Chapter 19: Escaped

315 26 1
                                    

MY PRESIDENT CRUSH
Written by: agycruz

Nanatili lang ako sa kalsadang nakatayo habang unti-unting nang hihina ang mga tuhod sa pagod at pag-iyak. Napaupo na lang ako sa kalsada at doon na muna binuhos ang lungkot na dulot niya.

Naturukan ba siya nang anistisya dahil masyado siyang manhid. Hindi naman malabo ang mata niya pero bakit hindi niya makita ang halaga ko. Bakit hindi niya magawang suklian ang pagmamahal ko sa kaniya. Bakit?

All this time alam kong alam niya na crush ko siya dahil sa palagiang pagtingin at pagsunod ko sa kaniya pero bakit lahat nang 'yun sinusuklian niya lang nang sakit hindi ba pwedeng pagmamahal naman?

Niyakap ko ang mga tuhod ko at humungko dito. Feeling ko ay mauubusan na ako nang tubig sa katawan dahil walang tigil ang luha ko sa pag patak.

Hindi ko narin pinansin kung nag hihintay sa loob si Jamico. Siguro ay ipagpabukas na lang namin ang tutorial class dahil mugto na ang mata ko at wala na ako sa wisyo.

Ilang minuto rin akong nasa ganitong posisyon bago ako nakarinig nang pag hinto nang isang motorsiklo. Nag angat ako nang tingin sa kaba na baka mga isnatcher ito pero laking gulat ko nang isnatcher din pala ng puso ko.

"Hey, why are you here? Its already midnight at delikado kung nandito ka sa labas," walang palyang sambit ni Terrence habang naka tayo lang sa harapan ko.

"Magpapa--hangin lang..." garal-gal ang boses ko at medyo paos dahil sa pag-iyak. Umupo siya para mapantayan ako.

"Are you crying? May problema ba?" nag-aalalang tanong niya pero sa halip na sagutin ay humungko na lang ulit ako sa mga tuhod ko at umiyak.

"I understand if your not ready to spill it pero palagi mong tandaan na nandito lang ako." parang natunaw ang puso ko sa sinabi niya. Sa oras na kailangan ko talaga nang taong makakaintindi at makakapagpagaan ng loob ko maliban kina Love at Jamico si Terrence 'yun.

Para namang umurong ang puso ko nang bigla niya akong niyakap. I feel warm and comfortable with his hug kaya tinugunan ko na lang ang yakap niya at umiyak.

"Shhss... huwag ka nang umiyak. I feel hurt too when you're crying." Hinimas-himas niya ang buhok ko to comfort me. Maslalo ko pang binaon ang muka ko sa dibdib niya.

"I need a escape. Pwede mo ba akong samahan?" tanong ko sa pagitan ng paghikbi. Kumalas ako sa pagkayakap sa kaniya at tumayo.

Walang alinlangan siyang tumango sa tinanong ko at ngumiti. "Sige ba. Sasamahan kita kahit saan." Ini abot niya sa akin ang isa pang helmet na agad ko namang tinanggap.

Naka suot nang itim na jacket at naka maong na pants si Terrence. Mukang may pinuntahan siya base sa kaniyang suot mukang nag hang out siya.

Pinunasan ko muna ang mga luha ko at inayos ang sarili bago sinuot ang helmet. "Let's go?" pagaaya ko sa kaniya at sumakay na ng motor.

"Sabi mo eh." Pinaandar niya ang motor at yumakap naman ako sa kaniya para hindi mahulog.

Nasa kalagitnaan na kami nang biyahe nang lumingos siya at nag tanong. "Saan nga pala tayo pupunta?"

Mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kaniya at sinandal ang ulo sa likuran niya. "Hahanapin natin kung saan tayo nag kulang."

Mas lalo niyang binilisan ang patakbo nang motor sa sinabi ko. Maliwanag ngayon ang langit dahil sa bilog na buwan at mga nagniningning na bituin.

My President Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon