Chapter 3 -SHY-

19.9K 509 36
                                    

Chapter Three

-SHY-

Ibaba lang nito ang nakatapi kaya napangiwi ako ng madaanan ang dibdib nito at tiyan na halatang regular sa gym dahil sa kanyang toned mucles. Ilang beses na kayang nahaplos ni Jing ang mga iyon? Hanggang masahe lang ba talaga ang ibinibigay ni Jing o may iba pa? Pero may boyfriend si Jing kaya imposibleng sumiping naman ito sa iba. Kumilos ito kaya medyo nahawi ang tuwalyang nakatakip sa kanyang 'harapan'. Napakagat labi ako at bigla na namang pumasok sa marumi kong isip ang eksenang ginagawa nito kanina doon sa babae na model pala ng skin care products ayon sa magazine na binabasa ko.

Masyado akong distracted sa nakikita kaya tumayo ako para ayusin yung tuwalya subalit nagulat sa biglang pagdilat ng mga mata nito at napa-syet tuloy ako.

"You sure can swear, hindi bagay sa itsura mo." He commented.

"Sorry kung nagising kita, aayusin ko lang sana yung tapi mo."

"I dozed off, ginising mo sana ako." Umupo ito at saka sumandig sa headboard at hindi alintana ang tuwalyang humahawi sa dapat matakpan nito.

"Okey lang, kailangan mo kasing makapagpahinga dahil mukhang pagod ka. Yung tuwalya nahuhulog." Nguso ko sa ibaba niya. Mata lang nito ang kumilos para tignan saglit yung tuwalya at agad ding ibinalik sa akin ang kanyang paningin.

"Bakit, ayaw mo bang makita?" Alam kong namula ang aking mukha sa tinuran nito at mas lalo pa akong nakadama ng hiya ng tumawa pa siya.

"I heard you're in need of cash, d'you want to earn some more?"

Hindi ako interesado! Iyon ang gusto kong ipamukha dito pero ewan ba kung bakit kailangan ko pang pag-isipan ang kanyang sinabi. "Paano?" and asked instead.

"Work for me."

"Huh? Pero may trabaho na ako at saka ano naman ang trabahong papasukin ko sa iyo, personal masseuse?" maikli akong tumawa dahil pabiro iyon para sa akin.

"Yes, and more."

Hindi ako nakaimik. Diyata at seryoso nga ito? Pero hindi ko alam. Kung mas mataas ang kikitain ko dito kaysa sa salon bakit hindi diba, pero nakakaalangan lang kasi.

"I will double the salary of whatever the highest pay you get to where you work from. At sa tuwing masisiyahan ako sa trabaho mo you will get a reward for making me happy. Ano, payag ka?"

Hindi muna ako sumagot, nagiisip kung tatanggapin ba ang ino-offer nito. Pero lang kasi, paano kung...paano kung sa sobra nitong kahalayan ay pati ako galawin nito? Teka, manyakis ba ito? Pero wala sa hitsura pwera na lang kapag nag-umpisa na itong magsalita, parang lahat ng lumalabas sa bibig nito ay may halong ibig sabihin, o baka ako lang siguro ang nagiisip ng mahalay. Ay, ewan ko ba.

"Anyway, you have till midnight to think. For the meantime you will stay with me and escort me to my friend's event." Tumayo ito at dumiretso ng banyo at wala sa loob na napasunod ako dahil sa kanyang tinuran.

"Anong event? Teka lang, hindi pa ako pumapayag at saka anong till midnight? Hindi pwede dahil kailangan kong bumalik sa salon. Hindi ako nakapagpaalam at ayokong magbayad ng fine kapag late ako sa next appointment ko."

Hindi ito nagsalita habang nakangising nakatingin sa akin. Dahil sa pagtataka sa reaksiyon nito, doon ko lang napansin na nakatayo ako sa harapan ng hubo't hubad na lalakeng ito na walang anumang suot. Dapat ay takpan ko ang aking mga mata o kaya ay ilihis ang aking paningin o lumabas ng banyo pero hindi ko magawa. Parang namagneto ang buo kong katauhan sa pagmamasid sa matipuno nitong pangangatawan at pagkalalake nitong handa ng 'sumabak sa laban.'

Men In Love 1: His Sweet MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon