11

519 36 7
                                    

Savior

Mabilis akong napatakbo paalis ng hindi na siya nililingon pa. I don't know what to think after what he said.

"Denisse, saan ka ba nanggaling?" Salubong na tanong sa akin ni Eli na mukhang kanina pa ako hinahanap.

"May tiningnan lang ako pasensya na."

"Ayos ka lang ba? Bakit ka pinagpapawisan?" Agad siyang naglabas ng panyo at pinunasan ang pawis ko. Sa gulat ay agad akong napako sa kinatatayuan at natulala sa mukha niyang ilang inches lang ang layo. He was too focused on drying my sweats.

I won't deny the fact that Eli's a gorgeous man. Good boy na good boy ang dating at makikita mo pa lang sa kilos niya na mula siya sa mayamang pamilya at matalino. I think, marami na rin ang mga babaeng nagkakagusto sa kaniya ng lihim. Minsan ko rin kasi nakitang may nag-abot sa kaniya ng letter. Mayroon din siya sa locker room at mas lalo akong na amaze sa kaniya when he really pays attention to it.

Hindi niya tinatapon, tinatabi niya talaga and he will even acknowledge them.

Masarap siyang maging crush dahil kahit malaman niyang may nararamdaman ka sa kaniya. He will still respect you and your feelings. Hindi katulad no'ng ibang lalaki na kapag nalaman nilang may gusto sa kanila ang isang babae, akala mo kung sino nang artista o kilalang tao na hindi na namamansin. Masyadong mataas ang tingin sa sarili.

"Woy! Andyan lang pala kayo!" Mabilis akong natauhan at napalayo ng marinig ang boses ni Viv mula sa likuran ni Eli.

"Oh, bakit ka nawala bigla Denisse? Ayos ka lang?"

"Oo, may tiningnan lang ako. Actually, tumakbo ako kasi baka hanapin niyo ako ng matagal.

"Ano pa! 'Yan si Eli hindi mapakali ng bigla kang mawala. Tara na nga, nagugutom na ako. Lugaw naman tayo ah! Masarap mag goto ngayon," Ikinawit nito ang kamay sa braso ko at nauna na akong hilahin.

I glanced at Eli and mouthed 'thank you' for what he did. Ngumiti siya sa akin at sumunod na sa amin ni Vivienne.

For the first time in my life, may isang bagay akong nagustuhan. Every after class, 'yong tipong after namin makalabas ng school dederetso kami sa ihaw-ihaw or sa lugawan para kumain. Tapos hihintayin na lumubog ang araw habang naglalakad-lakad at kapag medyo madilim na sabay-sabay na kaming babalik sa parking lot kung nasaan ang kotse ni Eli. Una naming ihahatid si Viv dahil siya ang pinakamalapit ang bahay, at isusunod naman akong ihatid ni Eli sa amin. Hindi ko rin inaasahan na mayroon akong makakasamang tulad nila. They are harmless, and I am really comfortable with them. At least I found two people with whom I could be comfortable. Tama na sa akin ang konting kaibigan, mas madaling i-handle.

Nakasakay na kami sa kotse ni Eli. Magkatabi kami ni Vivi sa back seat habang nakasilip ako sa bintana at nakasuot nanaman ang earbuds. Tumutugtog ang isa sa paborito kong kanta na 'Monsters' ni Katie Sky ng mga oras na iyon when I saw a familiar figure.

Malapit na namin itong maabutan. He was walking alone, with his hand in his pocket.

Tinted ang kotse ni Eli, kaya hindi niya kami makikita. Nakayuko lang ito habang naglalakad at mas tinutuunan ng pansin na tingnan ang kalsada kaysa sa unahan niya. His hand was inside his pocket as he walked, like he didn't care about the world. Umangat ito ng tingin sa kotse ng dumaan kami sa gilid niya. Sumulyap ang mga mata niya sa bintana kung saan ako nakasilip at kahit alam kong hindi niya ako nakita sa loob ay pakiramdam ko tumagos sa bintana ang tingin niya.

Hinabol ko pa ito ng tingin kahit nakalampas na kami sa kanya. Mukhang ako lang ang nakapansin na si Gray 'yong lalaking 'yon sa aming tatlo. Muli kong naalala ang mga sinabi nito kanina at halos iumpog ko ang sariling ulo sa gilid.

That September NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon