20

465 27 3
                                    

Support me


"Denisse okay ka lang?" Napaayos ako bigla ng upo nang marinig ang boses ni Eli.

"O-Oo naman. Si Vivienne nga pala? Bakit wala?"

"Sick, pupuntahan ko nga mamaya. Wala pa naman parents niya, matigas pati ang ulo no'n at siguradong hindi 'yon mapapainom ng gamot ng mga yaya nila." nagalala naman ako, pero base sa narinig ko kay Eli mukhang wala naman ako dapat ikabahala. He'll take care of her.

"Kahit i-cheer mo na lang ako next week." huh? Ano na nga ulit ang sinasabi niya?

"Sa basketball, you can wear my jersey as a support, you know." nakangiti niyang sabi tila na e-excite akong makitang suot ang jersey niya. Gusto kong tumanggi pero hindi ko magawa dahil mabait siya, and I like him. Kinikilig din ako sa idea na isuot ang jersey niya with his surname behind.

"B-Baka may magalit sa akin."

"Wala 'yon! Sino naman? Saka I am courting you." courting. Nililigawan niya talaga ako?

"C-Courting?" he smiled at me.

"Yup! Papaalam na rin ako sa dad mo. I don't care if may pagasa ako sa 'yo o wala. I am willing to wait, and I will court you no matter what happens."

Sakto naman na may dumaan sa may table namin at nang sulyapan ko 'yon ay nagulat akong makitang si Gray 'yon.

Pumasok na siya?

After namin mag-usap kagabi and after he said those three words to me. Umalis na rin siya. Hindi niya ako nilingon, at hindi ko maintindihan kung bakit parang nadismaya ako roon.

Erich walked near him. At halos pakiramdam ko nawala ako sa mood ng iyakap ni Erich ang mga braso niya sa braso ni Gray na hindi naman pinansin ng lalaki.

"Denisse? Are you listening to me?" nabalik ang attention ko kay Eli at pinilit na intindihin siya.

"S-Sige...sige Eli." damn! Hindi ko na alam kung ano ba ang pinaguusapan namin.

"Good, I'll give it to you sa Saturday punta ako sa inyo." Tumango na lang ako at hinintay matapos.

Wala ako sa mood makipagusap kay Eli no'ng hapon. Nagkaroon pa ng recitation kaya mas lalo akong nawala sa wisyo.I can feel my cold fingertips. Pakiramdam ko namumutla na ako at hindi matigil ang pangangatog ng tuhod ko. Waiting to be called sucks, lalo na ng makita ko ang mga index na pinaglilipatlipat ng subject teacher namin bago bubunot.

"Hey, you okay? You can do it." Eli tries to comfort me. But he didn't make it. Nanatiling ganoon ang pakiramdam ko hanggang sa mapalingon ako sa labas ng classroom namin.

Nakita ko ang isang lalaking nakasandal sa may poste sa tapat ng pinto namin. Why is he even in the corridor at this hour? Tiyak na mapapagalitan siya kapag may nakakita sa kaniyang teacher. Oras ng klase.

He nodded at me before he lifted his hand to give me a thumbs up, like telling me, 'it's okay' I have to be okay.

Kinunutan ko siya ng noo pero ngumiti lang siya sa akin.

Hindi na ako nakatagal sa pakikipagusap kay Gray gamit ang facial expression nang marinig ko na ang pangalan ko. I felt a little nervous at first, pero nagawa ko ring itawid ang explanation ko at halos makahinga ako ng maluwag nang makaupo.

"Yie! I told you, kaya mo 'yan."

Ngumiti ako kay Eli pero lumagpas ang tingin ko sa kaniya patungo sa labas ng pinto, inaakalang naroroon pa si Gray ngunit nawala ang ngiti ko nang hindi ko na siya maabutang nakatayo roon.

That September NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon