15

487 31 2
                                    

Confession


"Gray," Tumayo ako sa gilid niya, napansin ko ang hawak niyang bottle ng mogu mogu, na may straw pa. Ubos na ang laman no'n at sa tingin ko'y kanina pa 'yon walang laman, ngunit hindi pa niya tinatapon.

Mukhang hindi siya umalis sa pagkakaupo, dahil kung itatapon niya ang bottle ay naroon pa sa kabilang side sa may entrance ang basurahan. Umangat ang tingin niya sa akin at nakita ko nanaman muli ang malalamig niyang mga mata. It has always been lifeless. Hindi 'yata siya si Gray kapag wala ang mga matang 'yon.

"You came."

"And you really waited for me? Paano kung hindi ako dumating? Paano kung nagbago ang isip ko at ayoko nang magpagawa sa 'yo?" naiinis ako sa kaniya.

"Dumating ka naman e. 'Di ba sabi ko maghihintay ako?"

"E! paano nga kung wala pala akong balak pumunta? Maghihintay ka rito hanggang umaga?" kahit ang totoo nakalimutan ko talaga.

"Oo," simpleng sagot niya.

"Ano?"

"Oo maghihintay ako, kahit abutin pa ako ng umaga rito."

"Gago ka talaga, alam mo ba 'yang sinasabi mo? Dapat umalis ka na rito kanina pa."

"Kung umalis ako, mag-isa ka rito ngayon."

"Aalis din naman ako."

"Hindi maganda sa pakiramdam kapag pumunta ka sa isang lugar na wala naman na pala roon ang dahilan." Tumayo na siya at inangat pa ang hawak na bottle ng mogu mogu bago ako nilingon.

"Sa coffee shop na lang tayo malapit dito, para hindi na tayo malayo," Hindi na ako nakapagsalita at agad nang sumunod sa kaniya.

Pagkapasok sa coffee shop ay pinili namin kung saan medyo tago at kokonti ang mga tao, para mas makapag focus siya sa pag-paint.

Naupo ako sa harap niya at siya naman ay naging abala sa paglabas ng gagamitin niya.

I was just left watching him, and every action he took. Hindi mo talaga iisipin na siya si Grayson Castellan na bayolente at mahilig sa gulo.

"Angle yourself now, hoodie girl," nalito ako sa nais niyang iparating, kaya napatitig muna ako sa kaniya. He noticed it, so he smirked at me.

"Huwag ka sa 'kin tumingin," sabi pa niya.

"Ha? Paano mo ma p-paint mukha ko kung hindi ako titingin sa 'yo."

"I want to paint you, like you're not aware of it. Kung sa picture parang stolen, gano'n," Umangat ang sulok ng labi ko sa inis at lumingon na lang sa labas ng coffee shop. Nilibang ko ang sarili sa panonood ng nagdaraang sasakyan at pagbibilang ng mga couple na dumaraan. Kating-kati ako tingnan ang ginagawa niya pero tiniis ko.

Magaling kaya siya?

Baka naman binibig time niya lang ako? Kakalbuhin ko siya.

I am curious.

Does he really have a talent for the arts? Is he really good at it?

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nanatiling gano'n ang posisyon. Hindi ko rin alam kung gaano katagal na kaming naroroon.

"It's done," mabilis pa sa alas kwatro akong napalingon sa kaniya. Nakangisi ito at halos matawa ako ng wala sa oras ng makita ang ilang guhit ng kape na ginamit niyang pang paint sa mukha niya.

Mukha siyang isa doon sa mga bata sa commercial ng bonakid, batang may laban.

"What are you laughing at?" I couldn't stop myself from laughing when he noticed. Natakpan ko tuloy ang sariling bibig dahil napapalakas ang tawa ko habang ang itsura niya ay clueless at hindi maka relate.

That September NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon