13

450 33 2
                                    

Condition

"Denisse? Kanina ka pa tulala," Napalingon ako kay Viv at Eli na kanina pa pala nakatingin sa akin. Natigil na rin sila sa pagkain ng burger nila dahil sa pagkatulala ko.

"A-ah, sorry may iniisip lang."

"Iyong sa project natin? Madali lang 'yon! Kasama natin si Eli," Tumatawang sabi nito kaya dinagukan siya ni Eli. Ngumiti ako at sumang-ayon sa sinabi ni Viv kahit hindi naman talaga 'yon ang nasa isip ko.

"Si Eli ang isa sa candidate for valedictorian 'no? Sino ang kalaban niya?" Tanong ko habang binubuksan ang takip ng C2 ko.

"Si Erich," Bigla akong nasamid sa pag-inom ng C2 dahil sa pangalan na narinig.

"Simula pa lang, no'ng grade 7 si Erich at Eli na talaga ang magkalaban. Halos nagpapantay ang general average nila."

"Woah, so she's really smart?"

"Unfortunately, Yes."

"I'm sure si Eli pa rin ang magiging Valedictorian," Nakangiti na sabi ko at lumingon kay Eli na nangingiti na, bago ako hinarap.

"You think?"

"Oo naman! Ang tali-talino mo kaya!"

"For you, I'll do my best to become a valedictorian."

"Naks! Nagbibinata na talaga si Eli!" Napaharap kami pareho kay Viv na may nakakalokong ngisi habang nakatingin sa aming dalawa.

"Siraulo ka talaga."

"We believe in your supremacy, Eli. Magiging valedictorian ka."

Yes, I'm sure. Agree ako sa sinabi ni Vivienne.

Matapos ang break time ay bumalik kami sa room para sa susunod naming subject. Lunch time goes on until dismissal. May meeting nanaman sila sa PE club dahil malapit na ang intramurals kaya, uuwi nanaman akong mag-isa. Nagpaalam na rin ako sa kanilang mauuna na akong umuwi.

"Denisse, sandali," Nilingon ko si Eli at agad na huminto para makaabot siya sa akin.

"Bakit Eli?"

"Can I..." I waited for his next word. Napakamot pa ito sa batok niya na parang nahihiya siya sa susunod na bibitawang salita.

"Can I what?" I asked impatiently.

"Can I have your number? I just want to make sure that... uhm—you're safe," Biglang uminit ang mukha ko at 'di mapigilang hindi mangiti.

"O-oo naman," Inabot niya sa akin ang cellphone niya na malugod ko namang tinanggap. I typed my number on it, ako na rin ang nag-save bago binalik sa kaniya ang cellphone niya.

"Thank you! Ingat ka sa pag-uwi."

"Sige, salamat! Kayo rin," Ginulo niya muna ang buhok ko bago tumakbo pabalik kung saan siya nanggaling kanina.

I shoved my hands inside my hoodie's pocket as I started to walk out of the campus. Nakasuot sa magkabilang tainga ko ang earphones na binigay sa akin ni Eli. Mayamaya lang ay muli kong narinig na tumugtog ang 'monsters' ni Katie Sky. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ko itong tumutugtog the reason why I downloaded it.

Huminto ako sa waiting shed to wait for a bus to arrive. Mahangin ang panahon ngayon at hindi gano'n kainit. Wala rin ako makitang papalubog na araw and when I looked at the left side of the waiting shed, I saw a familiar person walking alone.

Mag-isa nanaman siya.

I tried my best to hide myself from him until he passed the waiting shed...hindi umangat ang ulo niya at tila malalim ang kaniyang iniisip tulad no'ng nakaraan. Nasa bulsa nanaman niya ang mga kamay at balewalang naglalakad. I heard the rumbling sound of the thunder as the rain started to drop. Kumunot ang noo ko nang tila wala siyang pakialam kung umuulan na. He remains unbothered, walking.

That September NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon