Chapter 4: Strikes

429 31 4
                                    

Ilang araw akong hindi pumasok dahil sa mga nangyari sa akin sa school. Matapos kong mapahiya at i-reject sa harap ng maraming tao ay hindi ko na alam kung may muka pa akong ihaharap sa kanila.

Masyado lang siguro akong naging assuming na magkakagusto rin si president crush sa isang bobitang tulad ko. Kahit alam ko naman talaga na malabo.

Nagkukulong lang ako sa kwarto at dinadamdam ang mga sakit na dulot niya. Pesteng puso naman 'to bakit ba hindi matuto! Mabuti na lang at nandiyan si Love para pagaanin ang loob ko at dumagdag pa itong si Jamico.

Ewan ko ba diyan kay Jamico satuwing kailangan ko ng tulong palaging nariyan. Daig pa si batman kung i-save ako palaging nasa tsempo.

Nakahilata lang ako sa kama ng may kumatok sa pinto mula sa labas. "Tuloy." sambit ko.

Bumukas ang pinto at niluwa nito si Love na may dalang fries at milktea. Agad akong tumayo at sinalubong ko siya ng yakap.

"Frienyy! Na miss Kita!" ani ko sabay nagyakapan kami ng mahigpit.

"Okay ka na ba?" tanong niya kaya natahimik ako at napaupo. Umiling ako at nangilid ang aking luha.

Kahit sabihin pang ilang araw na ang nakalipas ng mangyari 'yun ay sariwa parin yung sakit na nararamdaman ko. Ang sakit talaga ng ginawa niya.

Tinabihan ako ni Love at muling niyakap kaya napaiyak na ako. "Shsss.. tahan na lilipas rin 'yan."

Kinuha ko na lang ang dala niyang pagkain at nilantakan habang ngumangawa. "Eh kasi naman frienyy. Umasa ako sa sinabi niya sa akin doon sa garden. Pero nagkamali pala ako."

"Eto naman kung makaiyak. May label 'te?" pangaasar ni Love kaya sinubuan ko nalang siya ng fries.

"Mas masakit pa kaya sa break up 'yung nireject ka ng taong gustong-gusto mo." wika ko at pinunasan ang sipon na tumulo na sa fries.

"Oh, anong plano mo ngayon?" tanong niya. Humigop muna ako ng milktea bago magsalita.

"Pipiliting kalimutan siya."

"Kaya ba nito." tinuro niya ang dibdib kong walang laman.

"Kakayanin." sambit ko at inayos ang sarili.

Kahit naman kalimutan ko si Axell. Siya parin naman ang ultimate crush ko for life. Saka marupok ako. Baka isang sorry niya lang ay mapaamo akong muli.

"Siya nga pala hinahanap ka na ng mga professor natin. Malapit kana raw bumagsak sa mga subjects mo."

Napalunok ako sa sinabi ni Love. Humugot ako ng malalim na hininga. "Papasok na ako bukas."

Haharapin ko na muli ang kinakatakutan ko. Sana lang ay wag mag krus ang landas at paningin namin ni Axell. I uncrush ko muna siya for now. For the sake of my dignity.

"Pero frienyy, mainit pa ang mata saiyo ng mga alipores ni president. Hindi panila nakakalimutan ang ginawa mong pagsampal sa kanilang presidente. Baka saktan ka nilang muli," saad ni Love at bakas sa muka niya ang pagaalala.

"Wag ka mag alala. I can handle it and besides gusto ko narin silang saktan." napangisi ako. "Dahil sa ginawa nila sa akin binalik nila ang dating ako. Na malamig at matigas."

"Ice candy ikaw ba 'yan?"

Binatukan ko si love. "Sira!" asik ko sa kanya saka siya niyakap.

Dati kasi nung nasa junior high palang ako samutsaring away at gulo ang pinapasukan ko. Kahit lampa ako o mahina ay hindi ko iyon pinapakita sa kanila. Sabi nga ng isang philosopher kapag malakas ka ipakita mong mahina ka at kapag mahina ka ipakita mong malakas ka.

My President Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon