Chapter 8

15 0 0
                                    

Chapter 8: Leaving..

Roanne POV

Tama ba lahat ng ginagawang kong ito?

Nasa tamang pag-iisip pa ba ako?

Naluluka na ba ako?

'Yan ang kanina ko pang tinatanong sa sarili ko.

At...

Lechugas! Hindi ko alam. Hindi ko masagot ang katunungan ko sa sarili ko. Hindi ko na alam pa ang mga pinangGAGAgawa ko sa buhay ko.

Oo ata. Isa akong..isanggg...

Isa akong malaking GAGA.

Hays.

Nasabe ko 'din.

(_ _")

Paikot-ikot at pabalik-balik ako sa dito sa kuwarto ko pagkatapos kong kausapin ang kapatid kong abnormal.

At ngayon hindi ko na alam pa ang susunod na gagawin ko? Takte! Bakit ako nagkakaganito?

Waaaa!

Ayoko na!

Maluluka na ako..

HUHUHU.

Napabuga ako ng malakas na hangin. Napaupo ako sa kama ko dahil sa pagod. Na wala naman akong ginagawa kundi ang mag-isip ng mga bagay na nagpapagulo sa isipan ko.

Pambihira ka kasing lalake ka eh! Ano bang meron sayo at nagiging ganito ako?

Nababaliw ka lang sa kagwapuhan niya teh.

Natigilan ako sa sinasabe ng konsensya ko. Tapos napasimangot ako habang nakatingin sa taas ng noo ko kung saan may epal na nagsasalita sa utak ko.

"Bakit ba kailangan mong umepal dyan ah? Konsensya lang naman kita. Lagi ka nalang umeentra. Oo alam ko. Guwapo siya. Kailangan ba lagi mong ipapaalala 'yon sa akin? Taena! Kinakausap ko na sarili ko. Nakakabaliw na 'to! Aaaaaaah!"

Sumigaw na ako at ginulo-gulo ko ang mahabang buhok ko na may bangs. At sa ginawa kong 'yon? Nasaktan lang ako. Sinasaktan ko lang ang sarili ko.

Kailangan mo na siyang kausapin. Lumabas ka dyan sa lungga mo.

Ayan na naman. Nagsasalita ka na naman.

Juskopo! Ano bang nagawa ko sa konsensya ko at bakit siya nagsasalita ng ganito? Mas marunong pa siya sa akin. Mas alam pa niya ang dapat na gawin kesa sa akin. At hindi ko na namamalayan na sinusundan ko na pala ang sinabe niya.

Palabas na ako ngayon ng kuwarto ko. At para akong nahipnotismo ng konsensya ko dahil basta na lamang akong lumabas ng kuwarto ko ng hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Kris dahil papunta na ang mga paa ko sa kuwarto niya!

Waaaa. Gusto kong pigilan ang sarili ko pero hindi ko magawa. Wala na daw atrasan 'to!

Pero ano bang sasabihin ko ah? Ni hindi ko nga alam kung paano ko siya kakausapin eh. Nahihiya na kase ako sa kaniya simula nung isiwalat ko sa sarili kong may nararamdaman na ako para sa kaniya.

At eto na! Walang sabi sabing kumatok ako sa pintuan ng kuwarto niya! Ene be nemeng buhay 'to! Nabibigla na lang ako sa ginagawa ko. Tila hindi ko mapigilan ang sarili ko.

"Tok tok!" Pangalawang katok ko na ito pero hindi parin niya ako pinagbubuksan.

Aba! Parang walang naririnig ah!

"TOK TOK!" Nilakasan ko na ang pagkatok ko. Halos mamula ang kamay ko sa ginawa kong pagkatok pero wala paring Kris na humaharap sa akin.

Ah! Ganon? Hindi niya ako pagbubuksan ng pinto? Pagkatapos kong magbaliw baliwan sa loob ng kuwarto ko kakaisip sa kaniya eto at hindi man lang niya ako marinig na kumakatakot sa puso niya?

Indenial HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon