04

584 39 4
                                    

Good Guy


I felt a pinch in my chest while walking away. I don't know what the real reason is. Is it because of his eyes or is it because of what I said? Pero tama lang naman ang sinabi ko. Puro gulo lang ang dadalahin niya sa akin.

At kahit hindi naman niya ako sinasaktan, kahit pakiramdam ko ibang tao siya pag kasama ko, hindi pa rin noon mababago ang katotohanan na hindi mananahimik ang mga naririto kung patuloy kaming makikita sa iisang frame. Tahimik akong naglakad palabas ng school, with my hood and earphones on. Nakalagay sa bulsa ng hoodie ko ang mga kamay habang nakayuko at pinagmamasdan ang daan.

Pinili kong tumungo sa waiting shed kung saan kami nagkasama ni Gray kahapon. Bumuntong hininga ako matapos tumigil doon at inalis ang pagkakasuot ng hood sa ulo ko. I was waiting for a trycicle. Mabuti na lang at hindi na umuulan sa susunod ay magdadala na talaga ako ng payong so I won't owe anyone again.

"Where's your brother?" muntik na akong mapatalon ng may magsalita sa gilid ko. Halos manlaki ang mata ko ng makilala ang nagmamay-ari ng boses.

"E-Eli, andito ka pa?" nakahawak siya sa magkabilang strap ng bag niya at ngumiti.

"Yeah, I wanted to make sure you were going home safe, so I stayed. Duda ako kanina na may kasama kang uuwi." para akong namutla sa sinabi niya.

"I heard another issue, the reason why Ursaya's mad at you."

"It's just a misunderstanding."

"Yeah, but is it real that you and Gray were together yesterday, here?" napakagat ako sa sariling labi at tumango.

"Siya rin ba ang dahilan kaya ka nagpa-iwan kanina?" Muli akong tumango.

"I just returned his umbrella and told him to stay away from me, na ayoko nang magkasama pa kami."

"S-Sinabi mo 'yon? Hindi ka natakot sa kaniya?" tiningala ko siya at halatang gulat na gulat siya dahil sa nanlalaki niyang mata.

"Kahapon, no'ng una ko siyang makita shempre natakot ako, pero kahapon din no'ng uwian... I just feel like he's a different person," I shrugged.

Bakit ba ako nag k-kwento sa kaniya?

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa and I find it cute.

"Who knows if he was just playing a game we are not aware of? First of all, he's Grayson Castellan," natahimik ako sa sinabi niya.

"I just noticed you two aren't on good terms, matagal na ba kayong magkaaway?"

"Siguro, oo? Nagsimula kasi 'yon no'ng unang beses akong may iniligtas at ipinagtanggol against him."

"Bakit?"

"He was jealous of someone's achievements, so he threatened her and then burned her things."

"What?!" nagulat ako sa nalaman. I didn't know he was such a monster.

"It was Vivienne, actually. That's why we became friends, and it was because of Gray." hindi ako makapaniwalang magagawa 'yon ni Gray.

"Si Gray, ba talaga ang gumawa as in?"

"No, actually, Gray's friends. But then, because Gray was their so-called leader, the blame will always be on him." Tumahimik ako saglit, it's so early for me to think he was actually nice. Sa narinig ko'y unti-unti akong napaisip. I guess I was just right to push him as early as I could. He's not healthy to be involved in.

"Are you hungry? Can we eat somewhere or at 7 eleven tayo?" Napalingon ako kay Eli at nakangiti na ito sa akin.

"Are you sure, gusto mo ako isama?" mabilis niya akong inakbayan na para bang matagal na kaming close.

"Of course! Sayang nga at wala si Viv, tatlo sana tayo." I smiled.

"Sige na nga, bukas dapat kasama na natin siya," Hinayaan ko siyang akbayan ako hanggang sa makarating kami sa 7 eleven. Siya na ang nag-order ng kakainin namin at nagulat akong siopao pala 'yon. Pinanood ko lang siya hanggang sa makabalik sa upuan niya sa harapan ko.

"Here, kainin mo na habang mainit-init pa," Siya na rin ang naglagay ng sauce sa siopao bago 'yon inabot sa 'kin.

"Mukhang masarap a."

"Proven and tested," Nakangiti na sabi niya at kumindat pa.

"I love to see you smile often. Ang cute mo lang," Nakangiti na sabi nito at pakiramdam ko'y namula ako.Napadako naman ang tingin ko sa ID niya at binasa ang pangalan doon.

"Elvis William pala name mo?" Natatawang sabi ko kasi kahapon pa kami magkasama at kanina pero ngayon ko lang nalaman na 'yon pala buo niyang pangalan.

"Yes! Grabe ngayon mo lang nalaman?"

"Oo, 'di mo naman sinabi sa akin," Natatawang sabi ko kaya sumimangot siya na animo'y nagtatampo.

"That hurts, 'pag si Gray saka si Viv alam mo na, tapos pangalan ko?" His face screamed betrayal. Mas lalo akong natawa sa expression niya kaya lumobo ang pisngi niyang halatang nagpipigil na rin ng pagtawa. Nang hindi makayanan ay binato na niya ako ng tissue na agad ko namabg nailagan bago siya tuluyang natawa.

"Hey! Nakakaloko ang tawa mo ah," Natatawa pa rin na sabi niya.

"I just... I just find your expression priceless."

"Nakakatampo kasi."

"Sorry na," Natatawang sabi ko at pinunasan ang matang medyo naluha sa pagtawa. Unti-unti kong na realize ang nangyari kaya agad na napatungo ng makitang nakaagaw na pala kami ng attention.

"Okay, sige magpapakilala rin ako nakakahiya naman e. I'm Elvis William Lavarejos, seventeen, single, handsome," natawa ako sa pagiging presko niya sa dulo. Though he said that in a joke tone.

"Okay, sige. Thank you for that, but I still prefer to call you Eli."

"Yeah, because everyone used to call me that way. Well, except for Erich's friends."

"Wait, who's Erich? Parang hindi ko pa nakikita?"

"Absent, may sakit. Ewan ko kung kailan siya makakapasok."

"And?"

"Well, uh, she's known as Gray's girlfriend." kibit-balikat na sabi niya.

"Girlfriend, as in?" naniniguro na tanong ko na agad naman niyang kinatango. I sipped on my juice before I took a bite.

"Bakit parang natihimik ka ng malaman mong may GF si Gray?" he suspiciously asked.

"Well, I was just really surprised to know. He's a damn bad boy. How come he has a girlfriend?"

"Erich and Gray were childhood friends. Kung mayroon mang higit na nakakakilala kay Gray sa lahat ng nasa school, si Erich 'yon. Siya lang din kasi ang nakakapagpakalma kay Gray every time na napapasabak ito sa gulo."

"Now I'm curious," Nagkibit-balikat ako at pinagpatuloy ang pagkain.

"Curios about Gray?"

"Curious of how she can tame the beast of Amare," nagkatitigan kaming dalawa ni Eli, and when I realized that we had been staring at each other for about 10 seconds. My face flushed.

"You really want to see it?" I slowly nodded my head.

"Then wait for the return of the known beauty."


. . .

That September NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon