Chapter 55: Wet Dreams

211 20 10
                                    

MY PRESIDENT CRUSH
Written by: agycruz

Pinagbigay alam namin kay Dean at Axell ang natanggap kong death threat. Agad silang nabahala dahil doon. Lalo pa nang sunod-sunod ang ilang estudyanteng nabubugbog. At lahat sila ay isa lang ang tinuturo na salarin. Si Kiro!

Ang sabi ng ibang estudyanteng naging biktima ay pinipilit raw sila ni Kiro na gumawa ng masama laban sa akin at sa Big 3 at sa oras na tumanggi sila ay doon na sila papahirapan at bubugbugin.

Dahil doon ay maslalong umigting ang seguridad sa buong paaralan. At ngayon ay hindi parin mahagilap si Kiro. Although nakakapasok parin siya sa university na parang isang normal na estudyante.

"Malakas ang backer ni Kiro. Wala tayong magagawa para pigilan siya. Pero sa oras na mahuli natin siya ay pwede natin siyang ikulong sa detention hanggang matapos ang school year," wika ni Dean at humalukipkip.

Nagkatinginan kaming lahat dito sa loob ng office ni Dean. Paano namin mahuhuli ang isang Kiro Garcia? Eh hindi nga siya dumaraan sa gate para pumasok pero nakakalusot parin siya at nakakaapak sa loob ng campus.

"Mohanni? Kailangan mong mag-ingat. Ikaw ang punterya niya. Siguraduhin mong hindi ka aalis sa tabi ng Big 3 para maprotektahan ka nila."

Tumango ako sa tinuran ni Dean. Maslalo akong kinabahan sa mga nangyayari. Marami nang nadadamay dahil sa akin. At ayaw kong lumaki pa ito. Pero wala naman akong magagawa kundi ang sundin ang pinag-uutos ni Dean. Kailangan kong mag-ingat. Para sa siguridad ko. Para maka-graduate ako.

"Big 3! Doblehin niyo ang seguridad ni Mohanni. Siya ang target at siya rin ang susi para mahuli natin si Kiro," maotoridad na utos ni Dean sa tatlong bugok.

Simula naman na naging under ako ng security ng Big 3 ay ginawa nila ang kanilang trabaho. Maliban nga lang kay Axell na wala talagang paki-alam sa akin.

"Don't worry Dean. I kept my eyes on her. Hindi ko hahayaang masaktan siya ulit ni Kiro," ani Jamico na blangko ang ekspresyon.

"Aye-aye Dean," si Terrence.

"I don't have a choice. So i protect her too. Kahit pa matigas ang ulo niya at palaging galit sa akin," sabi naman ni Axell na umagang-umaga ay nakatiklop ang muka.

"Bueno! Go back to your respective areas."

Lumabas kami ng office ni Dean at gaya ng pinangako ng Big 3 ay todo secured sila sa akin. Maliban lang kay Axell na agad nagpatiuna sa paglalakad. Hindi man lang kami magawang sabayan.

Malapit nang matapos ang break-time pero hindi parin ako nakaka-duty dahil pinatawag kami ni Dean. Siguro ay doon muna ako pupunta kesa kumain sa cafeteria.

"Guys! Nandito lang pala kayo," salubong sa amin ni Grizzle. As usual suot niya ang kaniyang napakagandang ngiti.

"Kakatapos lang namin kausapin si Dean," sagot ko sa kaniya at sinabayan kaming maglakad.

"Saan nga pala ang punta mo mamayang lunch?" biglang tanong niya.

Pansin namin ang maraming estudyante na nasa amin ang atensyon. Sumusunod ang mga mata nila sa amin habang tinatahak namin ang pasilyo patungo sa SSG office.

Nagsamasama ba naman ang mga sikat sa Northford University. Si Jamico at Terrence dalawa sa Big 3. Si Grizzle na Miss. Northford. At ako na top 2 worst student na ngayon ay naging secretary na.

"Her schedule is confidential. Pinag-iingat namin ang lahat lalo na sa kaniyang information," wika ni Jamico kay Grizzle kaya napahinto kami sa paglalakad.

My President Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon