Chapter Ten
"ALEXIS."
Sinalubong ni Virgil ang bagong dating. Si Rusty Chen. Nagkita sila nito sa isang floating restaurant na medyo malayo sa Sunrise Resort. Alam niya kasing kahit sinabi niya kay Emilia na ibig niyang mapag-isa ay makakagawa pa rin ito ng dahilan upang makalapit sa kanya. At iyon ay dahil tumatanaw ito sa kanya ng utang na loob.
"May sakit ka ba?" ani Rusty na pahapyaw siyang sinuri ng tingin bago ito naupo sa kaibayo niyang upuan.
"Nagkaroon lang ako ng maliit na aksidente."
Nang wari'y maghintay ito ng paliwanag niya ay nagpatuloy siya.
"There was this girl. Her name is Emilia. I was offered five million to eliminate her; but of course, I decline. Isang gabi ay nanganib ang buhay niya. I intervened and rescued her. In the process, I got shot."
"Maganda ba?"
"What?"
"'Yong babae. Maganda ba 'kako para ihalang mo ang iyong katawan sa balang para sa kanya."
Napailing siya.
"Hindi? Aba'y true love na 'yan."
Napapalatak siya sa sinabi nito sabay ngiti. "Maganda siya. Mestisahin."
Napasipol si Rusty. "Parang gusto kong makilala ang babaing ito."
Nagkatunog ang maikli niyang tawa.
Tuwina'y natutuwa siyang kausap si Rusty. Partikular kapag ganoong pareho silang walang suot na maskara. Ito bilang si Rusty Chen at hindi ang all-around right hand man ni Boris Javier. At siya bilang si Alexander James Palomares, ang doktor. Kung titingnan mula sa malayo ay mukha lamang silang mga ordinaryong tao. Maaari pa nga silang mapagkamalang mag-ama sapagkat pareho silang singkit.
"I was hoping you could help me do a background check on her. Kay Emilia Cortez. Gusto kong malaman kung sino ang taong gustong magpapatay sa kanya. Hindi birong halaga ang limang milyon upang magpapatay ng isang ordinaryong tao lamang. Naisip ko ang posibilidad ng isang love triangle, pero ang gumastos ng limang milyon para ipapatay ang isang karibal ay masyado naman yatang malaki."
"Women are complex creatures. They do the oddest thing and they think its logical."
"I bet you're speaking from experience."
"I've had my share. Anyway, is that all? Wala ka na bang ibang kailangan?" alam niya kung ano pa ang iba na tinutukoy nito. Baril.
"I came prepared. Ang hindi ko lang napaghandaan ay ang taong matatagpuan ko dito sa Cartajena. Si Seung Li," ang lalaking pumaslang sa kanyang ama.
"Kung ganoon ay ito na marahil ang tamang panahon."
Tumango siya. Nang kupkupin siya ni Rusty at sanaying maging isang berdugo ay may kundisyon itong ibinigay sa kanya. Sasagutin nito ang lahat ng mga katanungan niya tungkol sa kanyang mga magulang sa sandaling matagpuan niya ang taong responsable sa nangyari sa mga ito. At iyon na ang nakatakdang panahon.
Kaytagal niyang hinanap ang lalaki. Doon niya lamang pala ito matatagpuan sa maliit na bayan ng Cartajena.
"I'm hungry. Mas mabuti siguro kung kakain muna tayo bago natin pag-usapan ang mga bagay-bagay."
Sinenyasan niya ang dumaang waiter. Hinayaan niyang um-order si Rusty. Wala siyang ganang kumain. Ang laman ng sikmura niya ay ang kinain pa niya kagabi.
Tahimik silang kumain nang maisilbi ang kanilang order. Halos wala siyang malasahan. Panay lang ang subo at lunok niya. Manaka-naka ay nagkokomento si Rusty tungkol sa pagkain. Masarap daw talaga ang mga pagkain sa probinsya. Wala sa loob na tango lang ang tugon niya. Pakiramdam niya ay nagbubuhol-buhol ang kanyang bituka. Hindi niya alam kung anong klase ng lihim ang itinatago ng kanyang pamilya.

BINABASA MO ANG
Virgil
ActionA gripping tale about death-trade and revenge. Virgil was a name feared in the underworld. Kilala siya bilang anino ni Kamatayan. Anywhere he goes Death follows him. Kinatatakutan at pinangigilagan. Madali lamang para sa kanya ang kumitil ng buhay...