. Nothing more. Isa pa, hindi ko naman tinanong kung namimiss ko na ba siya diba?" Eh ang totoo nito. Gusto ko na siyang puntahan sa kanila at kunin sa mga magulang niya at ibalik ulit dito.

Napakagat ako sa labi ko dahil muntik ko ng masabi 'yon sa Mommy ko. Geez. Buti nalang napigilan ko ang bibig ko. Kundi hay, naku! Si Mommy. Aasarin na ako lalo.

"Oo nga. Ang sa akin lang, tinatanong ko lang naman kung namimiss mo na ba siya? As a friend? Mahirap ba namang sagutin 'yon? Eh ako nga, hinahanap ko na siya dito sa atin eh. Kanina nga tatawagan ko na sana siya kuwarto niya para bumaba at makakain na. Then i realize na wala na pala siya sa kuwarto niya. Hay, naku. Mamimiss ko ang prisensya ng batang 'yon dito." Ani Mom na halatang malungkot sa pag-alis ni Kris sa bahay na 'to.

Halos half month yata ang itinagal niya sa bahay na 'to kaya naman hahanap-hanapin siya talaga ng mga tao dito. Pati ako. -__-

Nilapitan ko si Mom at hinawakan ang kamay. "Malaki nga po ang utang na loob ko sa kaniya eh. Kase po ng dahil sa kaniya, nagkaayos kami ni Daddy. Tayong tatlo. Pinagbati niya tayo diba? Tapos nalaman ko pa na hindi pala siya galit sa akin. These past few days ko lang po nalaman na may mabuting kalooban din pala siya." Napangiti ako habang inaalala ang nagawa ni Kris para sa akin.

Napangiti rin si Mommy at hinagod niya ang buhok ko. "Yes, anak. Kris is one of a kind. Bata palang siya ay alam ko ng mabuti siyang bata. Pinalaki siya ng magulang niya na may magandang asal. Kaya ang inaakala mo sa kaniya dati ma masama siya. You're wrong, anak. But the good thing is, now you realize kung anong ugali meron si Kris. Masaya ako dahil nagkakamabutihan kayong dalawa." May kakaibang ngiti na sa labi ng Mommy ko.

Hindi ko nalang pinansin ang pangaasar ng Mommy ko. Tumango nalang ako at baka kung saan pa umabot e. "Yes, Mom. We're good friends na. 'Yon lang."

Kumunot ang noo niya. "Why its sounds like you are defensive, anak? Sinabi mo nga kanina na good friends kayo. Oo naiintindihan ko na 'yon. Pero bakit may 'Yon lang' kapa? Hindi naman naghihintay si Mommy ng iba pa e. You're really on something anak. I can see it in your eyes." Sabi ni Mommy na mataman na nakatingin sa akin.

Indenial HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon