Virgil

60.9K 1.4K 75
                                    

Prologue

MISERABLE. Iyon ang nag-iisang kataga na dagling pumasok sa isipan ni Virgil upang ilarawan ang kalagayan ni Romero. Namumula at nagtutubig na mga mata, nanginginig na mga kamay, namumutlang balat, masangsang na amoy, pandalas na pagsinghot at pagdahak.

"Sino ka?" umangat ang tingin nito sa kanyang direksyon. Wala sa pokus ang mga mata nito. Waring kasalukuyan pa rin itong dumaranas ng high sa katatapos lamang na pagturok ng ipinagbabawal na gamot.

Wala na siyang panahong pag-aksayan pa ng pansin ang walang kuwenta nitong kalagayan. Ikinabit niya ang silencer sa dulo ng kanyang baril.

Walang pagkatigatig o takot na ngumisi si Romero. Somehow ay nauunawaan niya kung bakit. Imbalido. Walang tiyak na pinagkukunan ng salapi. Walang regular na pagkain. Walang pamilya. At higit sa lahat, wala na itong taglay na kapangyarihan kaparis noong araw. Noong ito pa ang hepe ng pulisya.

Nauunawaan niyang mas mamatamisin pa nito ang kamatayan ng mga sandaling iyon kaysa manatiling buhay at humihinga nang nakatali sa wheelchair. Walang magawa kundi ang hintayin ang araw kung kelan ito malalagutan ng hininga.

Iniumang niya ang baril sa pagitan ng mga mata nito. Tumatawang ikiniskis ni Romero ang noo sa dulo ng kanyang baril.

"Haa-haa...sige, sige patayin mo na ako," tumatawa-umiiyak na wika nito.

"Gusto kong ibigay mo sa kanya ang pinakamalupit na kamatayan."

Iyon ang mahigpit na bilin sa kanya ni Rusty Chen--na ngayon ay kinikikilala ng lahat sa bago nitong katauhan bilang si Luke o Lucas Medrano. Ang busybody factotum ng kilalang casino owner na si Boris Javier.

"Ano pa ang hinihintay mo. Sige na...patayin mo na ako. Hindi ko alam kung sino ang nagpadala sa'yo rito. Pero kung sino man siya ay nagpapasalamat ako. Ano pa? Ano pa ang hinihintay mo. Patayin mo na ako."

A child molester, a wife beater, dating corrupt na opisyal ng pulisya, durugista turned pusher. Na ang kinikita ay kulang pa sa bisyo nito. Parang mas mabuti pa nga kung hahayaan na lamang niya ito sa miserableng kalagayan kaysa ang ibigay rito ang hatol na kamatayan.

May narinig siyang kaluskos.

Alertong napalingon siya sa pinagmulan ng munting ingay. Ang baril niya ay nanatiling nakatutok kay Romero samantalang ang isang kamay ay mabilis na dumako sa likuran upang hugutin ang isang beretta cougar na nakasuksok doon.

Nakita niyang lumabas mula sa silid ang isang batang lalaki na sa tantiya niya ay wala pang sampung taong gulang. Wala itong saplot at paika-ikang lumakad. Wala sa tamang pokus ang mga mata at matay man niyang isipin ay mistula iyong zombie na naglalakad. Lagusan ang tingin habang namamaybay sa dingding upang marahil ay suportahan ang sarili. 

Hindi nakaligtas sa matalas na paningin ni Virgil ang bahid ng dugo sa mga binti ng bata. Mariing nagtagis ang kanyang mga bagang. Malamig na tumutok ang kanyang mga mata kay Romero. Bago pa niya mapag-isipan ang ginagawa ay awtomatikong nakalabit ng kanyang mga daliri ang gatilyo ng hawak na baril. Sunod-sunod. Walang kurap niyang inubos ang isang magazine sa bungo ni Romero.

Kulang ang parusang kamatayan para sa mga kagaya nito. 

Tahimik niyang nilapitan ang bata. Muling nagtiim ang kanyang mga labi nang makita niya ang mga sariwang latay ng sinturon sa likuran nito. Nang makita niya ang pagdurugo ng puwetan ng bata ay mariin niyang nakuyom ang mga kamay.

Pumasok siya sa loob ng silid. Nakita niya ang isang middle aged na dayuhang Puti na naghihilik sa papag. Wala rin ito ni isang saplot. Dinampot niya ang sinturon sa papag at ang isang kakapiranggot na tela na sa palagay niya ay ang panloob ng dayuhan. Gamit ang mga iyon ay ibinusal niya ang tela sa nakaawang na bibig ng Puti. Naalimpungatan ito at nagtangkang lumaban.

Binigwasan niya ito ng kanyang kamao. Nawalan ito ng malay. Sinamantala niya iyon at mabilis itong tinalian sa bibig, sa dalawang kamay at dalawang paa bago ito ibinalot sa kumot. 

Kumuha siya ng isang tela at ginamit iyon upang maayos na balutin ang katawan ng bata. Napakislot ito. Nanginig. Nangangaykay itong nagsumiksik sa dingding.

"Shh, ligtas ka na. May mga taong darating dito upang tulungan ka," malumanay niyang wika rito.

Hindi niya tiyak kung naunawaan siya ng paslit. Nanginginig lamang itong nagsumiksik sa isang sulok. Mahigpit na kinipit sa katawan ang tela habang tahimik na umaagos ang mga luha.

Parang gusto niyang buhayin si Romero at paulit-ulit na patayin.

Pinasan niya ang dayuhan. Kakampi niya ang dilim. Walang kilatis siyang dumating at umalis sa tirahan ni Romero nang walang nakakapansin.

Hindi bahagi ng misyon niya ang magkaroon ng excess baggage. Subalit walang kaso sa kanya ang magbawas ng isa sa mga nagkalat na pedopilya sa bansa. Kahit araw-araw niya pa iyong gawin. Isa sila sa mga basura na kailangang linisin upang manatiling ligtas ang mga inosenteng bata mula sa kamay ng mga ito.

Hindi siya vigilante. His targets came with a price. Ganoon pa man, nagliligpit na rin lang siya ng kalat, isasama na niya ang isang ito.

Inilagay niya sa compartment ang walang malay na dayuhan. Dinala niya ito sa isang ilang na pook. He cut off his genitalia and let him suffer for hours before he cut off his hands and feet. Itinapon niya sa nagngangalit na apoy ang mga bahagi ng katawan nito na pinutol niya.

Makailang ulit na nawalan ng malay ang dayuhan nang tapyasin niya ang maselang parte ng katawan nito. Ibig niyang maranasan ng lalaki ang triple ng sakit na pinagdaanan ng walang muwang na bata mula sa mga kamay nito.

Walang puwang ang awa sa dibdib niya para sa mga katulad nitong mapagsamantala. He chopped off his head at pagkatapos ay inihagis niya ang katawan nito sa isang malalim na hukay na pinagtatapunan ng basura. Tamang-tama lamang iyon para sa isang kagaya nito. Basura.

Inihagis niya ang ulo ng dayuhan sa nagngangalit na apoy. Nang halos abo na iyon ay saka lamang siya lumulan sa kanyang sasakyan. Parang walang kabagay-bagay na nilisan niya ang pook na iyon.

Tumunog ang kanyang cellphone.

"Hello?"

"Hello, Dr. Palomares. Emergency. Kailangang-kailangan kayo ngayon dito sa ospital."

"Okay. I'm on my way..."


VirgilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon