Chapter 7: That's Absorb

418 31 1
                                    

MY PRESIDENT CRUSH
Written by: agycruz

Few days past before president crush tell me na ako ang punot dulo ng kaguluhan sa university. Ako nga lang ba talaga? O sinabi niya lang 'yun dahil ayaw niyang ma misinterpret ko ang sinasabi niya?

Hindi na ako pumasok ng araw na 'yun dahil bukod sa masakit ang puson ko ay sumikip rin ang puso ko dahil sa mga sinabi niya. He hits my ego. Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin o totoo lang ang mga sinabi niya.

Isa lang ang alam ko, hindi ako ang dahilan ng kaguluhan kung hindi sila. Maraming estudyante ang humahanga sa kanila but the fact na hindi natin mapagkakaila ay marami rin ang naiinggit.

Iwinaksi ko na lang lahat ng gumugulo sa isipan ko at nagbuntong hininga. Napalingon na lang ako habang naglalakad sa tumawag sa akin.

"Mohanni! Dalian mo na!" tawag ni Kai, na nauna ng pumasok sa gymnasium.

Inakit niya akong manuod ng basketball practice nila Terrence. Knowing that na ayaw kong makita ang kumag na 'yun. There's something to him na nakakapag pakulo ng dugo ko. Simula ng mabangga niya ako ay ayaw ko na ng ugali niya. Bait-baitan.

Napilitan na akong pumasok ng hilahin ako ni Kai. Naglakad kami palapit sa court at laking gulat ko nang makita na sobrang daming etchoserang babaeng nanunod.

Halos maukupa na ang kalahati ng gymnasium sa rami ng nanunod. Merong mga miyembro ng cheer dance na todo sayaw at cheer pa. Meron ding mga normal na estudyante na walang ginawa kun'di ang lumandi. Ano bang meron? Dahil ba kay Terrence kaya nag mistulang finals ang practice game nila?

Umupo kami sa bench na sobrang lapit sa kanila. Narindi na lang ako sa lakas ng sigaw ni Kai. Todo cheer siya kay Terrence na tumitira ng bola. Ano bang meron sa lalaking 'yan at nabaliw ang kaibigan ko sa kaniya, eh hindi naman siya pinapansin. We'll hindi ko siya masisisi, maski rin naman kay Axell ganun. Lumala pa nga lalo.

Napatingin si Terrence sa pwesto namin na ngayo'y naliligo na sa sariling pawis. Naka sando lang ito na warak ang kilikili kaya kitang-kita mo ang malinamnam na abs nito. Teka ano bang sinasabi ko?

Nagtama ang mata namin at gumuhit na naman ang matamis niyang ngiti sa labi ,and he blink his right eye to me. I rolled my eyes at nginusuan siya kaya napangisi ito. Nang aasar ba siya?

Naramdaman ko ang sunod-sunod na hampas sa balikat ko ni Kai. "Sissy! Wahh! Kinindatan ako ni Terrence. So kilig!" Nagsisigaw sa tuwa ang kaibigan ko, inakala niyang kinindatan siya ni Terrence, pero hindi niya alam na ako 'yun.

Dahil sa sunod-sunod na sigaw ni Kai sa kilig ay hinatak nanaman ako nitong muli papunta sa gilid ng court, mas malapit na kami sa kanila ngayon. Parang gusto ko na tuloy lumabas dahil sumasama ang atmosphere!

Hawak ngayon ni Terence ang bola habang todo bantay ang kalabang nasa harap niya. Nag-dribble ito ng skills at mabilis na naiwan ang kalaban. Umatake siya at pinapasok ang bola. Nagsigawan ang mga taga hanga niya kaya halos mabingi ako sa ingay. Totoo ngang magaling siya.

Lumipas ang ilang minuto ay bagot na bagot na akong panuorin sila. Siya! Bawat tira ba naman ni terrence ay tumitingin ito sa akin at ngumingiti. Lalo pang nagsigawan ang mga nanunuod ng maghurubad ng damit ang mga manglalaro. Agad na pukaw ko ng pansin ang katawan ni Terrence.

Naliligo sa pawis habang langis na langis ang 8 packs abs nito na talaga namang napakasarap. Para akong na hypnotized sa pagtitig sa katawan niya. Nabalik na lang ako sa ulirat ng tumama ang bola sa ulo ko dahilan upang matumba ako sa malamig na sahig. Napahawak ako sa ulo dahil sa sakit.

Nakahiga pa ako habang hinihilot ang ulo ng makitang papalapit si Terrence sa akin.

"Are you alright?" tanong niya ng maka-lapit at inalalayan akong tumayo.

My President Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon