Sikat na sikat ako ngayon sa social media dahil sa isang post na naglalakad ako sa hallway habang napapalibutan ng mga estudyanteng nakasimalmal ang muka. Pero ang takaw pansin ay ang pag-escort sa akin ng Big 3 palabas ng gate hanggang sa maka-uwi ako.I don't expect na magiging ganoon ka protective sila sa akin pero alam ko na ginawa lang nila 'yun para sa kapakanan ko dahil kapag hinayaan nila akong mag isang maglakad sa hallway ay tiyak na bago ako makalabas sa gate ay bugbog sarado na ako o worst ay patay na.
Knowing na lahat ng estudyante ay galit sa kung sino man ang nagpapasimula ng gulo. Dahil ayaw nila masayang ang pinaghirapan ng Big 3 na-i-implement ang peace and order sa university na ito.
"Sissy! Wahh! Sikat ka na, tingnan mo oh meron ng 379k likes and 89k shares ang picture mo na naka post sa Northford University Secret Files." wika ni Kai na halos abot tainga ang ngiti habang pinagmamasdan ang litrato ko kasama ang Big 3.
"Wag ka ngang ano diyan Frienyy! Baka sikat dahil sa eskandalong ginawa ko. Tingnan mo nga 'yung comment section oh puro mga haters," saad ko sa kaniya saka humigop ng dark mocha coffee.
Lingo ngayon at nandito kami ni Kai sa coffee shop, naisipan ko siyang akitin para mag unwind mu'na kahit sandali. Sa dami kasi ng kaguluhan nangyayari sa akin ay deserve kong mag-relax mu'na.
"Basta na iinggit parin ako sa'yo be! Biruin mo ikaw lang 'yung may special treatment sa Big 3." Sumalong baba si Kai at humigop ng choco coffee niya.
"Special treatment dahil ayaw nilang masira ang image ng school dahil sa'kin. 'Yun lang 'yon."
Nagkibit balikat na lang siya. "Okay, sabi mo eh."
Naikwento ko kay Kai ang lahat ng nangyaring pag-frame-up sa'kin nila Keisha the parot. Kung nagkadaupang palad niya raw muli si Keisha ay tiyak na ma susuntok niya ulit ito.
Lumabas na kami ng coffee shop at nagtungo naman sa Mall, alam mo naman itong sossy kong friend mahilig mag shopping. Namili lang siya ng mga bagong damit at ako naman ay mga gummy bears.
"Sissy? Totoo nga magiging tutor mo si Jamico? Wahh ang swerte mo talaga!" sabi ni Kai habang nag hihintay kami ng sundo. Maraming nakasakbat sa braso niya na bags nang pinamili niya.
"Anong swerte don? Imbis na free time ko ilalaan ko pa sa tutorial class." Napasinghap ako. "Pero okay narin 'yun at least pinagbigyan ako ni Dean."
Napatingala si Kai na parang may iniisip. "Alam mo Frienyy napaghahalataan ko 'yang si Dean ha. Palagi ka nalang pinagbibigyan at take note hindi ka kini-kick-out!"
Nahalata ko rin 'yun. Pero kasi nung junior high palang ako kahit ako ang pinaka worst student ay hindi nila ako mapatalsik dahil nag do-donate si Daddy ng pera sa school. Pero simula ng iniwan niya kami at sumama si Dad sa ibang pamilya niya ay pinaputol na ni Mama lahat ng koneksyon sa kaniya pati ang pagsosostento niya.
"Hindi kaya palihim paring nag do-donate si Daddy mo? Parang 'yun na 'yung way niya para makatulong sa'yo kahit na ayaw ng Mama mo," saad ni Love na pinapaypay ang kamay sa sarili dahil sa init sa labas.
Kung ginagawa parin ni Dad ang responsibilidad niya sa akin bilang ama ay hindi ko siya masisisi. Marami siyang pagkukulang, lalo na kay Mama na sinaktan niya. At dahil don kaya ako naging ganito nagrebelde ako at naging matigas ang ulo sa pag-aakalang kapag ginawa ko iyon ay magbabalikan sila. Pero hindi. Iniwan niya parin kami.
Napabalik ako sa sarili ng tapikin ako ni Love. "Oy! Mohanni? Okay ka lang? Ang sabi ko kako---"
"Wag na nating pag usapan ang tungkol sa Daddy ko, please." Pag pigil ko sa kaniya kaya natahimik naman siya.
BINABASA MO ANG
My President Crush (Completed)
Teen FictionSimple lang naman ang pangarap ni Mohanni Villaro na tinaguriang top 2 worst student ng Northford University. 'Yun ang mapansin siya ni Axell Dela Torre na SSG President ng kanilang paaralan. Sa sobrang paghanga niya kay Axell ginawa niya lahat ng e...