Outspoken
Isang malakas na sampal ang iginawad ko sa kaniya. I can feel my body trembling, not in nervousness but in shame and anger. Sa lakas ng sampal ko'y marahas na tumagilid ang mukha niya at agad ding namula ang parteng tinamaan ng palad ko. Hindi siya nagpakita ng kahit anong emosyon sa akin nang unti-unti siyang bumaling.
His eyes remained cold, and unreadable. His lips remained pursed as his brows remained shut.
"How dare you! Ang kapal ng mukha mo?! Anong ginagawa mo rito?! Bakit hindi...bakit hindi ka agad nagpakilala na hindi ikaw si Eli?! And w-why did you kiss m-me?!" I hate him, I hate him so much!
"Hindi mo siya gusto Denisse. It is me. You like me. Not him," mariin na sabi niya at binalewala ang galit kong tanong.
"I told you! I know myself more than you do, so stop telling me that it was you! Because it will never be you! Hindi ikaw, hindi ang tulad mo, hindi ang kagaya mo ang magugustuhan ko Gray! Look at yourself? You really think someone like me will be able to like someone like you? Okay! Thank you! Thank you for everything you did for me. Kahit hindi ko alam kung bakit?! Bakit ang bait mo sa 'kin, bakit mo ginawa ang mga 'yon para sa akin, and I thank you for that! But with you, I feel like I am not safe. And it's the last thing I want. To feel unsafe."
"Denisse? Gray?" napalingon ako muli sa boses, at unti-unting kumalma ng makitang si Eli 'yon. Mabilis akong naglakad palapit kay Eli at bahagyang itinago ang sarili sa likuran niya.
"Gray, ano nanaman ang ginagawa mo? Kung nasaan si Denisse ay naroroon ka rin?!" hindi siya sinagot ni Gray at sumulyap lamang ito sa akin.
"I just need to talk to her."
"For what?! to harass her again? To hurt her? No way, Gray!" I saw how his jaw clenched after what Eli told him. Mararahas ang hakbang na ginawa niya palapit sa amin ni Eli at mabilis niyang dinakip ang collar nito.
"I am being patient with you, Lavarejos, but you're trying to cut the last string of my patience."
"Bakit? Ano nanamang gagawin mo? Susuntukin mo ako? Ipapabugbog sa mga kaibigan mo? Go on! Dyan ka naman magaling 'di ba? 'Yan lang naman ang alam mong gawin kaya hindi ka makaalis-alis sa school na it— " hindi natuloy ni Eli ang sasabihin dahil malakas na siyang nasuntok ni Gray. Malakas akong napasigaw sa gulat at hindi agad nakabawi kaya nagawa pa ni Gray na masuntok ulit si Eli na pilit bumabawi.
"Gray stop!" I tried to meddle, ngunit agad din akong napapahinto.
"Gray ano ba?! Stop! Tigilan mo na si Eli! Napakagago mo talaga!" Naiinis na ako, nakakanis na siya! Palagi na lang.
He stopped after what I screamed. Hinihingal niya akong nilingon bago siya tumayo, at nagpakawala ng nakakalokong tawa. Until his devilish smirk turns into a bitter smile. Umiwas ako ng tingin ng may mabakas akong isang emosyon s amga mata niya.
"You won again this time, Elvis. Lagi na lang," It was almost a whisper. Hindi ko alam kung ako lang ba o nabakas ko ang panginginig sa boses niya ng sabihin niya iyon. Mabilis niya kaming tinalikuran at balewalang naglakad palayo.
BINABASA MO ANG
That September Night
RomanceAt seventeen, Avril Denisse Ramores appears to have it all: intelligence, wealth, and a luxurious lifestyle that many can only dream of. But beneath the glimmering surface lies a deep sense of isolation. Despite her privilege, Avril feels emotionall...