Chapter Twelve
MISTULANG tsunami na rumagasa nang walang babala ang nakaliliyong sensasyon sa buong katawan ni Emilia. Nalasahan niya ang alak sa mga labi ni V. Ang mga kamay niya na nakatuon sa dibdib ng binata ay waring kusang nawalan ng lakas. Iniawang nito ang mga labi niya, nagsanib ang kanilang mga hininga. Ang dila nito'y mapusok na nanaliksik sa loob ng kanyang bibig, tila may hinahanap. Nang matagpuan ang pakay ay hindi na nito iyon pinawalan. Napaungol siya.
Kailanma'y hindi niya naranasan ang ganoong uri ng nakaliliyong pakiramdam sa una niyang nobyo. Tuwina'y nasa kanya ang kontrol. Subalit ngayon tila siya ang nawawala sa sarili. Para siyang nalalango sa nakalalasing na dulot ng mga halik ni V.
Naramdaman niya ang paghagod ng isang kamay nito sa kanyang beywang, bahagya iyong pumisil doon bago umusad sa kanyang balakang. Hinapit siya nito kasunod ang marahang pagkilos upang pagpalitin ang kanilang posisyon. Siya na ngayon ang napailalim at ito ang nakatunghay sa kanya. May ilang saglit nitong pinagmasdan ang kanyang mukha nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Marahang binaybay ng hintuturo ang lahat ng ditalye. Tumigil ito sa ibabaw ng kanyang mga labi na parang bahagyang nangangapal sa pinagsaluhan nilang halik.
"I know that this was bound to happen," mahinang anas nito sa pagitan ng patuloy na paghagod sa kanyang mga labi.
"V."
"I pretended to be drunk para hindi mo na ako gambalain. But just like a moth to a flame, you can't stay away."
"H-hindi ka lasing?"
"Nakainom pero malinaw na malinaw ang pag-iisip ko."
"Kung ganoon ay b-bitiwan mo na ako," itinulak niya ito.
"Too late, Emilia Cortez. I want you. Sa mga sandaling ito ay gusto kong magwala at maglabas ng galit; but I think sex is preferable than violence."
Bumuka ang bibig niya upang magsalita subalit parang biglang nanuyo ang kanyang lalamunan, walang lumabas doon maski isang kataga.
Bumaba ang ulo nito at muling inangkin ang kanyang mga labi. Mas masidhi, mas malalim. At tila siya nilulunod ng mga buhawi ng sensasyon na ang tanging opsyon niya lamang ay ang magpatianod. Saglit pa at walang kahirap-hirap nitong naalis ang kanyang blusa. Naramdaman niya ang mainit nitong palad sa kanyang balat. Umiba rin ng direksyon ang mga labi nito. Mula sa kanyang mga labi ay bumaba iyon sa kanyang leeg. Napasinghap siya kasunod ang paimpit na ungol. Tila ito nakatagpo ng mabangong aroma sa ukab ng kanyang leeg at balikat na may ilang sandali itong nagbabad doon. Parang pumapapak ng isang masarap na pagkain. Para tuloy siyang kinukuryente. He was licking and sucking her skin. At natitiyak niyang mag-iiwan iyon doon ng marka!
"V."
Umungol lang ito. Kasabay niyon ay bumagsak ang strap ng kanyang lacy bra. Mataktika nitong nakalas ang hook sa likod at bago pa siya nakakurap ay kasama na iyon ng kanyang blusa sa sahig. Saglit nitong pinagmasdan ang nahantad niyang dibdib. Na nang tangkain niyang takpan ay mabilis siya nitong inawat.
"They're small but perfect."
Ang tangka niyang pagpo-protesta sa sinabi nito ay mabilis na nakulong sa kanyang mga labi nang yumuko ito at pag-ukulan ng mainit na atensyon ang mga iyon. Mariing kumuyom ang kanyang mga kamay sa kubrekama sa biglang dagsa ng mainit na sensasyon. Gumuhit iyong pababa sa kanyang tiyan patungo sa pinakapribadong bahagi ng kanyang katawan. Naimpit niyang muli ang isang ungol nang magmistula itong gutom na sanggol na haliling sinimsim ang magkabilang tuktok ng kanyang dibdib.
Paanas niyang nabigkas ang pangalan nito kaparis ng isang nagdidiliryo, nangangatal. Nang unti-unting dumausdos pababa ang mga labi nito ay nahigit niya ang kanyang paghinga. Napaunat siya sa pagkakahiga at nawalan ng tinag.

BINABASA MO ANG
Virgil
ActieA gripping tale about death-trade and revenge. Virgil was a name feared in the underworld. Kilala siya bilang anino ni Kamatayan. Anywhere he goes Death follows him. Kinatatakutan at pinangigilagan. Madali lamang para sa kanya ang kumitil ng buhay...