MY PRESIDENT CRUSH
Written by: agycruzI can't help my self but to cry in the middle of the field. It doesn't matter how i look like now, i feel numb. Hindi ko maigalaw ang katawan ko!
Ilang minuto rin akong nakaupo sa lusakang lupa at basa ng ulan bago may sumukob sa akin na payong. Malabo ang paningin ko dahil sa luha at patak ng mga ulan kaya kinusot ko ito bago muling tumingala.
Nakita ko si Terrence na puno ng pag-aalala ang muka. Inakay niya akong makatayo habang sinusukob ako sa kaniyang payong. Pinahawak niya muna sa akin ang payong para hubarin ang suot niyang jacket at ibigay sa akin para isuot.
Pumunta kami sa isang bakanteng kwarto at doon ako pinahinga. Bagsak ang katawan kong na upo dahil sa panlalamig at pagod. Nanlaki naman ang mata niya ng mapatingin ito sa hita ko na may lamat. Napamura pa ito sa inis!
"Fuck! Anong ginawa mo at nagkaroon ka ng second warning sign!" Usal niya.
"Wala akong ganang makipag usap ngayon. Nilalamig ako," matamlay kong sambit kasabay nang panginginig ng labi.
"Shit! Basang basa ka! Wala na akong extrang damit dito!" bulalas ni Terrence na halatang nag-aalala na sa akin.
Maya-mayapa'y biglang bumukas ang pinto nang tinutuluyan naming classroom ni Terrence niluwa nito si Jamico na halatang hinihingal at may dala na isang plastic bag.
"Finally i found you!" Intrada niya bago lumapit sa akin. "I heard what happend!"
Taranta itong inilahad ang plastic bag sa akin. "Wear this! i brought a clothes for you!"
Nangilid na naman ang luha ko dahil sa dalawang ito. Silang dalawa palagi ang tumutulong sa akin kapag nagigipit ako sa problema. l'm so thankful that i have this two guys.
"Remember what i said before? Babalik ako sa bahay dahil maykukunin ako. Nakita ko kasing basa ka na nung hinatid kita kaya bumalik ako sa bahay para kumuha ng damit para pangpalit mo. And then i receive a news that your crying under the rain! What happen?"
Walang gana ko siyang tinitigan. Matamlay ako ngayon dahil sa nangyari kanina. Kailangan ko munang magbihis para maibsan ang lamig ng katawan ko.
"Lumabas muna kayo!" Tila nagulat sila sa sinabi ko. "Magbibihis na ako!"
Nakahinga naman sila sa sinabi ko bago sila lumabas. Sinuot ko ang dala ni Jamico. Isang oversized na white t shirt at maong na short. Wala man lang bra na binigay pambihira.
Hindi acceptable ang ganitong kasuotan sa paaralan namin kaya mamaya ay uuwi narin ako. Hindi tuloy ako nakapasok ngayong araw. Nasaktan lang ang katawan ko at napahiya.
Pagkatapos kong magbihis ay pumasok muli silang dalawa. Maski sila ay hindi na nakapasok sa kanilang subject. Tinabihan ako ni Terrence habang si Jamico ay nanatili lang nakatayo sa harapan ko.
"What happen?" tanong niya muli pero ng dumako ang tingin niya sa hita ko ay nakuha niya na ang sagot.
"Damn it! You got a second shot!" inis niyang sambit bago naupo sa sahig at humalukikip.
"If you get a three warning sign from Axell you're punishable!" saad ni Jamico na malalam na nakatingin sa akin. "That fucking law! A shitty law that will harm students to maintain the peace in our university. What a jerk!"
BINABASA MO ANG
My President Crush (Completed)
Teen FictionSimple lang naman ang pangarap ni Mohanni Villaro na tinaguriang top 2 worst student ng Northford University. 'Yun ang mapansin siya ni Axell Dela Torre na SSG President ng kanilang paaralan. Sa sobrang paghanga niya kay Axell ginawa niya lahat ng e...